Thursday 26 February 2015

THE TRUTH SHALL SET YOU FREE #2

#2
Topic: May uri lamang ba na pagsamba na tinatanggap o kinaluluguran ang Diyos? (Paano yung nakasanayan kong pagsamba?)

Key Scripture: John 4:23-24

Juan 4:23-24 Tagalog

Subalit dumarating na ang panahon at ngayon na nga, na ang mga tunay na sumasamba sa Ama ay sasamba sa kanya sa espiritu at sa katotohanan. Sapagkat ganyan ang uri ng pagsambang kinalulugdan ng Ama. Ang Diyos ay Espiritu kaya dapat siyang sambahin sa espiritu at sa katotohanan.”

John 4:23-24 NIV

Yet a time is coming and has now come when the true worshipers will worship the Father in the Spirit and in truth, for they are the kind of worshipers the Father seeks.  God is spirit, and his worshipers must worship in the Spirit and in truth.”

Answer:
If you will know the truth, it shall set you free- John 8:32

Ang katotohanan ang magpapalaya sa iyo, ito ay nakasulat sa Bibliya.

May uri lamang na pagsamba ang nais ng Diyos sa atin, kapag binasa ang John 4:23-24, nakatala doon na ang kinakaluguran lamang ng Diyos na sumasamba sa Kanya ay ang sumasamba sa Kanya sa Espiritu at katotohanan.

Pagsamba/worship: To honor, to adore (pag-respeto, paggalang)

Sa Espiritu: pagsambang bukal sa puso, worship with all our heart, mind, soul and strength. Tayo ay sumasamba hindi lamang sa iisang lugar o geographical location kung south lang o north lang, o sa loob simbahan lang. Tayo na ay sumasamba, pinag-isa kay Kristo Hesus, saan ka man, malayo ka man, Hudyo ka man, o Griyego, tayo ay sasamba sa Ama through Spirit.

Sa Espiritu: ang Espiritu ay hindi nakikita, kaya sambahin ang Ama hindi gamit ang mga picture, rebulto o ano pang gawa ng kamay ng tao.

Sa Katotohanan: kapag sinabing katotohanan, ito ay "katotohanan" hindi kathang isip lamang, hindi gawa-gawa ng tao. Ang katotohanan ay nakasulat sa Bibliya. At ang katotohanan ang siyang magbibigay laya na noon akala mo tama na lang, sapat na lang.

May kaibigan ako na nagtanong, na kahit anong dasal nya ay hindi sya sinasagot ng Diyos?

May mga dalangin tayo, kung minsan matanong ba natin ang ating sarili kung naka ALLIGN ba sa katotohanan ang ating panalangin? Sumasagot ang Diyos sa panalangin natin ng, YES, NO, WAIT.

Ang tunay na pagsamba ay hindi nababase sa "external cermonies" "geographical location worship"  ito ay nababase sa katotohanan, pag-alay ng sarili sa Diyos, buong puso, buong katawan na hindi instrumento ng kalikuan:
Romans 12:1
Kaya nga, mga kapatid, alang-alang sa masaganang habag ng Diyos sa atin, ako'y nakikiusap na ialay ninyo ang inyong sarili bilang isang handog na buháy, banal at kalugud-lugod sa Diyos. Ito ang karapat-dapat na pagsamba ninyo sa Diyos.

Apply: Hindi man nakabase noon ang pagsamba mo sa katotohanan, may pagkakamali man, sinunod man ang gawa lamang ng tao, ang Diyos ay hindi nagtataboy sa sinoman na nais lumapit sa Kanya.

Prayer: Father, I am sinner, hindi naging kaluguran sa iyo ang buhay na ito, ngayon, tinatanggap ko ang Panginoong Hesus upang sa kanyang banal na dugo ako ay pinalaya na at inalis na ang aking kasalanan. Panginoong Hesus, pumasok ka sa puso ko at buhay, ikaw ang aking Panginoon at drayber ng aking buhay. In Jesus name, amen.




Monday 23 February 2015

THE TRUTH SHALL SET YOU FREE

#1
Topic: Mapupunta ba ako sa Langit kapag gumawa ako ng mabuti?

Key Scripture: Ephesians 2:8-9

Mga Taga-Efeso 2:8-9 Tagalog
Sapagkat dahil sa kagandahang-loob ng Diyos kayo ay naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ang kaligtasang ito'y kaloob ng Diyos at hindi sa pamamagitan ng inyong sarili; hindi ito bunga ng inyong mga gawa kaya't walang dapat ipagmalaki ang sinuman.

Mga Taga-Efeso 2:8-9 English

For it is by grace you have been saved, through faith—and this is not from yourselves, it is the gift of God— not by works, so that no one can boast.

Answer:
If you will know the truth, it shall set you free--- John 8:32
Ang katotohanan ng salita ng Diyos ay nasa Bibliya.

Sinasabi sa Ephesians 2 na ang lahat ng sumasampalataya sa Panginoong Hesus ay siya lamang maliligtas. Hindi ito bunga ng mabubuting gawa, ang Panginoong Hesus lamang ang DAAN patungo sa langit.

Apply:
May choice ka.
Hindi natin kaya na mailigtas ang ating sarili kapag tayo ay namatay na. Pagpipilian mo lamang ay langit o lupa kung saan ka mapupunta, kaya nararapat lamang na tanggapin ang Panginoong Hesus bilang tagapagligtas at Panginoon habang ikaw ay naririto pa at buhay pa, ngayon na ang oras para ipagkatiwala ang iyong buhay sa Diyos na may Likha.

Prayer:
Father, I am a sinner, hindi ko kaya iligtas ang aking kaluluwa sa lupa, ipinagkakatiwala ko sayo ang aking kaluluwa at mamumuhay na ayon sa nais mo, In Jesus name, amen.








