Tuesday 5 November 2013

Tanong ng Nescafe: Ikaw, Bakit Ka Gumigising Sa Umaga?

Naalala ko lamang yung commercial ng Nescafe.. Bakit nga ba ako gumigising sa umaga? Dati napaisip ako ano nga ba ang sagot: para kumain, magtrabaho tapos matulog... Kinabukasan, ganoon ulit ang sistema... Nakakapagod. Sa buhay ng isang tao gaya ko, hinanap ko rin ang mas malalim na kahulugan, ito na nga ba ang buhay, magtrabaho, kumita ng pera pagkatapos ng kolehiyo. Pero, parang may kulang?

Hanggang nakaisip ako mag-abroad, ganon naman di ba? Halos lahat na napipilitan mag-abroad, mahirap kasi ang buhay. Isa lang purpose ko pagdating ng ibang bansa, iyon ay kumita...pera, pera at pera.
Ngunit, may iba pa lang plano ang Diyos. Sa ibang bansa ko pala SIYA makikilala. Astig. 

Sa ngayon, ang kahulugan ng buhay ko tanungin man ako, "Bakit ka bumabangon sa umaga?" Gumigising ako para salubungin ang araw na may ngiti sa labi, magtrabaho, isa na iyon syempre... Mas malalim na kahulugan ng buhay ay pag-aantay sa pagdating ng Tagapagligtas natin, sundin ang kalooban ng Diyos at mahalin ang kapwa gaya ng sarili.

Ikaw, bakit ka gumigising sa umaga?

Monday 28 October 2013

Our REAL Home is Heaven


Karamihan sa mga tao kapag tinanong mo ukol sa pupuntahan pagkatapos ng kamatayan ang isasagot nila, "hindi ko alam," o kaya, "kapag gumawa ka ng maraming kabutihan ngayon kaysa sa kasamaan, ipupunta ka ng Diyos sa langit." Wala sa dami ng kabutihan o sa dami ng kasamaan natutukoy ang destinasyon mo pagkatapos ng buhay natin sa lupa. Ngunit ang Diyos lamang ang nakakalam, Siya lamang ang natatangi nakakalam ng ating puso at manghuhusga sa bawat isa sa atin. "There is no amount of "good" that you can do that will pay for the sins that you have already committed." Aminin natin, lahat tayo ay nagkasala at walang nakaabot sa kabutihan ng Diyos: Taga-Roma 3:23. Ang lahat na nga ay nagkasala, hindi lamang sa salita, sa gawa kundi pati sa isip: Pag-iinom, pagpatay, pagnanakaw, pagtingin sa isang babae sa isip mo ay ay hindi kanais-nais, pagsisinungaling at iba pa. Lahat na nga ay nanganganib mapunta sa lawa ng apoy na binabanggit sa bibliya magpakailan-kailan man. Ngunit sinasabi rin sa bibliya kung pagsisihan natin nag ating mga kasalanan, manumbalik tayo, mag-repent tayo at tumawag sa pangalan ng Panginoon Jesu-Cristo na binayaran ang parusa ng ating mga kasalanan sa pamamagitan ng kanyang sariling dugo sa krus 2,000 taon na ang nakakaraan at maniwala na hindi Sya mananatiling patay - siya ay tumaas mula sa mga patay sa ikatlong araw, at ngayon ay nakaupo sa kanang kamay ng trono ng Diyos tayo ay maliligtas magmamana ng walang hanggang buhay kasama ang ating Panginoon at doon ay wala ng sakit at paghihirap pa.

Ito ang deal, kung yakapin natin ang katotohanan, manampalataya tayo na si Jesu-Cristo ay namatay na (2000 years ago), Sya na  ang nagbayad ng kasalanan natin sa pamamagitan ng kanyang sariling dugo na nabuhos sa krus upang tayo ay maligtas sa galit ng Ama, na si Jesu-Cristo na ang nagkasala at nagpakababa para sa atin, ang gagawin lang natin ay "maniwala" at "manampalataya,"  na Siya ay namatay, nabuhay ng matapos ng tatlong araw mula sa kamatayan at naupo sa kanan ng Ama, at muling "babalik" upang makasama Nya sa langit na tunay nating tirahan. (Taga-Filipos 3:20)

Lahat tayo ay nag-nanais na mapunta sa langit at lahat tayo ay nag-aasam ng buhay na walang hanggan. Ituturo ng bibliya kung paano ang lahat ng ito sa kaparaan na: Si Kristo lamang ang daan.

Juan 3:16- "Gayon na lamang ang pagsinta ng Ama sa sanlibutan, na ibinigay Niya ang kanyang bugtong na anak, Si Jesu-Cristo upang sinoman ang sumampalataya sa Kanya ay hindi mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan."

Juan 14: 6-"Sumagot si Jesus, Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makakapunta sa Ama kundi sa pamamagitan ko."

Taga-Roma 6:23- "Sapagka't ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; datapuwa't ang kaloob na walang bayad ng Diyos ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus na Panginoon natin."


Lahat tayo ay binili sa halaga:

1 Taga-Corinto 6:20- "Sapagka't binili Nya kayo sa isang halaga, kaya't gamitin ninyo ang inyong katawan upang parangalan ang Diyos."

Kung tutuusin, lahat na ibinigay sa atin, buhay na walang hanggan, buhay na tatamasahin natin pagkatapos ng buhay natin sa lupa (earth), at ang galak at saya sa piling Nya hanang naririto sa lupa, ang atin na lamang gagawin ay "yakapin" ang mga bagay na ito, pahalagahan ito, panampalayaan ito ng buong puso at isip. 

Alam mo bang hindi dito ang tunay nating bayan, dito sa mundo? Ituturo muli ng bibliya ang sagot kung bakit:
Magmula ng tayo ay "binili" na sa halaga-- ito ang halaga, ito ang dugo ni Kristo na Panginoon natin, biniyayaan na tayo ng Diyos mapabilang na maging anak ng Diyos at napatawad na ang ating mga kasalanan, kung tayo ay magbabalik loob sa Diyos at iwan ang masasamang gawain natin, maniwala kay Kristo at magmana ng mga pangako. 

Hindi sa mundo ang tunay nating tahanan:

Sabi sa Taga-Filipos 3:20- "Tayo ay mamamayan ng LANGIT. Doon magmumula ang tagapagligtas na hinihintay natin nang may pananabik,"


Hindi lamang sa dami ng mabubuting gawa nasusukat ang "entrace" sa langit, kundi kapag tinanggap mo si Kristo bilang Panginoon, sabi sa Juan 1:12 "Datapwa't ang lahat ng sa kaniya ay nagsitanggap, ay pinagkalooban Niya sila ng karapatan maging mga anak ng Diyos." Kung tinaggap natin si Kristo sa ating sarili, iwan ang masasamang gawain, tatawagin kang anak ng Diyos at tagapagmana ng buhay na walang hanggan. Ang tanong, ikaw ba ay anak ng Diyos? Ang mga anak lamang ng Diyos ang may karapatan "makapasok" sa langit, ang sino lamang na tumanggap sa Kanya, bilang "gate pass" ng langit ay siya lamang makakapunta doon. 

Si Hesus ang daan sa langit, at gusto Nya na kasama tayo doon:

Juan 14:1-3- "Huwag na kayong mabalisa; sumampalataya kayo sa Diyos, sumampalataya din kayo sa akin. Sa bahay ng aking Ama ay maraming silid. Kung hindi ito totoo, sasabihin ko ba sa inyong pupunta ako roon upang ipaghanda ko kayo ng inyong matitirhan? At kapag naipaghanda ko na kayo ng matitirhan, ako'y babalik at isasama ko kayo upang kayo'y makapiling ko kung saan ako naroroon."


Ito ang nais at plano sa atin ng Diyos. Binigyan Nya tayo ng "free will" upang makapili. Hindi Nya tayo pinipilit o anoman. This is the deal, kung manumbalik sa Panginoong Diyos papatawarin ka, tanggapin si Kristo bilang Panginoon na namatay sa krus bilang kabayaran ng ating kasalanan, tanggapin Sya sa ating buhay at tawagin tayong anak ng Diyos at magmana ng walang hanggang buhay sa langit, you have the choice! 

Hindi lahat ay tinatawag na anak ng Diyos, kundi ang tumanggap lamang sa ating Kristo at iwan na ang masamang gawain.

Nasa atin ng kapasyahan saan tayo pupunta. But definitely, God loves us. Minahal Nya tayo sa una palang. He assured everything. He has plans for us. Ang gusto lamang ng Diyos ay makilala natin Sya na wala syang gusto kundi mapabuti tayo at sumagana.

What is your choice? 



Wednesday 2 October 2013

Dapat May Pakialam Ka Dito:

Hepatitis B awareness:

“1 Corinthians 3:16 - Know ye not that ye are the temple of God, and that the Spirit of God dwelleth in you?”

Examine yourself.

Nag-check ka ba every 6 months ng blood mo?

YES. Every 6 months. Ikaw na ang punong abala pero take good care of yourself. Responsable tayo sa ating katawan na alagaan dahil ito mismo ang templo ng Diyos ng ating sinasamba sa espiritu at katotohanan.

Heto ang mga palatandaan ng Hepatitis. Pero bago iyon, Ano nga ba ang Hepatitis?

Ito ang impeksyon gawa ng virus galing sa pamilya ng Hepadnaviridae na tinatarget ang atay na pwedeng mauwi sa cirrhosis at hepatocellular carcinoma. (o replacement ng abnormal na cells sa atay, o kanser.)

Maraming klase ng Hepa, A, B, at C etc. Ang Hepa B ang pinaka-delikado. Hepa A ay self- limiting, ibig sabihin ay kusang gumagaling, ngunit parehas ito ng sintomas ng Hepa B na naninilaw ang mata, pati na ang balat.

Ang Hepa B naman ay isang uri ng sakit na naipapasa  sa pamamagitan ng parenteral route (ibig sabihin ay sa tusok ng karayom, exposure sa body fluids ng may hepa B at pakikipagtalik na walang proteksyon). Hepa C ay kamukha ng Hepa B ngunit mas laganap ang B kaysa sa C. Nagagamot ang hepa A sa pamamagitan ng C.

Confused?

Dahil ang hepa B ay laganap nararapat na maging “aware” ka dito. Ito ang mga palatandaan ng Hepa B:

-Patuloy na “pagtaas” ng SGPT (Serum Glutamic Pyruvic Transaminase) o ALT (Alanine transaminase), Okey. Ok. Para saan ang SGPT? Ito ang mahalagang kemikal ng katawan na inilalabas ng atay. Kapag may Hepa B sinisirang virus na ito ang atay, kaya ang SGPT ay tumatapon, dumadami at tumataas sa dugo.

-Paninilaw ng mata, balat at sobrang dilaw na ihi. O tinatawag na jaundice. Yes. Jaundice. Naninilaw dahil ang virus na ito ay sumisira ng atay. Ang bilirubin na nasa atay ay naagas na katawan (kulay dilaw ito).

-Mataas na bilirubin count. Mataas na ALP at iba pa.

