Monday 6 January 2014

Testimony Ni Toyo

                       
Ang buhay ay parang isang thesis, may introduction, may experimentation at conclusion.


                                                                  ***

Tara, yosi muna tayo.

Labing-dalawang taon ako ng mamatay si mommy at daddy na-aksidente sa eroplano. Iyon ang banggit ng tita ko sa akin. Tulog ako noon tapos ay ginising ako. Iyak ng iyak ang tita Elsa ko. Hindi na raw babalik pa sina mommy at daddy. Kaya naman, iyak na rin ako ng iyak. Hindi ko alam gagawin ko. Ang huling padala nila sa bagahe etong mga damit na pang-birthday ko pati si Gretchen yung barbie doll ko. Ang ganda-ganda ng mga regalo nila sa akin. Mayaman kami. Nasa abroad kasi sila mommy at daddy. Ang ganda nga ng bahay namin sa may San Juan pero lumipat ako sa Recto dito kay tita Elsa kasi nag-abroad sila mommy. Wala akong kapatid. Wala ring anak si tita Elsa kaya ako na lang ang kanyang parang anak. Pero meron syang kaibigang lalaki, tatawagin ko raw  “tito”. Kagabi, noong umiiyak si tita Elsa, may nagpunta sa bahay, si tito Francis. Pinag-uusapan nila ang pagkamatay nila mommy. Hindi ko na rin naiintindihan kasi halos humahagulgol si tita.

Ang malas naman, kung kailan pa ako mag-bibirthday saka sila nawala. Sana may kapatid ako para naman may kasama ako, pero hindi natupad. Dapat kasi, pagkauwi nila mommy, saka ako magkakaron ang kapatid. Ngayon, si Gretchen na lang ang kasama ko.

Magmula ng mamatay sila mommy, hindi na ako nakabalik sa malaking bahay namin sa may San Juan sabi ni tita Elsa, sinabi daw ni mommy na ibenta iyon para makapag-aral ako sa high school. Sayang, hindi ko nakausap sila mommy iyon pala ang huling bilin, pero bakit pa sila nag-abroad? Hindi ba sila nakaipon doon sa Qatar? Pero tinaggap ko na lang iyon kasi ang sabi ng tita Elsa.

Ilang lingo ang lumipas, sabi ni tita siya na lang daw ang nag-asikaso sa bangkay ng mommy at daddy kasi hindi na rin daw makilala, kaya inilibing na rin agad. Ang daya naman, sa kahuli-hulihan, hindi ko na sila nakita pa. Si Gretchen na lang naiwan, yung barbie doll ko.

Sumunod na linggo, may bagong pinakilala si Tita Elsa sa akin, si tito Efren. Mukhang matanda na si tito Efren. Halos sampung taon ang agwat kay tita Elsa na kwarenta anyos. Si tito Efren, natutulog sya sa bahay. Kasama namin sa bahay. Matagal sya doon. Matagal. Yung bahay namin ni tita Elsa, una, may magandang kusina parang reddish marmol pero ngayon lumipat kami parang kusina na lang yung tirahan namin. Malamok. Akala ko nga magkakasakit ako.

Nagising ako isang gabi, may nagtatalo, doon sa kabilang kwarto, alam ko sila tita Elsa iyon at Efren. Nakita ko, sinampal ni Tito Efren ang tita ko. Yung makapal na lipistik ni tita at kulot niyang buhok ay halos kumalat sa mukha niya. Natakot ako kay tito Efren kaya bumalik ako sa higaan ko.

Naubos na yung pera ni tita. Yun ang pinag-aawayan nila. Hindi ko rin maisip parehas naman sila nagsusugal, nag-eenjoy pero pagkauwi ng bahay nagtatalo. Hindi ba nila naisip na gusto ko rin mag-aral?

May maliit na negosyo si tita may pwesto kami sa Recto, nagbabantay ako doon nagtitinda kami ng libro at mga gamit ng estudyante. Nakakainggit lang, magmula ng mamatay sila mommy, yung magandang uniporme ng estudyante sa Centro Escolar hindi ko masuot. Pero pangako iyon ni tita pag-aaralin nya ako kasi iyon ang bilin nila mommy, kaya nga raw binenta yung bahay naming sa may San Juan.

Nag-aantay lang ako sa go signal ni tita, tuwing June, tinatanong ko sya, sabi nya sa akin mag-inquire daw ako, pero sa mura lang daw kung gusto ko mag-kolehiyo. Kasi Nagkaproblema daw sa lupa na binebenta nila pati yung sa bahay naming sa may San Juan.