Sunday 4 January 2015

BAKIT LAGI UBOS ANG PERA MO?

Bakit ka ba laging walang pera? Ito ang mga rason kung bakit lagi ubos ang pera mo, hindi nagkakasya o nawawala ng parang bula.

God created money.
Una sa lahat ginawa ng Diyos ang pera, ito ang pambili mo ng mga bagay-bagay. Isa sa maaring dahilan kung bakit ka walang pera ngayon ay wala ka sa Diyos. Bakit ko nasabi ito? Ang Diyos ang creator ng lahat ng bagay, ginawa nya ang pera, para sayo, para sa akin, for enjoyment. He is the vine, we are the branches John 15:5, He is the source of everything.  Naranasan mo na ba yung… may pera ka nga, pero? Bilis maubos. Kapag nakakaipon ka na, bigla dumarating ang mga may sakit, lagi ang text sayo, : “may pera ka ba nagkasakit kasi si ganito, kailangan ng ganito, kailangan ng ganyan.” OMG!  Hindi mo na alam parang agos ng tubig sa ilog na patuloy tuloy lang ang pagkawala ng pera mo?

Living Beyond.
Pangalawa sa dahilan kung bakit ka walang pera? O palaging ubos pera mo o laging walang natitira kasi wala ka sa reyalidad gumastos. YOU LIVE BEYOND YOUR MEANS. Hindi ko sinabi na ‘wag ka gumastos, ang pera ay para sa enjoyment.  Mark the difference of  “need and want” Need: kailangan, Want: kagustuhan.

Robbery.
Ikaw ba ay nagbibigay sa Panginoon? Sabi ng Diyos sa Malachi 3:7-10, “Pinagnanakawan nyo ako!”  Sabi naman ng mga tao, sa paanong paraan naming ikaw pinagnanakawan?  “sa mga ikapu at handog”  Sa tithes and offering.  Kailan ka nagbigay ng taos sa puso sa bahay ng Diyos?  Ibigay mo ang para sa Diyos. Do you rob God?

Wrong savings.
Isa sa mga dahilan kung bakit feeling mo wala kang pera, dahil save ka ng save, (saving for your own good). Don’t be greedy. Surrender your finances to the Lord and save true riches in heaven.

No satisfaction.
Whoever loves money never has enough; whoever loves wealth is never satisfied with their income.” Ecclesiastes 5:10. Kailan ka naging kuntento kung ano meron ka? Hanggat tumataas ng sweldo mo…tumataas din ang pangangailangan mo.  Godliness with contentment is great gain. 1 Timothy 6:6.

Principle of giving.
Maraming nagsasabi sa mundong paniniwala na kapag nagbigay ka, ikaw ang nawawalan. No! NO! Isa sa dahilan kung bakit ka ba walang pera ngayon ay hindi ka nagbibigay. Tama. Principle of giving is whatever you sow, you will reap. Kung ano itinanim mo, iyon din ang aanihin mo. Pag nagtanim ka ng kabutihan, aani ka ng kabutihan. Kapag ikaw ay mapagbigay, kapag nawalan ka, maraming makaka-alala na nagbigay ka noon, ngayon ikaw naman ang bibigyan nila, kasi likas sa atin ang tumanaw ng utang na loob. Hingin mo sa Diyos kung paano ka magiging generous in terms of giving…na turuan ka Niya na maging mapagbigay, sige ka ‘pag madamot ka, lagi sumasama ang loob mo… hindi tulad ng nagbibigay ng may galak…sumasaya sila, naranasan mo na ba yon?  There is joy in giving, nawa ay ma-experience mo ito. Sabi sa Matthew 13:12, “Sapagkat ang mayroon ay bibigyan pa, at mananagana; ngunit ang wala, kahit kaunti ang nasa kanya ay kukunin pa.”


Experience peace of Jesus.

 If you have financial difficulties today God wants you to rest… leave all things of this world.. put your trust in Jesus.

Prayer of Salvation:
Lord Jesus, I repented my sins. Please come into my heart, be my Lord and savior.

We believe if you say this prayer wholeheartedly, You are now in God’s family. Be ready for awesomeness.


Wednesday 12 February 2014

Why JESUS?

Why JESUS?

Kay Jesus Christ mo lang matatagpuan ang walang hanggang buhay (eternal life). YES! hindi ka nagkamali ng basa! Sa ating Panginoon lamang matatagpuan ang tunay na kalayaan (true freedom), maging gusto ka rin Nya bigyan ng kapahingahan, kapayapaan at kasiya-siyang buhay! Bukod pa dyan, patatawarin ka Nya sa iyong mga kasalanan at hindi na ito aalalahanin pa.

ETERNAL LIFE
TRUE FREEDOM
REST
JOY
PEACE of MIND
FORGIVENESS

Hindi ba, ito ang mga bagay na gustong-gusto natin?

Hindi ba, masarap pakinggan ang mga pangakong yan?

Kung isa ka ngayon sa 6 billion people na nakakabasa nito, napakaswerte mo! Bakit? Hindi ito aksidente na mabasa mo nga ang blog na ito. Isa ito sa imbitasyon ng Panginoong Hesus, kung ikaw, YES! ikaw, na hindi pa nakakatanggap sa kanya! Nais Nya na ikaw ay magkaroon ng walang hanggang buhay sa piling Nya, magkaroon kasiya-siyang buhay at kapayapaan sa piling Nya. Kung sinasabi mo ngayon na, alam mo na ito, kei fine, natanggap ko na si Cristo sa buhay mo pero hindi mo matagpuan ang mga bagay na naka-capital letters sa itaas, baka nagkakamali ka?