Nakukuha ba ang Hepa B sa pakikipaghalikan sa may Hepa B? Ang sagot ay HINDI.

Paano magiging protektado sa ganitong uri ng sakit? Magpacheck muna ng COMPLETE HEPATITIS PROFILE at kung negative, maari ka magtanong sa doktor mo kung pwede ka bakunahan ng anti-hepa B. Tatlong session ang bakunahan sa hepa.

Ask your doctor about this.

Ingatan mo ang iyong sarili unang-una, if you don’t care of yourself, paano ka mag-aalaga sa iba kung ikaw mismo hindi mo pinahahalagahan ang iyong sarili?

1 Corinthians 6:19-20
“ Do you not know that your bodies are temples of the Holy Spirit, who is in you, whom you have received from God? You are not your own; 20 you were bought at a price. Therefore honor God with your bodies.”








Monday 9 September 2013

ANG MGA USAL NA PANALANGIN NI FE IGNACIA


"Patay na ba ako?"

"Ikaw nagsabi."

"Huh?"

"Ikaw nga nagsabi, paulit-ulit ka."

"Huh? Sino ka ba?"

"Sino pa bang akala mo?"

"Teka, teka, hindi ko maintindihan! Ughhh! Sabihin mo na kase!"

Napaisip sya. Hindi makapaniwala. Napakamot ng ulo. Hindi nya matanggap...

"Talaga bang patay na ako??? Pano na ..."

"By the way, ako nga pala si..."

Biglang may malakas na tinig ng trumpeta.

"Ahhhhghhhhh! Sakit sa ulo parang nagka migraine ako, ano ba 'yon?"

"Yan ang signal."

"Huh? Signal ng alin?"

"Wala ka bang ibang alam kundi magtanong?"

"Malamang! Teka... sino ka ba?"

Naroon sya sa harapan ng desk ng taong iyon. Sa tabi ng desk may monitor malaking parang telebisyon, pero ang style ay lumang TV ng 1970. Napakaliwanag ng paligid.

“Panuorin mo muna ito.” Sabi ng matandang bantay doon.


***
“Anak ano gusto mong ulam?” Sabi ni aling Ignacia kay Dino noong umuwi ito sa bahay nila sa isla ng Sagburiyan. Noon ay nagsisindi ng kandila si aling Ignacia sa oras ng ika-6 ng gabi.

“Kayo bahala ‘nay alam nyo naman ang paborito ko.” Sagot ni Dino.

“kare-kare anak, alam na alam ko yan.” Ngiti ni aling Ignacia. Tinapos muna nito ang manalangin sa mga rebulto sa loob ng kanilang bahay bago ipaghanda ang anak.

“Te Deum omnipotentem, Creatorem caeli et terrae Redde uxorem deprecationem meam auribus percipe porro nostrum genus esse felicem..”

Mga usal na panalangin ni aling Ignacia. Tinitignan lamang sya ng kanyang anak na si Dino.

Habang nananalangin sa harap ng mga rebulto si aling Ignacia may hangin na humihip sa maliit nilang bahay at nagsimatay ang mga nakasinding kandila.

Noon naman si aling Ignacia ay nanginginig ngunit nakaluhod pa rin. Hindi alintana ang mga nagyayari. Walang kibo lamang si Dino.

Itinaas nya nag kanyang dalawang kamay mula sa pakubkob nito sa dibdib nya at palakas ng palakas ang panalangin..

“Te Deum omnipotentem,  quoniam inextinguibile est verbum fecistis uni Deo an diis exaudi nos omnes esse beati iterum redde uxorem familiae nostrae!!”

Huwag mong babasahin ang mga bagay na hindi mo naiintindihan.
Huwag kang magtangka.
Hindi mo alam..
Huwag ka magtangka.

“Te Deum omnipotentem, Creatorem caeli et terrae Redde uxorem deprecationem meam auribus percipe porro nostrum genus esse felicem!!!”

At napadapa si aling Ignacia. Walang malay.

Walang imik pa rin si Dino.

“’Nay?!” Itinatayo niya ang ina sa pagkadapa.

Umiiyak ang ina nya ng magkamalay.

Ganoon muli ang senaryo. Umiiyak muli ang ina nya. Ayaw nya ng ganoon iyon.. sinisisi nya ang kanyang ama…galit sya sa kanyang ama..may kung anong kirot ang nadarama ng kanyang puso. Madilim pa rin ang bahay nila gawa ng nangamatay na kandila sa poon.

Pagkatapos noo’y nagluto na si aling Ignacia ng paboritong ulam ng kanyang anak. Kumain silang sabay. Nagtatawanan. Oras alas-9 ng gabi noon. Busog na busog si Dino. Halos hindi na sya makahinga.


GABI sa oras ng alas-10. Lumabas si Dino.

“Hanggang tingin ka na lang brod...” Tawa ni Michael kay Dino.

“Balita ko mag-aasawa na raw yan si Jessica, yung mayaman sa kabilang kanto. He-he bagal mo brod.” Dugtong ni Michael inaasar si Dino. Tumatawa sya.

Tahimik lang sya. Nag-iisip. Tinitignan ang babaeng dumaan. Humithit ng sigarilyo dalawang magkasunod at halos mapuno ng usok ang lugar kung saan sila nakatayo. Noon ay nakatambay sila sa sari-sari store nila Ka Domeng.

“Uminom na lang tayo pre. Birthday ni Kuya Boy.” Sabi ni Dino kay Michael. Hindi na sila nagtalo. Nagtungo na sila doon.

Sobrang saya nila sa gabing iyon. Nagtatawanan kung bakit ang daming brownies sa handa nila kuya Boy nila. Parang konting ano lamang ay nagtatawanan sila. Maingay. Ang ibang kapitbahay nila ay nagagalit na sa kanila.

Dumaan noon si Jessica malapit sa kanto kung saan nag-iinuman ang mga lalaking ito. Natatakot sya. Nagmamadali.

Naroon si Michael. Inaabutan ng brownies ang dalaga.

“Ayaw ko. Busog na ‘ko kuya.” Sabi nya.

“Tikim ka lang, masarap.” Nakangiti si Michael.

Hindi pa rin tumitigil si Michael. Medyo lasing na ito. Sobrang takot ni Jessica tumakbo ito at hindi na nya hinabol pa, noon ay nakatingin lamang si Dino.

“Pare, wag ka manulot.” Tinapik ni Dino si Michael. Tumawa lamang ito. Sarkastiko.

“Hindi pre.” Nagpatuloy sila sa session nila. Napakasaya ng gabing iyon. Hindi nila mapagtanto. “Iba” ang saya ng gabing iyon.

Naiba nag usapan nila. Napunta sa pagpapakita raw ng isang napakalaking aso sa lugar nila sa Sagburiyan. Kinilabutan si Michael. Nakikinig lamang si Dino sa kwento ni kuya Boy at iba pang nasa harapan ng maraming alak at brownies pati ng inihaw na bituka ng manok.

“kalahati aso, kalahati naman tao.” Seryosong seryoso si mang Boy.

Tawanan ang lahat.

“Pre, uso pa ba yan?” Sabi ni Romeo. Isa sa kasama sa session na iyon.
Nagtatawanan pa rin sila.

“Naglalakad daw ang aso na yon sa may malapit sa eskinita at namiminsala..” Patuloy ng nagkukwento.

“Kuya, sino nagluto ng brownies na ‘to? Si ate ba?” Putol ni Dino.

Napatahimik ang lahat sa tanong niyang iyon.

“Binili ko yan pre, yan ang pinakamasarap na halo sabi nila.” Sagot ni mang Boy.

“May halong gaenha?” Tawa ni Michael.

“Gaenha! Oo Tanga! Hahahaha!” Sagot ni mang boy. Namumula na sya. Sabay inom.

“Ah, masarap nga ho.” Nagpatuloy sila.

“Ano ho ba ang gaenha?”  Nagtataka si Dino. Nakarami na rin sya.


***
“Naalala mo ang mga pangyayaring yan?”

“Bakit ko napapanood ang sarili ko dyan?”

“Hahahaha! Malamang high-tech na rin kaya dito sa langit! Mas nauna pa kaming maging high tech kaysa sa mundo ano?” Sagot ng bantay. Ang tinutukoy nya ay ang TV na mukhang 1970 ang style.

Tinignan nya ang bantay na nagsasalita. Sobra ata saya ng taong iyon.

“Ano ba gusto mo palabasin?” Sabi ni Dino.

Tumunog na ang ikatlong trumpeta. Nagmigrane sya muli.

“Ahhhhhhgghhgh!!! Siraulo ka ba alam mo ng masakit sa ulo yung tunog bakit paulit-ulit?”

“Shhhh... Hindi ka pwede magsalita ng masama dito! Hindi ka dapat magsalita ng hindi kaaya-aya sa pandinig ng Diyos!”

“Ehh Napakasakit sa ulo ng tunog na yan! Bakit!! Ang hindi ba paggawa ng masama ay nangangahulugang ikaw ay mabuti?” 

Pagkatapos niyon ay nagtatakbo si Dino. Sobrang sakit sa tenga ng tunog.

“Pilosopo ka!”

“Pilosopo ka!!!” sabi ulit ng bantay.


Nakaupo si Dino kung saan tanaw ang dagat ng Maynila. May lumapit sa kanya.

“Magtago ka.” Sambit nito.

Kampante syang nagpapahangin sa lugar na iyon ng Manila bay. Nakikita doon ang kay gandang paglubog ng araw. Nawala na rin ang sakit ng kanyang ulo.

Napatingin sya sa nagsalita. “Huh? Bakit?” Tinatanong nya kung bakit sya pinapagtago nito.


“Hahabulin ka nila baka pag naabutan ka nila hindi mo malaman ang gagawin mo…” Sagot ng lalaking nakaitim na T-shirt. May tatak ang kanyang noo inaaninag ni Dino ito ngunit hindi nya mabasa.

“Bakit ako?” Tinanong nya muli ang lalaking nakaitim na T-shirt. Medyo malaman ito ng bahagya ang buhok ay kulot-kulot na nakasabog pataas parang apro ang style.

Tinitignan ni Dino ang buhok ng lalaki pati na rin ang nakatatak parang tattoo sa noo nito.

“Hindi mo ba alam na pinagbabawal na ni Presidente Dingdong Dantes ang pagiging mapayat? Tignan mo itsura mo, mukha kang butiki sa payat.”

“Si Dingdong Dantes na ang presidente?” Tawa ni Dino.

“Oo! Bakit hindi mo alam? Kaka-eleksyon lang. Mura na rin ang bigas at lahat ng mga bilihin dito sa Pilipinas. Okey nga e. Mabuti at nagawa iyon ng ating presidente.”

“Hindi na magugutom ang mga tao…lalo na ang mga palaboy… Mabibili mo na lahat ng gusto mong pagkain at nagkakaisa na sa gobyerno natin.” Patuloy ng lalaking nakaitim. Kumakain na sya noon ng egg sandwich habang nakatingin sa dagat.