Pagkauwi ko galing sa tindahan namin, gutom na gutom ako noon tanghali na nakalimutan ko dalahin yung tanghalian ko. Alam ko kasi busy si tita sabi nya may bisita daw siya kaya ako muna ang naatasan. Umuwi ako sa bahay namin. Nakasarado iyon. Buti may susi ako. Maingay sa loob. Nagulat ako ng Makita ko sila na walang saplot kaya napaurong ako. Wrong timing. Napalingon ang lalaking kasama niya pero sigurado ako hindi si tito Efren iyon.

Sabi ni tita Elsa, wala na raw si tito Efren, kasi sinasaktan daw sya nito, kaya ipinakilala nya sa akin si Ferdi noong magbalik ako sa bahay pagkatapos ng pagbabantay sa tindahan. May edad na rin halos si Ferdi kasing tanda ni Efren. Francis- Erfen-Ferdi. O-okey. Astig. Pero kahit ganoon, alam ko mahal ako ni tita Elsa. Kasi pag-aaralin nya ako.

Nakikita ko na masaya ang tita ko kasi masaya sila ni Ferdi. Kaya naman ok na ako doon. May negosyo si tito Ferdi. Malapit lang din sa bahay namin. Computer shop. Nagpunta ako doon minsan, kasi sabi ni tita, alamin ko raw mag-computer dahil susunod, ako na ang hahawak nito. Kaya tuwang-tuwa ako, ang dami nilang computer. Parang nahumaling na ako doon. Ang dami ding DOTA player sa kanila sa umaga, mga estudyante, mga ordinaryong tao at magagandang babae kung gabi. Nagiging tipunan ng magagandang babae pala iyon kung gabi. Mas malaki ang kita namin sa shop na ito kaya naman, sabi ng tita, kung gusto ko pa mag-aral, mag-ipon muna kami. Umo-Oo lang ako sa kanya, may sarili kasi akong computer doon kay tito Ferdi.

Sabi nila, mas maganda kung pagkakitaan daw iyon kagaya ng mga magagandang babae sa shop kung gabi. WALA naman daw masama. Dalaga pa rin ako. Ipapakita lang yung konting parte ng katawan ko sa kausap sa may video tapos yung pera ibibigay na lang sa ATM ni tita. Kahit ano raw ang ipagawa sa akin gawin ko raw tutal may alam daw ako sa English. English daw kasi makikipagusap yung nasa video.

Ano nga ba ang tawag sa ganoong hanap-buhay?

Ganoon ang istilo sa lugar na iyon kapag gabi. Totoo nga mas maraming kita pero nakakapuyat. Nakikita ko rin na mas masaya na ang tiyahin ko, kasi nakakatulong ako sa kanya?

Hindi pa doon nagtatapos ang mga pinapagawa niya sa akin, nagpupunta kami sa isa pang sulok ng lugar na iyon na kung tawagin ay spa o bar maraming nag-iinuman doon, madilim at halos makapal na make-up lang daw ang pantapat doon para makita ka. May spa may bar din. Iyon ang sabi ni tita. Doon daw sya nagtrabaho dati kaya naman ngayon na kinse anyos na ako, bukas disi-sais na ako, tulungan ko muna raw sya tutal, gusto ko raw mag-aral. Halos wala na nga sa isip ko kung mag-aaral pa ako. Kumikita naman na raw ako? Ano pa ang kukunin ko kung mag-aaral ako e ganoon din daw iyon, magtatrabaho din naman ako pagkatapos mag-aral?

Marami na rin akong nakilala, Gil, Anthony, Harold, Kevin, sino pa nga yung iba? Iyan nga pala mga customer ko sabi nila, mahal daw nila ako. Buti pa sila mahal nila ako, ako nga hindi ko magawang mahalin kahit sarili ko? Pero ang masarap lang doon, libre na ang drugs, libre pa inom pati may pera ka pa, ‘san ka pa? Ewan ko kung totoo nilang pangalan iyon, pero nakilala ko sila doon sa may kwarto na sinabi ni tita.
Umiinom muna kami ng beer, tapos yung parang tawas pala itsura ng shabu ok, tapos may GVKm na iniinom na mukhang vitamins, oo vitamins daw, halo-halong valium at iba pa tapos sunod noon, hindi ko na alam ang nangyayari. Basta alam ko, naroon ako. Nagtatrabaho.