Kapatid, hindi pa huli ang lahat upang makilala mo ng lubos ang ating Diyos. Kung gusto mo na i-close tab ito, malaya ka! Dahil ang Diyos, binibigyan ka ng true freedom upang makapili ka at makapagpasya. Hindi ka Nya pinipilit. Anyway, Jesus can give you freedom sa anong paraan? Kung malalaman mo ang totoo, kung malalaman mo ang kanyang mga salita at uunawain ito at ipapamuhay, magiging tunay ka ng malaya at hindi alipin ng kasalanan ng mundong ito! Ikaw na mahilig dumepende sa kung ano ang kalakaran ng mundong ito? Pero gaya nga ng mga naka-capital letters sa itaas, FORGIVENESS ay madali lang sa ating Panginoon KUNG ikaw nga ay TUNAY na nagpapakumbaba at hanapin ang tunay Nyang kalooban at hindi na Nya ito aalalahanin pa--mga past sins natin, mga bagay na pilit mong ikinukonsenya hindi ka makatulog kasi alam mong mali. Hindi pa huli ang lahat upang pagsisihan yun. Inaanyayahan ka Nya ngayon... wag mo sana balewalain.

Wala na nga makakahigit pa sa ligaya at kapayapaan na hatid ng ating Panginoon kung INIWAN mo na ang mga dating bagay na pinaggagawa mo, sumunod sa mga salita ng ating Diyos at ipamuhay ito, at TANGGAPIN ang ating Diyos sa ating buhay ng may kalayaan at pagpapasyang hindi nag-aalinlangan at walang pagsisisi! May Freedom ka!

Dalangin ko kung isa ka pa sa naliligaw na kaluluwa, naliligaw sa mundong puno ng kasalanan at kababawan, buong puso mong tanggapin ang ating Panginoong Hesus. Upang hindi ka mapasama sa mga nanganganib mapunta sa lawa ng apoy upang parusahan ang hindi nakinig sa iisang katotohanan na na Kay Cristo Hesus!


PS:
Kung willing ka tanggapin na sya sa buhay mo at iwan na ang masamang bagay, sundan mo ang panalangin na ito: Ama namin na nasa langit, sa Pangalan ng aming Panginoong Hesus at tagapagligtas, patawarin Mo po ako sa aking mga kasalanan, inaamin ko po na ako ay nagkamali sa Iyo. Hindi ko po gusto na mapasama sa lawa ng apoy na nagpaparusa sa mga makasalan. Tinatanggap po kita sa aking buhay at hindi na po muli babalikan ang aking dating pagkatao. Maghari ka sa aking buhay ngayon at magpakailanman, Amen.


PS:
Congratulations! Ikaw na anak ng Diyos! Ang papuri at pasasalalamat at tanging sa ating Panginoong Hesus lamang!


Monday 6 January 2014

Testimony Ni Toyo

                       
Ang buhay ay parang isang thesis, may introduction, may experimentation at conclusion.


                                                                  ***

Tara, yosi muna tayo.

Labing-dalawang taon ako ng mamatay si mommy at daddy na-aksidente sa eroplano. Iyon ang banggit ng tita ko sa akin. Tulog ako noon tapos ay ginising ako. Iyak ng iyak ang tita Elsa ko. Hindi na raw babalik pa sina mommy at daddy. Kaya naman, iyak na rin ako ng iyak. Hindi ko alam gagawin ko. Ang huling padala nila sa bagahe etong mga damit na pang-birthday ko pati si Gretchen yung barbie doll ko. Ang ganda-ganda ng mga regalo nila sa akin. Mayaman kami. Nasa abroad kasi sila mommy at daddy. Ang ganda nga ng bahay namin sa may San Juan pero lumipat ako sa Recto dito kay tita Elsa kasi nag-abroad sila mommy. Wala akong kapatid. Wala ring anak si tita Elsa kaya ako na lang ang kanyang parang anak. Pero meron syang kaibigang lalaki, tatawagin ko raw  “tito”. Kagabi, noong umiiyak si tita Elsa, may nagpunta sa bahay, si tito Francis. Pinag-uusapan nila ang pagkamatay nila mommy. Hindi ko na rin naiintindihan kasi halos humahagulgol si tita.

Ang malas naman, kung kailan pa ako mag-bibirthday saka sila nawala. Sana may kapatid ako para naman may kasama ako, pero hindi natupad. Dapat kasi, pagkauwi nila mommy, saka ako magkakaron ang kapatid. Ngayon, si Gretchen na lang ang kasama ko.

Magmula ng mamatay sila mommy, hindi na ako nakabalik sa malaking bahay namin sa may San Juan sabi ni tita Elsa, sinabi daw ni mommy na ibenta iyon para makapag-aral ako sa high school. Sayang, hindi ko nakausap sila mommy iyon pala ang huling bilin, pero bakit pa sila nag-abroad? Hindi ba sila nakaipon doon sa Qatar? Pero tinaggap ko na lang iyon kasi ang sabi ng tita Elsa.

Ilang lingo ang lumipas, sabi ni tita siya na lang daw ang nag-asikaso sa bangkay ng mommy at daddy kasi hindi na rin daw makilala, kaya inilibing na rin agad. Ang daya naman, sa kahuli-hulihan, hindi ko na sila nakita pa. Si Gretchen na lang naiwan, yung barbie doll ko.