“Buti nga mura na lahat ng bilihin. Ayos! Hindi na nangungutang ang nanay ko sabi nya sa akin. Pero wala sya e nasa probinsya namin.” Patuloy ng lalaki. Nakikinig lamang si Dino. Nagtataka sa mga pangyayari. Kanina may kausap syang matanda na parang baliw, ngayon mukhang baliw din yata ang kausap nya? Napapailing si Dino. Si Dingdong na presidente? Astig yon ah?

“Ikaw saan probinsya mo?” Tanong ng lalaking nakaitim.

Naiisip na noon ni Dino ang kanyang ina nasa kanilang probinsya sa Sagburiyan.

“Alam mo sa probinsya namin, sa Cebu, ang galing magpalakad ng bagong gobernador,” Patuloy nya.

Nakita ni Dino ang maraming tao galing Roxas may mga hawak na pamalo.

“Kilala mo ba yon? Bagong gobernador  na ng Cebu si Enrique Gil.” Patuloy ng lalaking nakaitim.

“Pre, may saltik ka ba?”Tanong nya sa lalaki. “wala akong alam sa mga sinasabi mo... Sinong Enrique? Di ba artista ang sinasabi mo?”

“Wala kang alam? Yan ang hirap sayo hindi ka nakikialam sa gobyerno natin.”

“Ano bang pakialam mo? Ang pagkakaalam ba ng mga bagay-bagay sa gobyerno o kahit hindi sa gobyerno, ibig sabihin ba nito isa ka ng mabuting mamamayan dahil nakikialam ka?” Nag-iinit na ang ulo ni Dino sa taong kaharap nya.

Patuloy ka lamang nagiging sunod-sunuran sa mga gusto nila… marami kang gusto… ngunit hindi mo ipinapahayag...Hindi ka magiging masaya kung palagi kang susunod sa kanila… Sinasabi ko sayo… Hindi makukuha ang tunay na kasiyahan kung lagi kang susunod!!!” Sigaw ng lalaking naka T-shirt ng itim kay Dino.

“Ano ba problema mo?!” Sigaw din ni Dino sa lalaki. Gusto na nya ito sapakin dahil sa paninigaw nito.

Ngunit nakita sya ng karamihang tao. Ito na ang naatasan ng pamahalaan hulihin ang hindi sumusunod sa tungkulin.

“Hulihin sya! Hulihin sya!” Sigaw ng marami. Nagtatakbo muli si Dino.

“Bakit ako?” Tanong nya sa sarili. Naalala nya ng sinabi ng lalaking nakaitim, mukha raw syang butiki sa payat. Hinuhuli na ang mga mapapayat, hindi sumusunod at mga palaboy at walang trabaho.



***
HINDI sya makatulog. Nais nya magpahinga ngunit hindi pinapayagan ng isip nya. Maraming bagay ang kanyang naiisip.

“Dami ko kasing nakaing brownies,” Naalala nya ang sinabi nilang halo nito. Gaenha.

Ganja.
Tinawag sya ng isang kaibigan binulungan sya naroon na sya higaan noon.

“Hindi ka naman natutulog pagpatuloy natin ang ganja. Ilagay mo sa sigarilyo. Hithitin at amuyin mo. Mabango diba?” Tanong ng kaibigan nya.

“Oo. Mabango nga.” Nagpatuloy sila ng 3 oras.

PAGKATAPOS ng dalawang taon nagpatuloy ang ganitong gawain. Nalaman nya na marami pa lang benepisyo ang ginagamit nila, nagbebenta rin sila ng brownies na may halong ganja, tapos marami pa syang pinagkakakitaan. Hindi alintana ng kanyang ina sapagkat nag-iisa lang itong anak. Walang trabaho kung minsan, pa-extra extra lang, kung ano ang meron iyon ang pang-aabutan.

Noong minsan bumili si Dino at ang kanyang kaibigan ng cup ng candy. Binuksan.

May tunog.

Enggggg..  Tunog ng violin ng Canon rock ni Pachelbel.

Pangalawa.

Enggghghgjszkm. Nagpatuloy ang Canon Rock.

Natuwa sya. Inulit.

Enghsgjjnzdjnjd. 

Tawa sila ng tawa. Sinunod-sunod.

Enggggg.. ♫ Enggghghgjszkm.♫  Enghsgjjnzdjnjd. ♫ ♫ ♫

 Tunog ng violin ng Canon Rock.

Pagkatapos niyon, nagkaron muli sila ng session. Masaya.


***
HINDI sya makapaniwala sa kwento ni mang Boy. Totoo pala ang sinasabi nitong asong malaki na naglalakad kung gabi at namiminsala ng mga tao. Nakita nya ito habang papauwi sya sa kanila.

Gabi noon. Naglalakad sya sa may eskinita pauwi sa kanila. “Subukan mo lang aso ka…

Kinakabahan sya. Nakakakilabot sapagkat alas onse na ng gabi iyon. Pasilip- silip sya sa may eskinita.

Doon daw kasi lagi dumadaan ang aso na sinasbi nila at namiminsala ng mga tao.

Nilakasan nya ang kanyang loob.

May naamoy sya. Hindi mapaliwanag. Sobrang baho.

Psst!!” Nagulat si Dino. Lumingon sa likod nya.. Wala syang nakitang tao sapagkat madilim na sa bahaging iyon.

“Huh!” Tinakpan nya ang kanyang tenga.

Patuloy ang sitsit.

Psst! Psst!” Tinatakpan nya pa rin ang kanyang tenga. Marahil ay ang kaibigan nya iyon si Michael.

Noon ay nagtatakbo sya. Diretso na sya sa kanyang higaan. Hindi na nya napansin ang kanyang ina na naroon sa sala nagdarasal muli. Nakaluhod sa harap ng altar nila na malaki.

Naroon na sya sa kanyang kwarto. Nagpapatuloy ang sitsit sa kanya... Lalong lumalakas ang tinig… Hindi nya maintindihan..sa wakas nagsalita ito may inuutos sa kanya… Madilim na noon sapagkat kapag gabi na ay walang mga ilaw kundi ang gasera.

Lumabas kaa… di ba nauuhaw ka, magpunta ka ng banyo..” sabi ng tinig na kaibigan nya. Akala nya ay mag-session sila muli.

Pinapakinggan ni Dino ang tinig. Oo, nauuhaw nga sya.. Naparami ng kain kanina.

Maraming inuutos ang boses na iyon sa kanya. Hindi lamang iisa ang boses ng kaibigan nya, marami. Lingon sya ng lingon kung saan nangagaling ang boses.

Pagkatapos ay nagpunta sya ng banyo.

Yung tubig sa bowl.. ayan!” Pinilit ni Dino inumin ang tubig.

“Pwee!” Luwa nya.

Hanggang nagtawanan ang mga boses. Hindi nya alam ang kanyang gagawin.

Pagkatapos ay bumalik sya sa kanyang higaan. Nakita pa rin nya ang kanyang ina at sinilip ang ginagawa. Mag-aalas dose na noon ng hating gabi. Nananalangin pa rin ito. Tinignan nya ang mga rebulto doon sa altar nila.

Kitang-kita nya ang pag-ngiti ng santo sa kanya. Pagkatapos ay bigla na lamang ito sumayaw. Umiikot.

Paikot-ikot. Habang ang mga kandila lamang ang nakikitang liwanag sa gabing iyon. Habang nakaluhod pa rin si aling Ignacia na ina nya, nananalangin.

Pinipigilan sumigaw ni Dino. Hindi nya mapaliwanag ang nangyayari sa kanya. Hindi nya matukoy kung alin ang totoo at hindi totoo sa kanyang nakikita.

Pagkatapos niyon ay pinipilit pa rin nya matulog.

Dumating ang umaga.

Naalimpungatan sya sapagkat maingay sa labas ng kwarto nya. Naririnig nya ang kanyang ina may kausap.

“Gagawin ko ang lahat! Hanggang kalian ako magdadasal… Maawa ka sa amin.” Nagpanikluhod ang babae sa harap ng kausap. Iyak ng iyak.

Nakikinig lamang si Dino.

Tinampal sa mukha ang kanyang ina.

Pak! Napakalakas ng tampal na iyon. Napatumba ang babae.

Nagulat si Dino. Bakit may nananakit sa kanyang ina?

Lumabas sya, si Dino. Nakita nya ang nanakit sa kanyang ina ay ang kalahating aso at kalahating tao na gumagala kung gabi.

Nagsalita ang nanakit sa kanyang ina. “Mga baliw kayo hindi ko kayo kilala!!!” Sigaw ng kaharap ng kanyang ina. Umiiyak na noon ang kanyang ina sa sobrang lakas ng pagtampal sa mukha nito.

Mahal na mahal niya ang kanyang ina, hindi nya matanggap na may nananakit dito.

Nanlilisik ang kanyang mga mata ng lumabas sya sa kwarto .Uminit ang kanyang katawan.

“Isa ka pa!” Sabi ng asong iyon kay Dino.

“Hindi mo ba ako kilala?” Tanong ulit ng aso. Nagtataka marahil animo ay wala sa katinuan ang kaharap nya.

Unti-unti namang nagbago ang anyo ng aso..parang naging halimaw lumaki ang katawan nito at nanlilisik din ang mata kagaya ng kay Dino.

“Ikaw pala!!!” Kinuha ni Dino ang itak sa loob ng kanyang kwarto. Nagmamadali. “Ikaw pala ang aso buti nakaharap kita ahhhhh!!!”

Maraming tao ang nasa labas. Nakikiusyoso sa kanila. Maingay.

Sasaktan nito ang kanyang ina kaya ipagtatanggol lamang ni Dino ang kanyang ina. Pinagtataga at hindi makailag ang halimaw sobrang lakas ni Dino…hindi  makalaban ang halimaw…nanlilisik ang mata ni Dino sa galit...napatay nya ang halimaw at duguan itong nahilata sa sahig...

Maraming tao ang nagpuntahan doon..pinalakpakan si Dino. Talon sya ng talon dahil malakas sya... pagkatapos ay hinabol sya ng mga tao.

“Yahoooo!!...” tawa sya ng tawa..

“Napatay ko na ang asong gumagala sa lugar natin!! Yehey!” Sambit ni Dino, pagkatapos ay tumakbo sya ng tumakbo. Hinabol sya ng mga tao. Sa isip nya, “Ang dami kong fans!” 

Iyon pala ay hinahabol sya ng taumbayan dahil sa ginawa nyang kasamaan.


***
“Nakita mo na ang ginawa mo? Tuwang-tuwa ka pa!!”

“Magsisi ka na sa mga bagay na ginawa mo, bakit mo siya pinatay?

“Hindi ka magmamana ng kaharian ng langit!”

“Hindi ka nararapat dito!”

“Hindi ko pinagsisihan na pinatay ko ang halimaw na iyon!”

“Ama mo yon bakit hindi mo sya kilala?”

“Wala akong kinalaman doon!” sambit ni Dino. Nagbabalik ang mga pangyayaring iyon sa kanyang isipan.

“Nasa presensya ka ng pinagbabawal!”

“Matigas kang anak! Igalang mo ang iyong ama at ina ito ay may kalakip na pangako sabi ng Diyos!”