Pagod na pagod ako tuwing umaga. Nangingitim na yung mata ko sa inaabot daw kami sa kwarto ng hanggang alas-singko tapos, iuuwi na lamang ako ng tiya ko. Tapos nale-late na ako sa pagbabantay ng tindahan ng libro namin sa Recto.

Mag-iisang linggo na akong nagta-trabaho doon tapos ngayon, pakiramdam ko, ang sakit-sakit ng pag-ihi ko, sabi ni tita, UTI daw iyon uminom lang daw ako ng maraming tubig. Parang ayaw ko muna ulit magtrabaho doon, lalagnatin ako.

Nag-absent ako ng tatlong araw. Humina raw ang kita kasi wala ako. Nakita ko noon na nagbibilang ng pera si tita Elsa. Na-guilty naman ako sa sinabi nila. Kaya nag-double work ako.
Nagpatuloy ang ganoong sitwasyon sa buhay ko. Alam ko masaya naman ako kasi marami na ring pera, natuto akong magbisyo, kasi hindi pwedeng wala kapag ganoon nagtrabaho mo. Marami na rin akong nakilalang kaibigan.

Minsan sa pag-uwi ko ng madaling araw, nakita ko si tito Ferdi nandoon naghihintay sa akin sa bahay. Wala raw ang tita Elsa ko, nag-away sila. Asan na kaya siya? Akala ko matino sya nakikipag-usap sa akin, kasi iyon ang una niyang sabi, wala si tita Elsa, nag-away sila. Tapos bigla na lang nya ako itinumba. Tapos pinaghahalikan. Pagod na pagod na ako sa trabaho, halos wala na akong lakas. Halos hindi ko na kaya maglakad. Ang sakit-sakit ng ginagawa nya. Hindi ko mapayagan, naglaban ako sa kanya pero sadyang malakas sya, ganoon ba ang ginagawa ng mga kasama ko sa kwarto doon sa shop? O talagang hindi ko lang alam iyon ang nangyayari? Hindi ako makapalag, hindi ko na kaya. Bakit iniwan ako ng tita ko dito? Asan na ba sya? Hindi ko akalain na gagawain nya yun sa akin. Hayop sya hayop…Iyak ako ng iyak.sabi ni tito normal daw iyon bakit mukhang nag-aasta akong malinis? Normal? Bakit hindi nya iyon gawin kay tita Elsa? Bakit ang sama nya? Dumating si tita nakita nya ako umiiyak. Nalaman nya ang ginawa ni Ferdi. Nagtalo sila. Nag-away. Ang gulo ng paligid. Parang gusto ko lang sumigaw ng sumigaw at  magalit sa mundo, bakit hinahayaan ng Diyos na maging ganito ang sitwasyon ko?

Nagpatuloy ang buhay ko sa shop nila, galit pa rin ako sa kay Ferdi. Hindi katagalan, nalaman ko ang ibang shop, mas malaki ang kita.. kaya halos magsolo na ako. Ang baba na ng tingin ko sa sarili ko, hindi ko na matignan sa salamin, nakikita ko naman na maganda sya pero kapag inisip mo kung paano ito binaboy ng mga taong sabik sa pera at pangsariling kasiyahan, nakakahiya. Ganito na ba talaga ang buhay ko?
Minsan naiiyak na lang ako sa isang tabi, lalo na kapag gabi, kapag pagod na pagod na ako.. Bisyo, inom at droga. Saan na nga ba ako? Alam ko ito na ang nakagisnan ko. Hindi na siguro mababago ang takbo ng buhay ko, kumikita naman ako e? Natutulungan ko si Elsa. Ang tiya ko. Bakit ba nya ako hinayaan sa ganitong trabaho? Akala ko makaka-aral pa ako. 

Ngayon, 19 na ako. Birthday ko ulit. Naalala ko na naman sila mommy. Sana kung nandito sila, makaka-migrate na ako sa ibang bansa. Nawala na yung pangarap ko maging nurse. Mag-aral man ako sa katawan ng tao, hindi na maari, ako mismo hindi na malinis. Wala na sigurong magmamahal sa akin? Kasi hindi ko na rin mabilang ang nakasama ko sa kwartong iyon, mga hayop sila, shabu, marijuana, ketamine, valium. Iilan na nga ba silang mga lalaki, wala na bang matinong lalaki ngayon? Lahat sila gustong galawin ako. Hindi na ba nila iginagalang ang mga menor de edad, lalo na yang hayop na si Ferdi. Akala ko tutulungan nila ako, pero ngayon,  wala, asan na nga ba ako, parang halos araw-araw gusto ko masuka sa mga nangyayari. Bakit paulit-ulit nya iyon ginagawa sa akin? Okey lang ba kay tita Elsa iyon? Hindi nya ba ako mapagtatanggol? May galit at takot akong nararamdaman. Gusto ko ba itong mga nangyayri sa akin? Siguro nga ito ang kapalaran ko, sabagay, hindi naman na ako malinis. Kahit ang Diyos hindi na ako mapapatawad e sa dami ng nagawa kong labag sa kanya? Lalo na nagyon nagbunga ang kagagawan ni Ferdi. Isang buwan na akong hindi dinadatnan... 