Sumunod na linggo, may bagong pinakilala si Tita Elsa sa akin, si tito Efren. Mukhang matanda na si tito Efren. Halos sampung taon ang agwat kay tita Elsa na kwarenta anyos. Si tito Efren, natutulog sya sa bahay. Kasama namin sa bahay. Matagal sya doon. Matagal. Yung bahay namin ni tita Elsa, una, may magandang kusina parang reddish marmol pero ngayon lumipat kami parang kusina na lang yung tirahan namin. Malamok. Akala ko nga magkakasakit ako.

Nagising ako isang gabi, may nagtatalo, doon sa kabilang kwarto, alam ko sila tita Elsa iyon at Efren. Nakita ko, sinampal ni Tito Efren ang tita ko. Yung makapal na lipistik ni tita at kulot niyang buhok ay halos kumalat sa mukha niya. Natakot ako kay tito Efren kaya bumalik ako sa higaan ko.

Naubos na yung pera ni tita. Yun ang pinag-aawayan nila. Hindi ko rin maisip parehas naman sila nagsusugal, nag-eenjoy pero pagkauwi ng bahay nagtatalo. Hindi ba nila naisip na gusto ko rin mag-aral?

May maliit na negosyo si tita may pwesto kami sa Recto, nagbabantay ako doon nagtitinda kami ng libro at mga gamit ng estudyante. Nakakainggit lang, magmula ng mamatay sila mommy, yung magandang uniporme ng estudyante sa Centro Escolar hindi ko masuot. Pero pangako iyon ni tita pag-aaralin nya ako kasi iyon ang bilin nila mommy, kaya nga raw binenta yung bahay naming sa may San Juan.

Nag-aantay lang ako sa go signal ni tita, tuwing June, tinatanong ko sya, sabi nya sa akin mag-inquire daw ako, pero sa mura lang daw kung gusto ko mag-kolehiyo. Kasi Nagkaproblema daw sa lupa na binebenta nila pati yung sa bahay naming sa may San Juan.

Pagkauwi ko galing sa tindahan namin, gutom na gutom ako noon tanghali na nakalimutan ko dalahin yung tanghalian ko. Alam ko kasi busy si tita sabi nya may bisita daw siya kaya ako muna ang naatasan. Umuwi ako sa bahay namin. Nakasarado iyon. Buti may susi ako. Maingay sa loob. Nagulat ako ng Makita ko sila na walang saplot kaya napaurong ako. Wrong timing. Napalingon ang lalaking kasama niya pero sigurado ako hindi si tito Efren iyon.

Sabi ni tita Elsa, wala na raw si tito Efren, kasi sinasaktan daw sya nito, kaya ipinakilala nya sa akin si Ferdi noong magbalik ako sa bahay pagkatapos ng pagbabantay sa tindahan. May edad na rin halos si Ferdi kasing tanda ni Efren. Francis- Erfen-Ferdi. O-okey. Astig. Pero kahit ganoon, alam ko mahal ako ni tita Elsa. Kasi pag-aaralin nya ako.

Nakikita ko na masaya ang tita ko kasi masaya sila ni Ferdi. Kaya naman ok na ako doon. May negosyo si tito Ferdi. Malapit lang din sa bahay namin. Computer shop. Nagpunta ako doon minsan, kasi sabi ni tita, alamin ko raw mag-computer dahil susunod, ako na ang hahawak nito. Kaya tuwang-tuwa ako, ang dami nilang computer. Parang nahumaling na ako doon. Ang dami ding DOTA player sa kanila sa umaga, mga estudyante, mga ordinaryong tao at magagandang babae kung gabi. Nagiging tipunan ng magagandang babae pala iyon kung gabi. Mas malaki ang kita namin sa shop na ito kaya naman, sabi ng tita, kung gusto ko pa mag-aral, mag-ipon muna kami. Umo-Oo lang ako sa kanya, may sarili kasi akong computer doon kay tito Ferdi.

Sabi nila, mas maganda kung pagkakitaan daw iyon kagaya ng mga magagandang babae sa shop kung gabi. WALA naman daw masama. Dalaga pa rin ako. Ipapakita lang yung konting parte ng katawan ko sa kausap sa may video tapos yung pera ibibigay na lang sa ATM ni tita. Kahit ano raw ang ipagawa sa akin gawin ko raw tutal may alam daw ako sa English. English daw kasi makikipagusap yung nasa video.

Ano nga ba ang tawag sa ganoong hanap-buhay?

Ganoon ang istilo sa lugar na iyon kapag gabi. Totoo nga mas maraming kita pero nakakapuyat. Nakikita ko rin na mas masaya na ang tiyahin ko, kasi nakakatulong ako sa kanya?

Hindi pa doon nagtatapos ang mga pinapagawa niya sa akin, nagpupunta kami sa isa pang sulok ng lugar na iyon na kung tawagin ay spa o bar maraming nag-iinuman doon, madilim at halos makapal na make-up lang daw ang pantapat doon para makita ka. May spa may bar din. Iyon ang sabi ni tita. Doon daw sya nagtrabaho dati kaya naman ngayon na kinse anyos na ako, bukas disi-sais na ako, tulungan ko muna raw sya tutal, gusto ko raw mag-aral. Halos wala na nga sa isip ko kung mag-aaral pa ako. Kumikita naman na raw ako? Ano pa ang kukunin ko kung mag-aaral ako e ganoon din daw iyon, magtatrabaho din naman ako pagkatapos mag-aral?

Marami na rin akong nakilala, Gil, Anthony, Harold, Kevin, sino pa nga yung iba? Iyan nga pala mga customer ko sabi nila, mahal daw nila ako. Buti pa sila mahal nila ako, ako nga hindi ko magawang mahalin kahit sarili ko? Pero ang masarap lang doon, libre na ang drugs, libre pa inom pati may pera ka pa, ‘san ka pa? Ewan ko kung totoo nilang pangalan iyon, pero nakilala ko sila doon sa may kwarto na sinabi ni tita.
Umiinom muna kami ng beer, tapos yung parang tawas pala itsura ng shabu ok, tapos may GVKm na iniinom na mukhang vitamins, oo vitamins daw, halo-halong valium at iba pa tapos sunod noon, hindi ko na alam ang nangyayari. Basta alam ko, naroon ako. Nagtatrabaho.