“At isa pa, nagawa mong patayin ang walang kamuwang-muwang na sanggol sa kanyang sinapupunan...hindi mo ba alam na ang mga bata ang unang magmamana ng kaharian ng Diyos?...”

“Hoy! Ikaw, baliw ka ba? Hindi ko alam ang mga binibintang mo sa akin! Anong bata ang sinasabi mo tanda?”

“Hindi mo matandaan!! Nagpapaka-high ka kasi sa ginagamit nyong dahon! Yung kinakain nyong brownies na may halong kung anu-ano! Alam mo yon! Nagmamaang-maangan ka lang!”

“Nagpapatuloy ka sa paggamit ng pinagbabawal!”

“Hindi ka na naawa sa babaeng iyon! Matapos mong gawan ng bagay hindi mo matanggap ang pagkakamali nyo, hindi mo pinanagutan. Pati ang bata dinamay nyo pa! Wala na ang bata na sana masisilayan ang mundo! Wala kang kwentang ama!”

“Tama na ang bintang mo!!!” Sumigaw si Dino. Nagtakip ng tenga at naiiyak.

“Hindi maari… wala akong pagsisihan… Para kay inay yon… sasaktan sya…Hindi ako magsisisi…”

Tumunog ang pang-anim na trumpeta ito ang tunog na hindi nya mapagtanto sapagkat ang tunog na iyon ay kamukha ng tunog ng orasang malaki na kulay pula sa bulwagan ng lungsod ng Maynila... nagalit na talaga si Dino… dahil sobrang sakit na ang kanyang ulo sa tunog na iyon....ibang klaseng tunog...

Nagbalik muli sya sa lugar kung saan nakapwesto ang malaking orasan ng Maynila. Hindi nya maunawaan ang nakikita nya. Maraming tao. Hinuhuli ang mga mapapayat…pinapahuli ng bagong presidente...
Nakaputing damit si Dino noon naglalakad sya sa Burgos...kung saan malapit ang tunog ng malaking orasan.... pinipilit nya lumayo sa lugar na iyon... hindi nya alam ang pabalik sa matandang kausap nya kanina lamang....Pagkatapos ay may mga tao na nagtatakbuhan, akala nya ay may rally na naman sa Maynila... Tumakbo sya...sya pala ang hinahabol....

Nakita nya na nanlilisik ang mga mata ng mga taong humahabol sa kanya... mapayat pa rin marahil si Dino...Hindi na pinapayagan ng pamahalaan na may lumaboy-laboy sa lansangan...lahat ay makakatikim na ng murang bigas... mura na ang bilihin...Ngunit sya...

“Hoy tanda!!! Asan ka?” Hinahanap nya ang bantay na kanina lamang kausap nya.

Naririnig lamang nya ang boses nito. Nais nya itong sundan… saan man nanggagaling ang tinig ngunit bigo sya. Bumabalik-balik lamang sya sa lugar na iyon. Natatakot sya sa mga naghahabol sa kanya. Hindi nya alam kung saan magtatago at halos marumi na ang puting damit nyang suot sa araw na iyon.

Hanggang nagtago sya sa isang lugar na wala ng nagra-rally.


“Buti bumalik ka?” Tanong ng bantay. Nakangiti. Nagpakita sa kanya muli.

Nagulat si Dino ng bahagya tapos ay nagsalita na sya.

”Bago ka ngumiti, bigyan mo ako ng tubig, uhaw na uhaw ako kakatakbo kanina.”

“Kanina? Kelan ang kanina? Alam mo bang isang libong taon ka nawala, buti nga bumalik ka.”

“Nawala ako ng isang libong taon? Mamaya mo na ako bwisitin tanda, bigyan mo ako ng tubig uhaw na uhaw na ako…”

“Anak,” Pinagtatawanan sya ng matanda. “Anak, alam mo ba dito sa langit hindi kami nauuhaw? Kaya walang tubig dito. Hindi rin kami nagugutom. Pagmasdan mo ang mga bagay sa paligid mo ngayon...”

Minasdan nya... Naroon muli sya sa “langit.” Ang daming ginto... nasisilaw sya sa sobrang liwanag na namamasdan nya…

Hindi sya makapaniwala na sa langit sya napunta kahit na pinatay nya ang kanyang ama, kahit na pinatay nya ang walang muwang na sanggol…

Minasdan nya ang mga tao doon lahat sila ay nakaputi… nagpapatirapa sa gawi doon…

”Parang may concert si Gary V sa gawing iyon ah,”…. Hindi nya mapigilan matawa.

Kinakanta nila sa harapan ng pinagtitirapaan nya ang mga kanta para sa Diyos. Hindi pa rin sya makapaniwala.

 “Ok pala, andito na ako sa langit. Ambait mo naman kahit ni-replay mo yung mga ginawa ko dati, langit pa rin pala ang punta ko? Dito na lang ako ha, pero nakakuhaw kasi kanina ang daming humabol sa akin. Astig ka pre. Walastik.” Tawa nya. Sarkastiko.

“Astig ka pre, walastik?” “Ano ibig sabihin ng walastik?” Tanong ng bantay.

“Anong kahit na pumatay ka pwede ka dito? NAGKAKAMALI ka.” Sabi ng bantay.

“Anong nagkakamali, di ba nasa langit na ako?”

“Need mo magrepent.” Sabi ng bantay.

“Need? Ano ang repent?”

Lalong natawa si Dino. Malakas. Hindi sya maintindihan ng kausap. Parang ulol.

Narinig sya ng mga “nagkoconcert “sa gawi doon ng langit.

“Shhhh!” Pinatatahimik sya.


***
“Kung ano ang ina, syang anak.” Sabi ng isang babaeng kapitbahay nila.

“Kita mo nakakatakot si Ignacia, hindi man lang pinalibing ang anak?” Sabi ng kausap.
Mga bulong ng kapitbahay nila.

Alas-sais ng gabi noon. Madilim na muli sa kanilang bahay.
Pinag-uusapan sya ng mga tao roon… magulo ang kanilang bahay… Katakataka rin na hindi na maayos ang mga rebulto dati sa kanilang altar…inalis ni aling Ignacia ang mga rebulto sa altar nilang iyon at doon inihiga ang bangkay ni Dino. Umiiyak sya araw at gabi. Hindi nya matanggap na wala na ang kanyang anak. Hindi na ito nagising magmula ng naghapunan sila. Pinapagtawan sya dahil animo sya ay nabaliw, kinatatakutan sya ng kanilang mga kapitbahay…Dahil doon minsan na lang sya lumabas.

“Domine Deus omnipotens eu mi!”

Wag mo uusalin kung hindi mo naiintindihan.
Huwag ka magtangka, papasayo ang sumpa.
Makukumpleto mo na ang dalangin. Makukumpleto mo na…


***
”Napanuod mo na?” Sabi ng bantay.

Nalumbay si Dino. Nakita nya ang kanyang ina...nawalan sya ng gana...sobra ang pagmamahal nya sa kanyang ina... parang gusto na nya bumalik sa lupa muli.

Walang imik si Dino. Naupo sya sa dako doon ng langit.

“Alam ko nasa isip mo, gusto mo bumalik doon.. Para ano? Para mag-drugs ulit? Saka paano kang babalik, nangyari yan dalawang libong taon ang nakakaraan?”

Tinignan ni Dino ang matanda.

“Dalawang libong taon nakakaraan? Huh? Ganoon ba ang bilang libo agad kahit tatlong araw pa lang ako dito?”

Hindi pa rin sya mapakali.. gusto nya yakapin ang kanyang ina… wala na itong kasama sa bahay nila…..ulila na..iyak sya ng iyak…hindi nya alam kung bakit umiiyak sya pero hindi nababasa ang kanyang pisngi…

Tinatawanan sya ng bantay. “Alam mo ba na “pinahid” na ng Diyos ang lahat ng mga luha? Paanong ang iyong mga mata ay luluha pa? Hindi ka ba masaya?”

Noon ay tumunog ang ikapitong trumpeta… Hindi na sya nagka-migrane sa tunog ng trumpetang iyon… Wala na syang pakialam… Wala na syang magagawa kundi masdan ang kanyang ina na umiiyak araw at gabi.

“Gusto mo ba talagang bumalik?” “Isa lang ang paraan, magbalik loob ka.”

Kinakausap sya ng bantay. Nakaupo lamang si Dino sa isang gilid hindi sya sumasagot sa matanda, naririnig pa rin nya ang mga kumakanta ng papuri sa gawi doon ng langit.

Di ba sila napapagod kumanta…”  “Paano naman ako magbabalik loob, nangyari na mga iyon...” Winiwika lamang nya ito sa isip.

“Hindi talaga kami mapapagod kumanta para sa Diyos!” Sabi ng matanda sa kanya. “Hindi pa huli ang lahat para sa ating Diyos!”

Etong matanda na ‘to kanina pa ‘to e, pati isip ko nababasa mo?” Hindi pa rin sya umiimik. Sa isip lamang nya ito sinasalita. Hindi pa kaya huli ang lahat?

“Ibabalik kita kung saan ka nag-umpisa. Mula sa pagkain mo ng mga brownies na ‘yon hanggang sa pagtulog mo noon na busog na busog ka.”

"Sapagka't sa Diyos, walang imposible, bata."

Napatingin si Dino sa kanya.

“Ibabalik kita sa inay mo na nagluluksa, dininig na ng Diyos ang kanyang mga luha sapagkat walang ibang gusto ang Diyos kundi ang mapasaya ka.”

“Ngayon alam mo na ang mangyayari sayo pagkatapos ng dalawang libong taon, gusto ng Diyos na magbalik ka sa kanya bago pa hipan ang IKAPITONG trumpeta.”

“Magiging isa kang halimbawa sa mga adik sa lugar nyo. Walang trabaho at umaasa sa magulang, hindi ganyan ang gusto ng Diyos sa atin. Dahil isa ka sa kanila noon, ginamit ka ng Diyos para sa isang purpose.

“Nakikinig ka ba, bata?”

Nagtaka ang matanda, “asan na ang batang iyon?” Hinanap si Dino.

Nagising na si Dino mula sa pagkakahimbing. naabutan nya ang kanyang katawan na nakahiga sa altar nilang malaki. "Nauuhaw ako 'nay!!!" Sambit nya. Iyak ng iyak ang kanyang ina.

Napangiti ang matandang bantay.








































































































Sunday 1 September 2013

Marocchino

Fontana dei Quattro Fiumi (Fountain of the Four Rivers)
“God often uses our deepest pain as the launching pad of our greatest calling.”