Isang gabi noon halos wala na ako sa sarili. Uminom kami ng mga kaibigan ko, niyaya ko sila sa tambayan namin. Masaya kasi kasama ko sila, humindi muna ako sa mga customer ko. Kung baga, free muna kasi birthday ko naman.

Sabi ko sa sarili ko, ngayong birthday ko, dapat sana nandito ang mga magulang ko pero, wala e, wala na sila. Si Elsa at Ferdi, hindi ko alam, magmula ng humiwalay ako sa shop, nawala na rin sila. Minsan nga tinext ako ni Elsa. Elsa na lang tawag ko sa kanya, nanghihingi siya ng pera, aba? Asa naman sya? Ganoon na lang ba ang lahat? Hindi ko lubos maisip kahit ang kamag-anak mo ilalapit ka sa masasama, siya rin naman ang pumayag na maging ganito ako e? Sana pinag-aral nya ako, may natapos pa sana ako, sana nakapag-aral ako ng nursing. Hindi ko malubos maisip na kahit pala kadugo mo kaya kang ipag-palit sa pera.

Hindi naman ako masyadong bitter sa lahat. Siguro nga walang diyos. Dapat sana kung may diyos, hindi nya ako hahayaan na mapariwara. Paano mo masasabing mabuti ang diyos, kung ang buhay ko ay hindi mabuti, pinipili lang ba nya ang mga minamahal nya? Ako hindi ba nya mahal?

Hindi ko namalayan nagsuka na pala ako. Nahihilo na ako. Pero sige tuloy. Gusto ko pa maging masaya. Yung saya na hindi ko pa nararanasan kahit kailan, tutal birthday ko naman. Sabi ng mga kaibigan ko himala raw at napasuka nila ako gayong dati kapag umiinom kami hindi ako nagsususka. Naisip ko, buntis pala ako. Hindi ko naman ginusto ito? Okey lang uminom mag-yosi at magdrugs, hindi ko gusto ang bata na ‘to sa tiyan ko...gusto ko syang patayin...

Nadatnan ko nalang ang sarili ko, iyak ng iyak. Hindi ko matanggap na buntis na nga ako. Madilim sa lugar na iyon. Sa may tulay, biglang bumilis ang takbo ng isip ko. Medyo mataas ang tulay, sa ibaba ay ang ilog. Amoy na amoy ang basura na nakatambak sa gawing kaliwa ng lugar na iyon ang iba naglisaw sa ilog. Itim ang paligid. Tama, ito na ang paraan, sabi nila, kapag namatay ka raw, wala ng sakit, puro masaya na. Gusto ko na malaman kung totoo nga ba ang sinasabi nila. Iyak pa rin ako ng iyak. Natatakot ako sa dami ng mga bagay na sumasagi sa isip ko, mga bagay na malulungkot. Kahit masaya alam ko hindi ako tunay na masaya. Bakit ba ang lupit ng mundo? Inihahakbang ko na ang paa ko, tama, tama lang na wakasan na ang buhay, wala naman akong kwenta, sabagay doon sa kabilang buhay baka makapag-umpisa ako muli.
Napakahangin ng paligid. Nobyembre noon.

Naalala ko sila mommy, parang tinatawag nila ako, parang malungkot sila sa tinig na iyon...naririnig ko sila doon sa madilim na ilog...gusto ko na hayaan ang katawan ko ay sumunod sa hangin, susundan ang tinig na iyon... sila mommy, bakit sila malungkot? Ngunit may isa pa ring tinig sa likuran ko. Natigilan ako. Tinig ng isang lalaki. Tinig na maamo ngunit may awtoridad, tinig na nagsusumamo. Pagkatapos naramdaman ko may humawak sa braso ko. Napasandal na lamang ako sa dibdib nya, tapos noong lumingon ako halos mahalikan ko ang labi nya. Sabi nya kanina pa raw nya ako pinagmamasdan. Naguluhan ako, sino ba sya? Siguro, isa na naman ito sa lalaking gusto manamantala sa akin. Hindi pa ba kayo tapos? Gusto ko na mamatay please..... Sinampal ko sya, sabi nya “teka saglit lang miss?” 