Pagod na pagod ako tuwing umaga. Nangingitim na yung mata ko sa inaabot daw kami sa kwarto ng hanggang alas-singko tapos, iuuwi na lamang ako ng tiya ko. Tapos nale-late na ako sa pagbabantay ng tindahan ng libro namin sa Recto.

Mag-iisang linggo na akong nagta-trabaho doon tapos ngayon, pakiramdam ko, ang sakit-sakit ng pag-ihi ko, sabi ni tita, UTI daw iyon uminom lang daw ako ng maraming tubig. Parang ayaw ko muna ulit magtrabaho doon, lalagnatin ako.

Nag-absent ako ng tatlong araw. Humina raw ang kita kasi wala ako. Nakita ko noon na nagbibilang ng pera si tita Elsa. Na-guilty naman ako sa sinabi nila. Kaya nag-double work ako.
Nagpatuloy ang ganoong sitwasyon sa buhay ko. Alam ko masaya naman ako kasi marami na ring pera, natuto akong magbisyo, kasi hindi pwedeng wala kapag ganoon nagtrabaho mo. Marami na rin akong nakilalang kaibigan.

Minsan sa pag-uwi ko ng madaling araw, nakita ko si tito Ferdi nandoon naghihintay sa akin sa bahay. Wala raw ang tita Elsa ko, nag-away sila. Asan na kaya siya? Akala ko matino sya nakikipag-usap sa akin, kasi iyon ang una niyang sabi, wala si tita Elsa, nag-away sila. Tapos bigla na lang nya ako itinumba. Tapos pinaghahalikan. Pagod na pagod na ako sa trabaho, halos wala na akong lakas. Halos hindi ko na kaya maglakad. Ang sakit-sakit ng ginagawa nya. Hindi ko mapayagan, naglaban ako sa kanya pero sadyang malakas sya, ganoon ba ang ginagawa ng mga kasama ko sa kwarto doon sa shop? O talagang hindi ko lang alam iyon ang nangyayari? Hindi ako makapalag, hindi ko na kaya. Bakit iniwan ako ng tita ko dito? Asan na ba sya? Hindi ko akalain na gagawain nya yun sa akin. Hayop sya hayop…Iyak ako ng iyak.sabi ni tito normal daw iyon bakit mukhang nag-aasta akong malinis? Normal? Bakit hindi nya iyon gawin kay tita Elsa? Bakit ang sama nya? Dumating si tita nakita nya ako umiiyak. Nalaman nya ang ginawa ni Ferdi. Nagtalo sila. Nag-away. Ang gulo ng paligid. Parang gusto ko lang sumigaw ng sumigaw at  magalit sa mundo, bakit hinahayaan ng Diyos na maging ganito ang sitwasyon ko?

Nagpatuloy ang buhay ko sa shop nila, galit pa rin ako sa kay Ferdi. Hindi katagalan, nalaman ko ang ibang shop, mas malaki ang kita.. kaya halos magsolo na ako. Ang baba na ng tingin ko sa sarili ko, hindi ko na matignan sa salamin, nakikita ko naman na maganda sya pero kapag inisip mo kung paano ito binaboy ng mga taong sabik sa pera at pangsariling kasiyahan, nakakahiya. Ganito na ba talaga ang buhay ko?
Minsan naiiyak na lang ako sa isang tabi, lalo na kapag gabi, kapag pagod na pagod na ako.. Bisyo, inom at droga. Saan na nga ba ako? Alam ko ito na ang nakagisnan ko. Hindi na siguro mababago ang takbo ng buhay ko, kumikita naman ako e? Natutulungan ko si Elsa. Ang tiya ko. Bakit ba nya ako hinayaan sa ganitong trabaho? Akala ko makaka-aral pa ako. 

Ngayon, 19 na ako. Birthday ko ulit. Naalala ko na naman sila mommy. Sana kung nandito sila, makaka-migrate na ako sa ibang bansa. Nawala na yung pangarap ko maging nurse. Mag-aral man ako sa katawan ng tao, hindi na maari, ako mismo hindi na malinis. Wala na sigurong magmamahal sa akin? Kasi hindi ko na rin mabilang ang nakasama ko sa kwartong iyon, mga hayop sila, shabu, marijuana, ketamine, valium. Iilan na nga ba silang mga lalaki, wala na bang matinong lalaki ngayon? Lahat sila gustong galawin ako. Hindi na ba nila iginagalang ang mga menor de edad, lalo na yang hayop na si Ferdi. Akala ko tutulungan nila ako, pero ngayon,  wala, asan na nga ba ako, parang halos araw-araw gusto ko masuka sa mga nangyayari. Bakit paulit-ulit nya iyon ginagawa sa akin? Okey lang ba kay tita Elsa iyon? Hindi nya ba ako mapagtatanggol? May galit at takot akong nararamdaman. Gusto ko ba itong mga nangyayri sa akin? Siguro nga ito ang kapalaran ko, sabagay, hindi naman na ako malinis. Kahit ang Diyos hindi na ako mapapatawad e sa dami ng nagawa kong labag sa kanya? Lalo na nagyon nagbunga ang kagagawan ni Ferdi. Isang buwan na akong hindi dinadatnan... 