Happy 36th monthsary MAHAL KO!! ^_^ ^_^  Wish ko sana magtagal tayo forever mahal na mahal kita, I miss YOU so much!
Ayan may gift akong cheesecake! favorite mo yan di ba? Iniwan ko dyan sa mesa sana magustuhan mo hehehe! I LOVE YOU ulit.
--your YAM. ^^



SA MGA SIMPLENG GIFT, simpleng I love you at card na 'to nakakagalak ng puso.
"Hello Yam san ka na? dito na ko sa bahay. Sa hospital ka pa ba?"
"Hi mahal ko, nakita mo yung gift? hehe.."
"Opo, ang sweet naman, I miss you, san ka na sa ospital ka pa ba?"
"Opo, may case pa kami, alam mo naman sa ER ako ngayon, mamaya labas tayo pagka-uwi ko mga 8:30?"
"Hmm..may surprise ka Yam?" Laki ng ngiti ko.
Nagagalak naman si Yam (you are mine) -- word of endearment nila iyon ni Yvonne.
"Hindi-hindi kaya surprise 'yon.. sige na hehe I miss you po," Sabi ni Alfred o Yam, iyon ang tawag ni Yvonne kay Alfred. Plano na ni Alfred yayain si Yvonne magpakasal.
"Doc, may concern daw po yung kamag-anak ng pasyente," sabi ng nurse on duty. Putol ng nurse sa usapan sa cp.
"Sandali lang Mahal ha, tawag ako ulit kapag pauwi na ako, I love you!"
"O-ok po, antayin kita."

Si Alfred at Yvonne ay magkaklase sa college of medicine, hanggang naging sila noong maging  mag-buddy sa post grad internship. Ngayon residency training na sila si Yvonne sa linya ng pagka-OB gyne, at si Alfred Emergency Medicine Doctor.

"O bat hindi mo pa kinain yung cheesecake?" Sabi ni Alfred.
"Antay kita," Sabi naman ni Yvonne na nakasimangot.
Alam na ni Alfred ang ganoong pagsimangot ni Yvonne. Hinagkan nya ito at niyakap habang nakatalikod. "Alika nga dito, tinotopak ka na naman.. na-late lang e..hmmp!"
"-----" blangko si Yvonne. Tagal kasi dumating ni Alfred.
"Ayan ka na naman, alika nga, gusto mo ng chicken?" Ngiti ni Alfred.
"San tayo pupunta?" nagsalita na si Yvonne.
"Tikman mo muna yung cheesecake," Sabay pisil sa ilong ni Yvonne.
"Di ba favorite mo yung dish sa may Malate, san nga yun mahal?"
"Makakalimutin na ako," napakamot sa ulo si Alfred, sabay tumunog ang cellphone ni Yvonne hindi nya naririnig.
"Sa andoks lang nakalimutan mo na Yam? Yung chopseuy doon at inihaw na bangus." "Di ba nagpunta tayo doon dati."
Napa-isip sila, "tara! Punta tayo." Sabi ni Alfred.
"Minsan sarap din ng ganito lang simple," "buti malapit sa PGH," sabi ni Alfred.
Nagpunta na sila at maraming tao ang kumakain. Na-antay sila ng bahagya at nakakain din.
"Mahal, masaya ka ba?" Naglalakad na sila pauwi ng condo. Kinakabahan si Alfred sa mga oras na iyon.
"Oo naman, ang sarap pa rin doon," Sabi ni Yvonne. Ngumiti sya at tinignan ang cellphone.
"May 3 misscalls ako, Yam, kanina pa yata 'to si kuya," Putol ni Yvonne sa usapan nila.
Patuloy sila naglalakad pauwi ng condo.
"Mahal sa palagay mo pwede na kaya tayo magpakasal?" Nagulat ako sa sinabi ko kay Yvonne, bahala na matanda na naman kami. Crossfingers.
"Teka kanina pa ata yung misscalls na to ni kuya hindi naman sya tumatawag ng ganito sa akin, ahh, bakit ako na-lobat?" Wrong timing.
"Ano nga yon Yam? Wrong timing yung cellphone ko. Pahiram ng cp mo Yam?"
"Sige," binigay ni Alfred ang cp. Ngumiti lamang sya, "wrong timing."
"Ano sabi mo Yam kanina? Tawagan ko muna si Kuya, tumatawag namatay naman ang cp ko."
"Sige mamaya na at tawagan mo muna siya." Ngiti ulit ni Alfred sa kanya.


“Ate, kailangan mo umuwi sa atin, busy ka ba? Si Mommy nasa ICU.” Sabi ni Dong sa Ate Yvonne nya.
“Sorry na-lobat yung cp ko kanina, sige papunta na ako,” kausap ni Yvonne sa cellphone si Dong na kapatid nya.
Pagpatay ng cp, “Yam, Uuwi muna ako, nadala ulit si mommy sa ospital,” Malungkot na sabi ni Yvonne kay Alfred.
“Sige mahal, hatid na kita,” Sabi ni Alfred. Nakita ni Alfred sa mukha ni Yvonne na sobra itong nalungkot sa binalita ng kapatid.

Kahit pa sa linya ng medisina si Yvonne, kapag mahal na nya sa buhay ang nasa bingit ng kalalagyan nanghihina pa rin ang loob nya, kahit pa sinasabi ng iba na napakatapang nya bilang isang doktor, naroon pa rin ang takot, tao pa rin sya.
Dumating na sila sa ospital. Kilala sya ng nurses at ibang doktor doon dahil na-confine at nagre-residency sya dito.
“Doktora,” sabi ng isang nurse binigay ang file.
Nagtungo na sya sa room ng mommy nya… Halos ayaw na nya tignan, namamaga na ang buong katawan na dati’y payat lamang at ang likuran nito’y halos nakabaon na sa higaan, nakapikit lamang ito habang may tubo ang bibig upang dumaan doon ang pagkain.
Walang imik si Yvonne, nakasuporta lang si Alfred sa likod nya, pati si Dong at dalawa pang kapatid nila ay naroon din.
Hindi ako madasalin Panginoon pero sana po makaligtas sa sakit na ito ang Mama ko..” Usal ni Yvonne sa isip nya lamang.

Isang malalim na paghinga ang pinakawalan ni Yvonne. nakatingin lamang si Alfred sa kanya habang hawak ang kamay. Namumula na ang mga mata nito na parang gustong-gusto na umiyak. Kilala nya ito.. noon lamang nya nakita ang malamlam na mukhang iyon sa kanyang nobya. Matapang na babae si Yvonne, isang babae na may awtoridad kung magsalita, at akala mo ay hindi kinakikitaan ng takot sa mga bagay, sya yung tao na malakas ang loob ngunit ngayon… sya yung babae na parang gusto magpakubkob, parang bata na umiiyak at nais ng alaga ng magulang, na gusto lamang ay yakapin at doon sya hahagulgol at magsusumbong..

“Code Blue!!” sigaw ng nurse. Ang mga luha na kanina pa gustong lumabas...ngayon, nag-uunahan na sa kanyang pisngi. Nanghihina si Yvonne... nanlalamig.. Kailangan na nila tanggapin...

Nagkagulo. Magulo ang isip, halos tumigil ang mundo sa mga oras na iyon, pero mabilis ang mga nangyari.. Wala na syang marinig kundi ang tinig ng mga aparatong matining ang tunog. Isang payak na pangyayari sa kanilang buhay na tuluyang nakapagpabago ng kanilang sitwasyon.

“Anong nangyari bakit ka umiiyak?” isang tinig na kilalang kilala nya.
Hindi pa rin ako nagsasalita, umiiyak lang ako, hindi ko na kaya pa magsalita dahil sa mga luha na aking nilalabas ay parang iyon na rin ang mga salitang gusto kong sabihin.

“Ano ka ba, anak, may problema ka ba? May problema ba kayo ni Alfred?”
Tumingin ako sa kanya, sa isip ko nagsasalita ako.. “alam mo naman na hindi ko kaya.. bakit ka nagpapaalam na naman?”

Ngumiti na lang ang kausap kong iyon, at niyakap.. yakap ng isang ama.. isang mahigpit na yakap na noon ko lang naramdaman magmula ng pagkabata.

“Shh.. tumahan ka na…” sabi ni Tatay.
Walang tigil ang luha ko lalo na noong yumakap sya. Tinitigan ko sya..panay luha ang aking mga mata.

Makalipas ang isang linggo...

“Ate Yvonne, tuloy daw ba ang meeting sabi ng dean ng medicine? Tumawag yung secretary.” Sabi ni Dong na arkitekto.

Pungas-pungas pa si Yvonne kakagising lang niya, ayaw niya ng kausap..
Napilitan siya umimik ng maisip nya hindi hadlang ang mga bagay na masasakit na nangyari sa kanilang buhay gaya ng pagkawala  ng kanilang magulang para hindi ipagpatuloy ang nakagisnan.

“Tatawag ako kay ‘Bhel, kakatawag lang ba?” nakakunot noo na naman sya kay aga-aga. Ngunit alas dose na noon. Bumabalik na naman ang pagkamasungit nya.

“Oo kakatawag lang,” Sabi ni Dong nagmamadali dahil may kliyente pa ito.
Noong tatawag na sya kay Bhel na secretary ng dean sa college, nakita nya marami na palang missed call si Alfred. “Anong oras ba sya tumatawag alam ng tulog ako..” Nagbabago na ang pakikitungo ni Yvonne kay Alfred. Parang dinadamay nya ito sa kanyang mga problema magmula noong mamatay ang kanyang ina.

Tinawagan nya muna si Bhel, kanina pa ito nag-aantay ng tawag sa kanya.
“Bhel, hello, tuloy ang meeting mga 3 pm pagkatapos ng klase ni dean.”
“Yes doctora, inform ko po agad si Dean Martinez.” Sabi ng sekretarya.
Alas dose na ng tanghali iyon ng tumawag sya. Tinatamad pa rin sya, nahiga ulit, nagsilent ng cellphone. Iniiwasan nya ang mga tawag ni Alfred. Hindi na nya namalayan nakatulog pala sya ulit, 1:30PM na.

Sa meeting nila napag-usapan na si Yvonne na ang magiging Director ng campus. Iyon ang napag-usapan na rin ng magkakapatid, pero umapila siya na kung tutuusin ay sa kanila rin naman ang ospital siya na lang sa ospital tutal ay doctor naman sya pwede pa sya magbukas ng clinic sa loob ng ospital nila.
Sa isa’t kalahating oras na meeting, natapos din ang pulong at si Yvonne na ang Medical Director ng Ospital.

Naging busy na ang doktora, wala ng halos oras sa pagkain kasama ang mga kapatid, kabilaan ang meeting sa bagong crowd na kanyang pinapalakad, ang ospital na naiwan ng kanyang magulang. Naging malamig na rin ang pakikitungo nya kay Alfred.

Nagplano rin silang magkakapatid na magtayo ng mga clinic sa ospital na hindi lang panay emergency, may ENT, yung OB na espesyalidad nya at ang Opthalmology center.
Magmula noon nagkaroon  ng kalabuan ang magnobyo-nobya, si Alfred at Yvonne.