Pero mali pala ako ng akala.

Napaiyak na lamang ako at naawa sa sarili ko. Ang pangit-pangit ko na...

Maayos siya makipag-usap. Nawala yung lasing ko at hinawi ko ang buhok kong nagulo na sa hangin ng gabing iyon. Akala ko kung sino. Hindi ko akalain na may tao pa pala sa mundo na kagaya nya. Akala ko pare-parehas sila...

Sa mga panahon na iyon hindi ko malilimutan kung paano na lamang ako naawa ng lubos sa sarili ko. Siya si John. Sabi ni John, taliwas sa sinasabi kong walang diyos. Si John ay minsan ding nakaranas ng kagaya sa akin, mas higit pa nga sa dinanas ko noong kinuwento nya ang ukol sa kanya. Minsan sa buhay siguro nangyayari ang mawala tayo upang tayo ay matagpuan. 

Natapos na ang gabing iyon... Hindi ko na malilimutan...

Nagbago ang pananaw ko sa buhay. Hindi ko na ngayon maipaliwanag pagkatapos ng isang taon maari pa pala mabago ang lahat. Mahal ko si John. Hindi ko maaring maitago ang galak na nararanasan, lalo na ng ilapit nya ako sa Panginoon higit sa kanyang sarili. Ngayon, nagsilang na ako ng sanggol mula sa nakaraan. Mahirap pala maging batang ina, pero ngayon binigyan ako ng Diyos ng katuwang. Yung katuwang na itinagpo ng Diyos sa akin na parehas kaming nawala ngunit ngayon ay natagpuan, parehas na nagkasala noon ngunit ngayon ay nagbabalik, parehas naging biktima ngunit nagpatawad, parehas makasalanan ngunit ngayon nakakilala sa Diyos na may kapal at handang maglingkod sa Kanya ng may galak.

Siguro nga kahit na anong itim ang kasalanan mo sa Diyos, kung magbalik ka, mamuhay ng may kaayusan iwan ang mga bagay na nagpapabigat sayo susunod ang mga magandang kapalaran. Siguro ginagamit lamang ng Diyos ang mga bagay na nangyari sa aking buhay para makalapit tayo sa kanya. Nagdaan man ako sa napakadilim na bahagi ng buhay ko magmula noong kabataan ngunit sa dulo pala ng madilim na bahaging iyon ay may liwanag. Tama, hindi maaring matapos sa kadiliman ang bahaging iyon, mali yung inisip ko noon na wala ng darating na pag-asa sa akin, pero kahit ganoon, ginamit ng Diyos iyon para makapasok sya sa buhay ko.

May mga pagkakataong nadarapa tayo sa ating buhay, na halos akala natin pinabayaan na tayo ng Diyos, ngunit hindi pinapabayaan ng Diyos ang kanyang nilikha. May mga kaparaanan ang Diyos para sa gayon maranasan man natin ang masaklap na bahagi,  sa bandang huli Siya pa rin ang ating kakapitan at hahanapin.
Natuto na rin akong magpatawad sa mga taong lumapastangan at gumamit sa aking kabataan para sa sarili nilang kasayahan. Hindi mo nga makakamtan ang tunay na kapayapaan ng puso kung pilit mong inaalala ang mga bagay na masasama na ginawa nila sa buhay mo. Napatawad na kita Elsa at Ferdi. Kung hindi nga dahil sa inyo, hindi ko makikilala ang Diyos.

Salamat din kay John, na ginamit ng Diyos para makapunta ako sa kaliwanagan. Ngayon maligaya na kaming mag-asawa.

Hindi ko rin malilimutan ang pag-asa ng isang nagtitiwala sa Panginoon, sabi ni John babalik ang Panginoong Hesus, malapit na…

Salamat sa pakikinig sa akin, ako nga pala si Teodora Otelea Y. Orosa.

Mapalad ang mga taong nagtitiwala sa Diyos, pagpapalain  ang umaasa sa kanya. Katulad niya’y isang punongkahoy na nakatanim sa tabi ng batisan; ang mga ugat ay patungo sa tubig; hindi ito manganganib kahit dumating ang tag-init, sapagkat mananatiling luntian ang mga dahon nito, kahit hindi umulan ay wala itong aalalahanin; patuloy pa rin itong mamumunga.” Jeremias 17:7-8