Isang gabi noon halos wala na ako sa sarili. Uminom kami ng mga kaibigan ko, niyaya ko sila sa tambayan namin. Masaya kasi kasama ko sila, humindi muna ako sa mga customer ko. Kung baga, free muna kasi birthday ko naman.

Sabi ko sa sarili ko, ngayong birthday ko, dapat sana nandito ang mga magulang ko pero, wala e, wala na sila. Si Elsa at Ferdi, hindi ko alam, magmula ng humiwalay ako sa shop, nawala na rin sila. Minsan nga tinext ako ni Elsa. Elsa na lang tawag ko sa kanya, nanghihingi siya ng pera, aba? Asa naman sya? Ganoon na lang ba ang lahat? Hindi ko lubos maisip kahit ang kamag-anak mo ilalapit ka sa masasama, siya rin naman ang pumayag na maging ganito ako e? Sana pinag-aral nya ako, may natapos pa sana ako, sana nakapag-aral ako ng nursing. Hindi ko malubos maisip na kahit pala kadugo mo kaya kang ipag-palit sa pera.

Hindi naman ako masyadong bitter sa lahat. Siguro nga walang diyos. Dapat sana kung may diyos, hindi nya ako hahayaan na mapariwara. Paano mo masasabing mabuti ang diyos, kung ang buhay ko ay hindi mabuti, pinipili lang ba nya ang mga minamahal nya? Ako hindi ba nya mahal?

Hindi ko namalayan nagsuka na pala ako. Nahihilo na ako. Pero sige tuloy. Gusto ko pa maging masaya. Yung saya na hindi ko pa nararanasan kahit kailan, tutal birthday ko naman. Sabi ng mga kaibigan ko himala raw at napasuka nila ako gayong dati kapag umiinom kami hindi ako nagsususka. Naisip ko, buntis pala ako. Hindi ko naman ginusto ito? Okey lang uminom mag-yosi at magdrugs, hindi ko gusto ang bata na ‘to sa tiyan ko...gusto ko syang patayin...

Nadatnan ko nalang ang sarili ko, iyak ng iyak. Hindi ko matanggap na buntis na nga ako. Madilim sa lugar na iyon. Sa may tulay, biglang bumilis ang takbo ng isip ko. Medyo mataas ang tulay, sa ibaba ay ang ilog. Amoy na amoy ang basura na nakatambak sa gawing kaliwa ng lugar na iyon ang iba naglisaw sa ilog. Itim ang paligid. Tama, ito na ang paraan, sabi nila, kapag namatay ka raw, wala ng sakit, puro masaya na. Gusto ko na malaman kung totoo nga ba ang sinasabi nila. Iyak pa rin ako ng iyak. Natatakot ako sa dami ng mga bagay na sumasagi sa isip ko, mga bagay na malulungkot. Kahit masaya alam ko hindi ako tunay na masaya. Bakit ba ang lupit ng mundo? Inihahakbang ko na ang paa ko, tama, tama lang na wakasan na ang buhay, wala naman akong kwenta, sabagay doon sa kabilang buhay baka makapag-umpisa ako muli.
Napakahangin ng paligid. Nobyembre noon.

Naalala ko sila mommy, parang tinatawag nila ako, parang malungkot sila sa tinig na iyon...naririnig ko sila doon sa madilim na ilog...gusto ko na hayaan ang katawan ko ay sumunod sa hangin, susundan ang tinig na iyon... sila mommy, bakit sila malungkot? Ngunit may isa pa ring tinig sa likuran ko. Natigilan ako. Tinig ng isang lalaki. Tinig na maamo ngunit may awtoridad, tinig na nagsusumamo. Pagkatapos naramdaman ko may humawak sa braso ko. Napasandal na lamang ako sa dibdib nya, tapos noong lumingon ako halos mahalikan ko ang labi nya. Sabi nya kanina pa raw nya ako pinagmamasdan. Naguluhan ako, sino ba sya? Siguro, isa na naman ito sa lalaking gusto manamantala sa akin. Hindi pa ba kayo tapos? Gusto ko na mamatay please..... Sinampal ko sya, sabi nya “teka saglit lang miss?” 

Pero mali pala ako ng akala.

Napaiyak na lamang ako at naawa sa sarili ko. Ang pangit-pangit ko na...

Maayos siya makipag-usap. Nawala yung lasing ko at hinawi ko ang buhok kong nagulo na sa hangin ng gabing iyon. Akala ko kung sino. Hindi ko akalain na may tao pa pala sa mundo na kagaya nya. Akala ko pare-parehas sila...

Sa mga panahon na iyon hindi ko malilimutan kung paano na lamang ako naawa ng lubos sa sarili ko. Siya si John. Sabi ni John, taliwas sa sinasabi kong walang diyos. Si John ay minsan ding nakaranas ng kagaya sa akin, mas higit pa nga sa dinanas ko noong kinuwento nya ang ukol sa kanya. Minsan sa buhay siguro nangyayari ang mawala tayo upang tayo ay matagpuan. 

Natapos na ang gabing iyon... Hindi ko na malilimutan...

Nagbago ang pananaw ko sa buhay. Hindi ko na ngayon maipaliwanag pagkatapos ng isang taon maari pa pala mabago ang lahat. Mahal ko si John. Hindi ko maaring maitago ang galak na nararanasan, lalo na ng ilapit nya ako sa Panginoon higit sa kanyang sarili. Ngayon, nagsilang na ako ng sanggol mula sa nakaraan. Mahirap pala maging batang ina, pero ngayon binigyan ako ng Diyos ng katuwang. Yung katuwang na itinagpo ng Diyos sa akin na parehas kaming nawala ngunit ngayon ay natagpuan, parehas na nagkasala noon ngunit ngayon ay nagbabalik, parehas naging biktima ngunit nagpatawad, parehas makasalanan ngunit ngayon nakakilala sa Diyos na may kapal at handang maglingkod sa Kanya ng may galak.