Gusto ng isa makasama yung isa pero hindi pwede dahil, kabilaan ang meeting.
“Ngayon na lang uli tayo nagkasama kumain, mahal..” sabi ni Alfred na nagtatampo.
“Yam, alam mo ba na hindi madali yung responsibilidad na to?” Sagot ni Yvonne kay Alfred. Pagkatapos ay sumubo sya ng bahagya ay sumagot muli ng tawag mula sa isang doktor na inaanyayahan nya na makapagbukas ng Neurology clinic.
Nayuko na lamang si Alfred, natapos na noon ang kanyang post sa emergency physician, habang nag-aaral ng specialty nya sa cardiology. Hindi nga madali ang mga bagay na ito kahit ang medisina hindi madali…kelan ka may time sa atin, mahal.. ayaw ko naman isipin nya na makitid utak ko na hindi ko ginagalang ang kanyang mga responsibility..gusto ko lang naman…
“Yam, may aasikasuhin ako yung isa pang business nila Mama sa Nevada,” sabi ni Yvonne pagtapos makausap ang doctor kanina sa cp.
“Kelan flight mo nyan?” mabilis na sagot ni Alfred. Aalis ka pa… pano naman ako…hindi mo ba tatanungin kung okey lang ba sa akin… baka pwede wag ka muna umalis… sa sarili lamang nya ito winiwika.
“Next Saturday, O bakit hindi mo na naubos yang parmigiana  mo, favorite mo kaya yang pasta…yun o yung mushroom?… I love you Yam..” matamis na ngiti ni Yvonne. Naiisip nya na mukhang okey naman si Alfred, alam nya busy din ito sa cardio.
“Mahal din po kita.. Ehh busog na ako sa kwento hehe…” sabi ni Alfred, napangiti sa sinabi ni Yvonne. Nagpaalam na muna si Yvonne tutungo sya sa CR. Malamang talagang busy lang sya sa mga bagay-bagay... sabi ng isip nya.
Tumatawag muli ang doctor na iyon na iniimbita ni Yvonne na mag-open ng neuro clinic sa ospital.. nagpunta si Yvonne sa comfort room noon at hindi dala ang cp. Kibit-balikat lamang si Alfred. Business ng kanyang girlfriend iyon.
Pagbalik ni Yvonne, nagyaya na ito umuwi may aasikasuhin pa raw sya.
Parang may kulang sa gabing iyon… parang… tahimik lang si Alfred. Walang imik, nagsalita lamang noong nahatid na si Yvonne sa bahay nila sa Mahogany .
“Ingat ka Yam, message mo ako pag nakauwi ka na.” sabi pa ni Yvonne, pagkapasok sa bahay, marami pa syang paper works at pagod na maghapong trabaho.
Tumango lamang si Alfred. Ramdam na nya ang pagbabago sa kanilang relasyon.

Sa ospital naharap na nya ito noong isang araw, ngayon muli naupo sya sa iniwang mga trabaho kahapon, hindi na nya naisip tawagan si Alfred, alam nya na tatawag din ito mamayang lunch.
Bukod pa sa opisina, nagbukas ng clinic sa loob ng ospital ang doctora at sya rin ang doctor doon, marami silang pasyente na mga buntis. Magmula noon minahal na nya talaga ang pagiging doktor, at tinatak sa isip na hindi papabayaan ang naiwan ng kanyang magulang.
Pagkalipas ng isang lingo, sabado, natuloy na ang flight nya sa Nevada, hinatid na sya ni Alfred, sandali lamang sya dito aayusin ang ilang bagay.
“Ingat ka doon, mahal,” Ngiti ni Alfred sa kanya.
“Yam ang arte mo babalik pa ako 2 weeks lang ako doon, “ saway nya sa mahal.
“Sama na lang kaya ako, hehe…” tawa ni Alfred.
May kung anong pait sa mga ngiti ni Alfred.. hindi nya  mapaliwanag..may nagbago ba sa relationship nila, o sadyang sensitive lamang sya? Ayaw nya umalis ang nobya sa mga panahong iyon pero kailangan.
Hindi na napansin ni Yvonne ang mga ngiting iyon marahil ay sobrang okupado sya sa mga business ng kanyang pamilya. Para din naman ito sa kanila.
“Ingat ako sa mga bird flu..” dugtong pa ni Yvonne. “O sige na alis na ako, ingat ka din Yam.” Nagpatuloy na sya sa paglakad.

AFTER two weeks, bumalik na si Yvonne sa Pilipinas. Hinarap nya muli ang mga trabaho sa ospital at halos wala ng time sa pleasure. All work no play sabi nga.
“Hindi mo ako masisisi Yam alam mo naman na mahirap para sa akin ‘to, nagki-clinic pa ako, dapat alam mo na to Yam e, bakit ka ba nagkakaganyan?” Nag-uusap sila sa condo. Halos maiyak na si Yvonne, halo-halong emosyon ang nararamdaman nya.
“Tinatawagan kita hindi ka sumasagot, nawawalan ka na ng time sa atin, alam mo ba gaano kahalaga yung time?” sagot ni Alfred.
“Ano bang time sinasabi mo? Lagi ka na lang ganyan e, simula noong namatay si mommy ang gulo na di kita ma-gets?”
“Tignan mo Yam kakauwi ko lang ganto na tayo, hindi mo ba naisip na napapagod din ako?” pagpapatuloy ni Yvonne.
“Nakakainis ka na!  Sinasagot ko naman yung tawag mo, ano pa bang sagot sa tawag gusto mo?” maraming tanong si Yvonne. Hindi sya makatingin ng diretso kay Alfred, ayaw nya ng ganoon, ayaw nya ng nagagalit sila sa isa’t-isa.
“Oo! Sumasagot ka nga pero hindi ko maintindihan parang nagbago ka na? Ano ba ang nagyayari sayo? Tumaas ang boses ni Alfred.
Pagkatapos ay tumahimik ang dalawa.
Magulo na. Hindi maintindihan kung tama pa ba sila, sensitive lang kaya ang isa, o sobrang numb lamang yung isa?

Maraming tanong sa isip si Yvonne, magulo rin ang isip ni Alfred na noon lamang nya nabuhos sa gabing iyon.
Siguro nga nagkulang ang isa’t-isa, kailangan bang ipagpatuloy pa, para san pa ang tatlong taon? Iyon ang pinapahalagahan nila.

Sabagay noon lang sila nag-away muli, hindi kagaya dati na pinag-aawayan nila kahit ang maliliit na bagay, ngayon, nag-mature na sila, madalang na mag-away, ngunit parang may kung anong mabigat na responsibilidad na kung mag-away muli sa malaking bagay man, malaking problema na, makakaya pa kaya nila?
Umiiyak si Yvonne. Halo-halong emosyon ang nararamdaman nya, naalala muli niya ang mga magulang nya. Masyadong obsessed sa pamilya si Yvonne. Naalala nya yung kalagayan sa ICU ng kanyang ina bago ito mamatay, wala man lamang siya nagawa, doktor sya, kaya nya sumagip ng buhay, kaya nya iyon sana...

Naiinis ako sa sarili ko… nalulungkot ako para sa sarili ko.. hindi ka magaling Yvonne..hindi ka magaling na doktor.. Mga boses na nagpapa-alala  sa akin, mga boses na nagpapahina sa akin.. Patuloy na muli ang mga luha ng pagsisisi..wala ng babalikan..

Bumasag sa katahimikan si Alfred.

“Sorry mahal..” Sabi ni Alfred kay Yvonne lalapitan nya ito at sasawayin ni Yvonne.
Noon na nya tinignan sa mga mata si Alfred. Noong mga oras na iyon nangungusap ang kanyang mga mata sinaway sa pagyakap ang nobyo, sinaway ngunit malakas ito at hindi na nya napigilan humagulgol muli sa mga bisig nito, iyong iyak na nanagana pa ng yapusin pa syang lalo ni Alfred.

“Tama na, mahal..shh..” Saway ni Alfred. Hinalikan sa noo ang nobya.
Kala mo ay musmos na kailangan ng pagmamahal ang itsura ni Yvonne. Isa syang matapang, malakas na babae sa ilan, ngunit sa likod ng kanyang anyo ay isang babae na malambot, puro at iyakin na pagkatao. Iyon ang kilalang-kilala ni Alfred sa kanya. Kaya nya humarap sa alinmang pagkakataon at kaya nya ito tawanan, pero sa kabila ng lahat ay kailangan nya ng taong makakaintindi at magpapatahan sa tuwing manghihina sya.
“Bakit sobra kang umiyak?” Tanong ni Alfred. Hindi nya maintindihan sa puntong iyon si Yvonne. Nangungusap ang mga mata ni Yvonne.
Yumakap lang si Yvonne sa kanya at wala ng nasambit pa.




**

“Alam mo Yvonne kailangan mo rin ng break, you don’t have to sacrifice for your own happiness, kung di ka na masaya then, yung magpapasaya sayo ang gawain mo dapat.” Animo ay nagpapayo ang kaibigang doctor ni Yvonne na si Dr. Edward Perez sa kanya, ito ang Neurologist na nais ni Yvonne na magkaroon ng clinic sa ospital nila.
Nagkita ang dalawa sa isang restaurant sa Taguig malapit sa bahay nila Yvonne.
“Pano kelan ba start ng clinic ko?” pukaw ulit ni Edward sa doktora.
“Next week pwede ka na maglipat, ayaw ko mapahiya sayo,” Ngiti ng doktora.
Magkaibigan na ang dalawa noong nag-reresidency si Yvonne ng pagka-OB.
Noon pa may gusto ang binata kay Yvonne, iyon nga lang hindi pwede dahil may boyfriend ang dalagang doktora.

“Masaya ako ‘Ward, ano bang sinasabi mo? Mabait at mapagmahal si Alfred. May mga problema lang talaga ngayon kaya hindi kami nakakapag-usap ng maayos, kamamatay lang ni mommy tapos nag-aasikaso ako ng business magmula noon.” Napabuntong hininga si Yvonne, nakakapagod lang… Ilang beses nga ba niya sinasabi ang “napapagod na ako” dikta ng isip at ayaw ng katawan, may nais ang puso..

“Malayo ang tingin…” Ngiti ng gwapong doctor kay Yvonne, magkaedad lamang sila, 31. Lalo pa nagpaganda sa ngiti nya ang dimple nito sa kaliwang pisngi.
Napatingin sa kanya ang simple, ngunit may awtoridad kung manamit na doktora, si Yvonne, pinalo nya ng bahagya ang braso ng doctor at nagtawanan sila.

“Ayan, mas maganda ka ‘pag nakangiti. Dadami yang wrinkles mo kapag nakasimangot ka lagi,” ngiti ulit ng binata, nagpatuloy ang pag-uusap nila at hindi namalayan ang oras.
Masarap ang pizza sa lugar na iyon sa Taguig.
Nag-iba na rin ang pakiramdam ni Yvonne, masaya sya, hindi nya alam kung bakit? Kumain lamang siya ng pizza doon at nakipagkwentuhan. Marahil nga iyon lang ang kailangan niya, mag-break.

Naisip nya mag-ayos muli, nagmumukha syang losyang na losyang, sa edad nyang iyon hindi na nya naranasan muli lumabas ng gabi, magtungo sa mga resto-bar na lagi nyang pinupuntahan kasama mga kaibigan nya, simula noong naging sila ni Alfred ay naging “tahimik” na ang kanyang buhay. Marahil gusto nya rin iyon, kasabay din kasi ng mga pagbabago ang mga responsibilidad lalo na sila ay doctor, na kailangan maging maingat at maayos lalo na kung haharap sa pasyente.
Naisip lamang nya, na hindi talaga pagdodoktor ang gusto nya, iyon lamang ay pabor sa kanyang Daddy at Mommy, na mga doktor din, na silang magkakapatid dapat sumunod sa yapak ng magulang, dahil sila ang magmamana ng lahat ng mga bagay na naipundar ng magulang.

Masaya naman sya inaamin nya rin sa sarili kung minsan hindi maganda sundin ang magulang sa lahat ng pagkakataon lalo na kung karera ang pag-uusapan, naiisip din minsan na... hindi akong magaling talaga, hindi ko maintindihan ang sarili ko, parang wala pa rin akong kasiyahan, kahit na maraming pera, magandang trabaho, maayos na tirahan at masaganang pagkain at maayos na nobyo, parang lahat perpekto pero… sabi ni Yvonne sa sarili.

“8:30 na pala,” napatingin sa wrist watch si Yvonne.
“so, ‘pano ‘ward, uwian na, salamat pala.” Sabi pa ni Yvonne.
“Salamat saan?” nagtaka si Edward.
“sa time, at sa libreng pizza,” ngiti ng doktora.
“Ano ka ba, akala ko salamat at napasaya kita…” sabi ni Edward.

Masaya silang  lumabas ng Italliani. Naglalakad sa lansangan ng lugar na iyon.
Naalala nya si Alfred, hindi pa nagtetext o tumatawag sa kanya 8:30pm na dapat tatawag na iyon pauwi na sya. Itinabi muli ang cp, nakipag-usap kay Edward.
Sa mga oras na iyon hindi nya mapaliwanag kung anong saya meron sya, siguro dahil nakalaya sya pansamantala sa toxic ng buhay,  biyernes ng gabi iyon, walang opisina kinabukasan.

“Yvonne, pano next week pala lagi na tayo magkikita sa ospital nyo,” Sabi ni Edward.
“Oo nga, marami ng nag-aabang sa clinic mo doon, inasikaso ko na last week may mga nagtatanong na nga, sabi ko napakagaling na doktor at pogi ang makakaharap nila.” Biro pa ni Yvonne sa kausap.
“talaga lang ha,” sabi pa ulit ni Edward.

Magaan ang mga pakiramdam nila sa isa’t-isa. Marahil matagal na silang magkaibigan, parang best friend na ang turingan.
9 PM na noon ng mag-ring na ang cp ni Yvonne. Hindi na nya napansin na kanina pa ito tumutunog, hindi naririnig dahil sa mga ingay ng sasakyan sa kalsada.
Tuluyan na naghiwalay ang dalawa sa parteng iyon ng Fort at nagpaalamanan na sa isa’t-isa.


ISANG masayang umaga ang bumati sa kanila. Masaya si Yvonne. Marahil naka-adopt na sya sa pagiging director ng ospital nila, sabado ngayon at masaya kumain kung kasama ang mga kapatid niya.

“Dong, tara magbarbeque tayo, may pasok ka ba?” Ngiti nya sa kapatid. Si Dong ay nag-aayos ng sasakyan sa oras na iyon.
“Ganda ng umaga mo ha, wala akong pasok, sabado ngayon di ba? Ikaw nag may pasok sa clinic,” asar ng kapatid.
“half day lang yon,” sagot ni Yvonne.
“Ano tara, asan anak mo? Si Angelica asan?” si Angelica ay asawa ni Dong. Isa namang engineer.
“Hindi ka ba papasok ngayon?” tanong ulit ni Dong.
“Ako ang director, pwede kong ipacancel ang appointment ko, busy ang doktora.” Minsan lang ganoon ang ate ni dong, mukhang masaya nga sya.
“Ate, may sakit ka ba? Anong meron?” Ngiti ni Dong na nakapambahay komportable sa suot. Noo'y inirapan sya ng ate nya.
“sabi ko nga, mag-barbeque tayo, oo sige, pahanda ko kay manang yung uling.” Sagot uli ni Dong. Nangingiti.

MASARAP na lunch ang hain pagkatapos nila magbarbeque, sila Yvonne mismo ang nag-ihaw at masaya silang nagbonding sa bahay na iyon, noon na lamang muli nagkaroon ng malalakas na tawanan ang malaking bahay nilang iyon sa Mahogany Place.
Doon tinanong no Dong si Yvonne, “Ate kelan ba kasal mo?”
Natahimik si Yvonne,  napaisip, naalala nya si Alfred. Busy ito sa trabaho sa PGH bilang resident cardiologist. “Napapag-usapan pa lang namin ni Yam.” Sagot nya sa kapatid.
“tagal naman?”
“31 ka na kaya, si Alfred 32 ano ba plano nyo?” sabi ni Dong sa kapatid.
“Alam ko, ano naman kung wala na kalendaryo?” pagkasagot ni Yvonne nagtawanan na sila.
Nalala nya iyong gabi na may sasabihin si Alfred pero hindi na natuloy kasi namatay na si Mommy, tapos nag-away sila makalawa lamang.
“May problema pa ba?” Ngiti ni Dong sa kapatid, noon na lamang nya nabibiro ang Ate nya ng ganoon, magmula ng magdoktora ito hindi na masyado nakiki-jam sa kanila.
“o nag-away ba kayo ni Alfred?” usisa ni Dong.

Tama nga naman itong nakababata kong kapatid, ako ang ate nila, ako pa matagal mag-asawa, wala na ako sa kalendaryo, ano ba plano ko, namin ni Alfred. May plano nga ba sya? Bakit sa tagal namin hindi nya ba balak maging asawa ako?

“Hindi kami nag-aaway alam mo naman yun palaging maayos yon, doctor na doctor,” sagot ni Yvonne.

“alam ko, pero wala doon yun, hindi ka ba nya plano pakasalan? Tagal nyo na magboyfriend ha, ilang years na nag kayo ‘te?” tanong ni Dong sa ate nya habang kumakain ng chicken barbeque.
“3 years na kami, oo ako na talaga ang manang.” Sagot ni Yvonne sa usiserong kapatid.
“Yes mam?” sagot ng katulong nila. Akala sya ang tinatawag, "manang."
“eh manang kako ako sabi ko Manang Linda, hindi ko po kayo tinatawag.” Tawanan sila, dahil medyo mabilis pa sa alas kwatro kung mag-react itong kasambahay nila, simula noong masigawan ni Yvonne na mabagal siya.
Nagtawanan sila. Naging masaya ang lunch nilang iyon sa araw ng sabado. Hindi pa rin tumatawag si Alfred sa kanya magmula kahapon na hindi nya nasagot ang tawag hindi na ito nangulit sa kanya. Nabalitaan  nito ang tungkol kay Edward.

Matapos ang isang lingo, nakalipat na ng clinic si Doctor Edward Perez, napaunlakan nya si Yvonne, marami nga ang pasyente nya, hindi pala nagbibiro ang doktorang mahal niya, mabuti dito magkalapit lang kami. Sabi nya sa sarili.
Nasundan ang paglabas-labas nila ni Edward, hindi na maitago na masaya sila, puhunan ang kanilang pagkakaibigan magmula noong residency.
Akala ng ilan ay sila ng ng butihing doktor, hindi naman maipagkakaila na totoo nga ang hangarin ng binatang ito kay Yvonne.

Si Alfred bilang isang doktor sobrang busy din ngunit nakakapanghinang balita at kailangan nya umuwi sa Palawan upang makita ang tatay niya na namatay kamakailan lamang.
Iniintindi pa rin ni Alfred si Yvonne dahil noong huling mag-usap sila pakiramdam pa rin nya kahit nagkabati na sila, sumagot man ng tawag at makasama sya ay hindi na nito maayos na nagagampanan, parang nagbago na si Yvonne, iniintindi lamang ni Alfred ang dalaga dahil alam niya na nahihirapan din ito sa dalawa nitong trabaho. Ayaw na lamang nya mag-away sila muli, baka isipin nya na makitid ang kanyang utak at lagi syang nagpapansin at kumukuha ng maraming atensyon, alam naman nya kailangan nito ng oras na marami upang mas magampanan ang trabaho nito.

Madalang sila mag-usap ng dalaga at pakiramdam niya na kahit ganoon hindi gagawa si Yvonne ng makapaghihiwalay sa kanila, gayong matagal na sila alam na nila patakbuhin ang mga bagay, ngayon pang matatanda na sila, at komportable na sa isa’t-isa…
Hindi na maitago pa ang kasayahan ng dalawa, si Yvonne at si Edward, lalo pa sila naging close magmula noong nakapasok sa ospital si Edward kina Yvonne.
Nagbago na rin manamit ang doktora, ngunit naging mas mapagpuna sya sa ospital, hindi tulad dati, naiisip nya nakailangan ng mga pagbabago sa ospital nila upang mas lumago..
Nabaling na ang atensyon ni Yvonne kay Edward. Dito sya nagiging masaya, kagaya ng sabi nito, seek happiness within yourself, at kung may mga bagay na nakakapagpalungkot sa kanya, mangyari na bitawan iyon, na hindi kailangan maging mabigat ang mga bagay na dalahin ito kung pwede namang maging magaan..

Magmula noon hindi tapos ang isang lingo ay gusto ng bumalik ni Alfred sa Maynila, hindi rin sila nagkakaintindihan ni Yvonne, marami syang nababalitaan ukol sa Edward na iyon. Napagtatalunan nila ito minsan sa telepono habang nasa lamay sya ng kanyang ama, hindi lamang sya makapag-react at malayo sya, gustong-gusto na nya umuwi sa Maynila para mapagsabihan ang Edward na iyon.

“Yam, ano ka ba kaibigan ko lang yun, ayan ka na naman, babalik na naman ba tayo sa mga paulit-ulit na pagtatalo na ito?” Paliwanag ni Yvonne. “may meeting pa ako, mamaya ka na tumawag!” sabay baba ng telepono. Nakukulitan na si Yvonne kay Alfred dahil nagiging seloso ito at hindi na nya ma-gets?
Wala ng nasambit pa si Alfred. Binabaan sya ng telepono. Hindi nya maintindihan ang mga ganitong pag-uugali ng kanyang mahal, mahal pa kaya sya nito? Unti-unting nagilid ang mga luha sa kanyang mga mata. Halong emosyon sa pagkalungkot nya sa pagkawala ng kanyang ama.

Hindi pa tapos ang isang linggo ay bumalik na sya sa Maynila upang kumprontahin ang girlfriend. Naisip nya yung proposal na sana noon pa, marami lang nagyari na nagpapatagal, sana kung ikasal na sila, hindi na sana ganito.

“Mag-usap tayo, pagbalik mo ng Manila.” Iyon ang sabi ni Yvonne sa text message nya kay Alfred. Seryosong-seryoso ang text na iyon. Parang may kung anong kirot sa puso ang kanyang naramdaman sa pagbasa ng mensaheng iyon. Somatic distress, hindi nya maintindihan, lumungkot lalo ang paligid kasabay ng pagdadalamhati nya sa kanyang ama. Tinawagan nya si Yvonne ngunit nakapatay na ang cellphone nito.