Siguro nga kahit na anong itim ang kasalanan mo sa Diyos, kung magbalik ka, mamuhay ng may kaayusan iwan ang mga bagay na nagpapabigat sayo susunod ang mga magandang kapalaran. Siguro ginagamit lamang ng Diyos ang mga bagay na nangyari sa aking buhay para makalapit tayo sa kanya. Nagdaan man ako sa napakadilim na bahagi ng buhay ko magmula noong kabataan ngunit sa dulo pala ng madilim na bahaging iyon ay may liwanag. Tama, hindi maaring matapos sa kadiliman ang bahaging iyon, mali yung inisip ko noon na wala ng darating na pag-asa sa akin, pero kahit ganoon, ginamit ng Diyos iyon para makapasok sya sa buhay ko.

May mga pagkakataong nadarapa tayo sa ating buhay, na halos akala natin pinabayaan na tayo ng Diyos, ngunit hindi pinapabayaan ng Diyos ang kanyang nilikha. May mga kaparaanan ang Diyos para sa gayon maranasan man natin ang masaklap na bahagi,  sa bandang huli Siya pa rin ang ating kakapitan at hahanapin.
Natuto na rin akong magpatawad sa mga taong lumapastangan at gumamit sa aking kabataan para sa sarili nilang kasayahan. Hindi mo nga makakamtan ang tunay na kapayapaan ng puso kung pilit mong inaalala ang mga bagay na masasama na ginawa nila sa buhay mo. Napatawad na kita Elsa at Ferdi. Kung hindi nga dahil sa inyo, hindi ko makikilala ang Diyos.

Salamat din kay John, na ginamit ng Diyos para makapunta ako sa kaliwanagan. Ngayon maligaya na kaming mag-asawa.

Hindi ko rin malilimutan ang pag-asa ng isang nagtitiwala sa Panginoon, sabi ni John babalik ang Panginoong Hesus, malapit na…

Salamat sa pakikinig sa akin, ako nga pala si Teodora Otelea Y. Orosa.

Mapalad ang mga taong nagtitiwala sa Diyos, pagpapalain  ang umaasa sa kanya. Katulad niya’y isang punongkahoy na nakatanim sa tabi ng batisan; ang mga ugat ay patungo sa tubig; hindi ito manganganib kahit dumating ang tag-init, sapagkat mananatiling luntian ang mga dahon nito, kahit hindi umulan ay wala itong aalalahanin; patuloy pa rin itong mamumunga.” Jeremias 17:7-8






















Tuesday 5 November 2013

Tanong ng Nescafe: Ikaw, Bakit Ka Gumigising Sa Umaga?

Naalala ko lamang yung commercial ng Nescafe.. Bakit nga ba ako gumigising sa umaga? Dati napaisip ako ano nga ba ang sagot: para kumain, magtrabaho tapos matulog... Kinabukasan, ganoon ulit ang sistema... Nakakapagod. Sa buhay ng isang tao gaya ko, hinanap ko rin ang mas malalim na kahulugan, ito na nga ba ang buhay, magtrabaho, kumita ng pera pagkatapos ng kolehiyo. Pero, parang may kulang?

Hanggang nakaisip ako mag-abroad, ganon naman di ba? Halos lahat na napipilitan mag-abroad, mahirap kasi ang buhay. Isa lang purpose ko pagdating ng ibang bansa, iyon ay kumita...pera, pera at pera.
Ngunit, may iba pa lang plano ang Diyos. Sa ibang bansa ko pala SIYA makikilala. Astig. 

Sa ngayon, ang kahulugan ng buhay ko tanungin man ako, "Bakit ka bumabangon sa umaga?" Gumigising ako para salubungin ang araw na may ngiti sa labi, magtrabaho, isa na iyon syempre... Mas malalim na kahulugan ng buhay ay pag-aantay sa pagdating ng Tagapagligtas natin, sundin ang kalooban ng Diyos at mahalin ang kapwa gaya ng sarili.

Ikaw, bakit ka gumigising sa umaga?

Monday 28 October 2013

Our REAL Home is Heaven


Karamihan sa mga tao kapag tinanong mo ukol sa pupuntahan pagkatapos ng kamatayan ang isasagot nila, "hindi ko alam," o kaya, "kapag gumawa ka ng maraming kabutihan ngayon kaysa sa kasamaan, ipupunta ka ng Diyos sa langit." Wala sa dami ng kabutihan o sa dami ng kasamaan natutukoy ang destinasyon mo pagkatapos ng buhay natin sa lupa. Ngunit ang Diyos lamang ang nakakalam, Siya lamang ang natatangi nakakalam ng ating puso at manghuhusga sa bawat isa sa atin. "There is no amount of "good" that you can do that will pay for the sins that you have already committed." Aminin natin, lahat tayo ay nagkasala at walang nakaabot sa kabutihan ng Diyos: Taga-Roma 3:23. Ang lahat na nga ay nagkasala, hindi lamang sa salita, sa gawa kundi pati sa isip: Pag-iinom, pagpatay, pagnanakaw, pagtingin sa isang babae sa isip mo ay ay hindi kanais-nais, pagsisinungaling at iba pa. Lahat na nga ay nanganganib mapunta sa lawa ng apoy na binabanggit sa bibliya magpakailan-kailan man. Ngunit sinasabi rin sa bibliya kung pagsisihan natin nag ating mga kasalanan, manumbalik tayo, mag-repent tayo at tumawag sa pangalan ng Panginoon Jesu-Cristo na binayaran ang parusa ng ating mga kasalanan sa pamamagitan ng kanyang sariling dugo sa krus 2,000 taon na ang nakakaraan at maniwala na hindi Sya mananatiling patay - siya ay tumaas mula sa mga patay sa ikatlong araw, at ngayon ay nakaupo sa kanang kamay ng trono ng Diyos tayo ay maliligtas magmamana ng walang hanggang buhay kasama ang ating Panginoon at doon ay wala ng sakit at paghihirap pa.

Ito ang deal, kung yakapin natin ang katotohanan, manampalataya tayo na si Jesu-Cristo ay namatay na (2000 years ago), Sya na  ang nagbayad ng kasalanan natin sa pamamagitan ng kanyang sariling dugo na nabuhos sa krus upang tayo ay maligtas sa galit ng Ama, na si Jesu-Cristo na ang nagkasala at nagpakababa para sa atin, ang gagawin lang natin ay "maniwala" at "manampalataya,"  na Siya ay namatay, nabuhay ng matapos ng tatlong araw mula sa kamatayan at naupo sa kanan ng Ama, at muling "babalik" upang makasama Nya sa langit na tunay nating tirahan. (Taga-Filipos 3:20)

Lahat tayo ay nag-nanais na mapunta sa langit at lahat tayo ay nag-aasam ng buhay na walang hanggan. Ituturo ng bibliya kung paano ang lahat ng ito sa kaparaan na: Si Kristo lamang ang daan.

Juan 3:16- "Gayon na lamang ang pagsinta ng Ama sa sanlibutan, na ibinigay Niya ang kanyang bugtong na anak, Si Jesu-Cristo upang sinoman ang sumampalataya sa Kanya ay hindi mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan."

Juan 14: 6-"Sumagot si Jesus, Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makakapunta sa Ama kundi sa pamamagitan ko."

Taga-Roma 6:23- "Sapagka't ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; datapuwa't ang kaloob na walang bayad ng Diyos ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus na Panginoon natin."


Lahat tayo ay binili sa halaga:

1 Taga-Corinto 6:20- "Sapagka't binili Nya kayo sa isang halaga, kaya't gamitin ninyo ang inyong katawan upang parangalan ang Diyos."

Kung tutuusin, lahat na ibinigay sa atin, buhay na walang hanggan, buhay na tatamasahin natin pagkatapos ng buhay natin sa lupa (earth), at ang galak at saya sa piling Nya hanang naririto sa lupa, ang atin na lamang gagawin ay "yakapin" ang mga bagay na ito, pahalagahan ito, panampalayaan ito ng buong puso at isip. 

Alam mo bang hindi dito ang tunay nating bayan, dito sa mundo? Ituturo muli ng bibliya ang sagot kung bakit:
Magmula ng tayo ay "binili" na sa halaga-- ito ang halaga, ito ang dugo ni Kristo na Panginoon natin, biniyayaan na tayo ng Diyos mapabilang na maging anak ng Diyos at napatawad na ang ating mga kasalanan, kung tayo ay magbabalik loob sa Diyos at iwan ang masasamang gawain natin, maniwala kay Kristo at magmana ng mga pangako. 

Hindi sa mundo ang tunay nating tahanan:

Sabi sa Taga-Filipos 3:20- "Tayo ay mamamayan ng LANGIT. Doon magmumula ang tagapagligtas na hinihintay natin nang may pananabik,"


Hindi lamang sa dami ng mabubuting gawa nasusukat ang "entrace" sa langit, kundi kapag tinanggap mo si Kristo bilang Panginoon, sabi sa Juan 1:12 "Datapwa't ang lahat ng sa kaniya ay nagsitanggap, ay pinagkalooban Niya sila ng karapatan maging mga anak ng Diyos." Kung tinaggap natin si Kristo sa ating sarili, iwan ang masasamang gawain, tatawagin kang anak ng Diyos at tagapagmana ng buhay na walang hanggan. Ang tanong, ikaw ba ay anak ng Diyos? Ang mga anak lamang ng Diyos ang may karapatan "makapasok" sa langit, ang sino lamang na tumanggap sa Kanya, bilang "gate pass" ng langit ay siya lamang makakapunta doon. 

Si Hesus ang daan sa langit, at gusto Nya na kasama tayo doon:

Juan 14:1-3- "Huwag na kayong mabalisa; sumampalataya kayo sa Diyos, sumampalataya din kayo sa akin. Sa bahay ng aking Ama ay maraming silid. Kung hindi ito totoo, sasabihin ko ba sa inyong pupunta ako roon upang ipaghanda ko kayo ng inyong matitirhan? At kapag naipaghanda ko na kayo ng matitirhan, ako'y babalik at isasama ko kayo upang kayo'y makapiling ko kung saan ako naroroon."


Ito ang nais at plano sa atin ng Diyos. Binigyan Nya tayo ng "free will" upang makapili. Hindi Nya tayo pinipilit o anoman. This is the deal, kung manumbalik sa Panginoong Diyos papatawarin ka, tanggapin si Kristo bilang Panginoon na namatay sa krus bilang kabayaran ng ating kasalanan, tanggapin Sya sa ating buhay at tawagin tayong anak ng Diyos at magmana ng walang hanggang buhay sa langit, you have the choice! 

Hindi lahat ay tinatawag na anak ng Diyos, kundi ang tumanggap lamang sa ating Kristo at iwan na ang masamang gawain.

Nasa atin ng kapasyahan saan tayo pupunta. But definitely, God loves us. Minahal Nya tayo sa una palang. He assured everything. He has plans for us. Ang gusto lamang ng Diyos ay makilala natin Sya na wala syang gusto kundi mapabuti tayo at sumagana.

What is your choice?