NOBYEMBRE, malamig ang hangin, malamlam ang langit at malamig ang paligid, animo ay laging uulan, ngunit hindi natutuloy, sa hapon na iyon habang nakapinid ang araw sa oras ng mag-aalas singko, maaninag mo na rin ang sulyap ng buwan, mabilis na magdilim sapagkat malapit na ang Disyembre.
Malungkot ang paligid, nakikisabay sa damdamin ng isang nilalang sa katauhan ni Alfred, marami syang ikinakabahala, iyong pakiramdam na maghaharap sila ni Yvonne, pakiramdam nya na hindi pa man sinasabi ng bibig nito ang gustong usalin, nararamdaman na nya bago pa ito banggitin…

Ramdam pa rin nya ang pagkaulila sa ama. Mahal na mahal niya ito, hindi man sila ganoon kadalas magkasama dati at magmula ng magkaron sila ng alitan sa iilang bagay, hindi na sila gaano nag-uusap pa, pero sa kahuli-hulihang mga panahon bago ito mamatay ay saka lamang sila nagkabati. Kung kalian pa binigyan ng atensyon saka rin ito babawiin ng Diyos, sana noon pa napadama sa Ama na mahal na mahal nya ito. Wala na, tapos na… Hindi na mababalik ang buhay ng ama, kung mas napadama lamang nya na mahal nya ito ng mas maaga, mas maraming pagkakasunduan, mas maraming magagandang ala-ala sana ngayon.
Nabaling ang isipin nya muli kay Yvonne.
Ramdam nya na mabigat na mabigat ang puso nya habang naiisip ang nobya, hindi rin sya makapaniwala sa mga naririnig nya ukol sa kanila ni Edward. Kailangan nya malaman mula sa bibig ni Yvonne, saka sya maniniwala.

Hindi sya makaiyak, hindi nya alam kung bakit ayaw lumabas ng mga luha na gusto na nya ilabas upang gumaan ang dalahin nya sa dibdib. Lalake sya, oo, pero umiyak man sya alam nya kung gaano kahalaga ang mga luhang iyon para sa nobya. Sobrang mahal niya si Yvonne.
Andaming mga bagay ang tumatakbo sa kanyang isip habang nililisan ang lugar nilang iyon. Apat na taon din ang nagdaan ganoong-ganoon pa rin ang istilo ng lugar, naalala nya sa apat na taon iyon na pala ang huling mga taon ng kanyang ama. Sa mga taon na iyon nakilala naman nya si Yvonne, ang tuluyang nagpabago sa kanya. Isang babae na nagpaikot ng mundo nya, nagmahal din naman sya bago si Yvonne pero hindi tulad ng pagmamahal nya sa babaeng ito. Sa babaeng ito lamang nya nakita ang isang matapang, ngunit mababaw na puso ng isang babae.Isang babae na malakas ang loob, ngunit madaling umiyak kapag may mga pagsubok, pero makikita mo babangon sya muli at muling ngingiti at sasabihin okey na ako ulit, tuloy ang buhay…Doon ko lamang nadama ang pagmamahal ng isang babae na kaya ka ipagmalaki sa pamilya at hindi nag-aalangan na sabihin “ito ang boyfriend ko,” at madadala mo kahit sa mumurahing resto, kahit na mayaman sila, hindi sya maarte. Payak sya kung magsalita at may awtoridad kaya naman ginagalang syang doctor. Gusto ko sya pakasalan, sya na ang bigay ng Diyos sa akin, ayaw ko na sya mawala pa. Sabi ni Alfred sa sarli.

Nasa condo na si Yvonne. Inaantay na lamang nya si Alfred. Halos magsama na ang dalawang kilay nya, naiinis sya ngunit may isa syang pinanghahawakan.
Isang oras sya doon nag-aantay, late na si Alfred dumating 7 PM na noon. Iyon ang ayaw na ayaw ni Yvonne sa kanya iyong lagi na lang nale-late.
Walang kulay ang mga labi ni Alfred, lahat ng dugo nya sa ulo ay nagsibaba. Nakita nya si Yvonne.

“Mahal,” yumakap sya, hindi nagpaunlak si Yvonne. Tinignan ito ni Alfred. Hindi maari ang naaaninag nya sa  mga mata ng kanyang nobya, mga pinid na titig na hindi na kailangan pa sabihin ng mga bibig nya. Mga paliwanag na naiintindihan ng puso kahit hindi na bigkasin pa, dahil ramdam na ramdam na  nya. Iyong mga yakap na dati’y mahihigpit ngayon ay hindi makaipit pagka nanlalamig.

Hindi na nagpaligoy-ligoy pa si Yvonne.

“Let me clear my self unto you, I am suffocated,” sinabi ni Yvonne kay Alfred.
“Bakit hindi ka makahinga, need mo oxygen mahal?” Pilosopo ni Alfred. Alam na nya ang gusto sabihin ni Yvonne. He’s making sarcasm.

“Lagi na lang tayo nag-aaway, hindi ko na maintindihan tayo, mahal pa ba natin ang isa’t-isa? We need a break, malaman natin kung sino ba nagkukulang sa atin ako o ikaw? Parehas tayong busy, parehas tayong may mga responsibilad, Yam napapagod na ako sa ganitong routine, hindi na ako ‘toh Yam…” Tuloy-tuloy na salita ni Yvonne.

“E di magpahinga ka, iyon lang yun mahal, kung tungkol na naman yan sa trabaho, ganoon talaga doctor ka, malaki ang nakaatang na responsibilad sayo, lalo na ikaw nag humahawak ng business nyo.” Sagot ni Alfred.

“Hindi mo ako naiintindihan, Yam hindi mo ako naiintindihan… Alam mo yun parang perfect na lahat, nakaplano na, nakaayos na, yes I have this profession, doctor ako pero hindi ko man lang natulungan si mommy, yung mga material na bagay na luho ng pamilya namin sa palagay mo masaya ako kahit na makuha ko lahat ng bagay? Yam may kulang pa rin, hindi ko alam kung ano, hindi ko maintindihan sarili ko…oo tayo, parang lahat na nga nasa akin e maayos na boyfriend, magandang bahay, malaking sweldo, at kahit ano pa, yam feeling ko you are too perfect for me, you are too perfect…” doon na sumabok ang mga luhang kanina pa kinikimkim ni Yvonne.

Nakatingin lamang si Alfred. Inasahan na nya itong nangyayari.

“You are so perfect for me, you deserve more than anything else.” Dugtong pa ni Yvonne.

“Anong ibig mo sabihin,” diretsa ni Alfred.

“Kailangan ko hanapin ang sarili ko, hindi ako masaya sa ganitong mundo, parang hindi ko na kilala sarili ko,” sagot ni Yvonne.

“Why don’t you tell me straight to the point!!!” Sigaw ni Alfred. Noon ay humarap sa bintana ng condo. Nakahalukipkip ang mga kamay sa bulsa ng pantalon.

Noon lamang sya sumigaw kay Yvonne sa loob ng 3 years ito na ang matinding sagutan nila.

“Nagbago na ang lahat noong dumating sa buhay natin yung lalaking yon, si Edward, asan ba sya ha?” Patuloy ni Alfred.

“Simula ng dumating yang Edward na yan hindi ka na nakikipag-usap sa akin ng maayos, ano ba napakain nya sayo?”

“Mahal kita Yvonne, hindi mo ba alam na yung mga naririnig ko kahit na nakakakulti ng utak tungkol sa inyo, ayaw ko paniwalaan pero ano ba talaga ang totoo? Ano!?”

“Ayan!! Hanggang ngayon sya pa rin ang pinag-aawayan natin! Nakakatorete na paulit-ulit ka e, di ba sinabi ko na wala lang yon kaibigan ko lang sya? Kilala mo sya di ba? Wala ka sa lugar! Alam mong part ng trabaho ko iyon!” Tumaas na rin ang boses ni Yvonne sa kausap, pinapabulaanan ang ukol kay Edward.

“Akala ko kilala mo na ako e,” Sabi pa ni Yvonne, “bakit kahit anong sabihin kong wala, wala, wala!! Hindi mo na pinaniniwalaan, alam mo sa isang relasyon mahalaga ang tiwala, Yam, bakit wala ka ng tiwala sa akin?”

Napatahimik si Alfred.

Traumatic na lagi silang nagsasagutan napakadalas magmula tumuntong sila ng 3 years.

“Tama na ‘to, hindi na ako masaya. Traumatic na palagi na tayong nag-aaway, siguro pakawalan na natin, kung wala ng natitira pang pagmamahal..” Kumalma na si Yvonne. Again she showed her strong side.

“kung wala ng tiwala sa isa’t-isa at kailangan mag-grow ng isa sa atin, siguro tama na yung taon na pinagsamahan natin...”

“Isa pa kailangan natin hanapin muli yung sarili natin, nalo-lost tayo sa maliit nating mundo,”

“hahanapin ko yung nawawala kong sarili, siguro naman naiintindihan mo ako, tandaan mo rin na dapat tiwala ka sa partner mo, kung walang trust issues ok sana, kung may bagay na hinahanap-hanap baka kapag nagtigil tayo saka natin mahanap… kung tayo talaga para sa isat-isa, tayo… ” Iyon na ang buod ng mga bagay na gustong sabihin ni Yvonne sa partner nya. Lalong gumaan ang puso nya, nagtigil na sya umiyak. Ito ang mga bagay na gusting-gustong sabihin ng kanyang puso na hindi nya lang masambit kay Alfred. Nabibigatan na sya.

“Naniniwala ka ba dyan talaga? 3 years...” tanong ni Alfred.

Wala ng nasambit pa si Yvonne, nanunuyo ang kanyang lalamunan.

Oo matagal na sila… Handa na pakawalan ni Yvonne ang taong nagkulay sa buhay niya minsan, handa nya bitawan kung ano man ang meron sa kanila sapagkat iisa lang ang alam niya gusto nyang maging masaya.

“Sigurado ka na ba talaga sa mga sinasabi mo?” tanong ulit niya kay Yvonne. Parang bata sya na nagmamakaawa.

Hindi na umimik pa si Yvonne. Handa na rin nya lisananin ang bahay na iyon, pinaghandaan na nya nag mga emosyong pinakawalan nya, na alam nya iyon ang tama at magiging masaya sya...

Marahil tama nga si Yvonne,  nasasakal ko sya... hindi ba nya pwedeng hanapin ito ng kasama pa rin ako? Gusto nya hanapin ang kanyang sarili sobra naman na kailangan mawala yung kami.. minsan ngang nawala ang tiwala ko, pero selos iyon gusto ko lang malaman nya na ayaw ko lang sya mawala. Nagiging possessive man ako pero may dahilan ang mga ‘yon.

Naglisaw sa ala-ala ni Alfred yung mga panahon na masaya sila, yung pagkain sa mumurahin lang solve na tapos maglalakad sa holding hands, mga immature thoughts na pinagtatawanan nila, nag-aaway man sila ngunit nagkakabati rin agad, mga bagay na masasaya, mga ala-ala ng lahat na naghatid ng kulay sa kanyang mundo ngunit ngayon nagpalungkot na…Handa na ba talagang pakawalan ang lahat ng magagandang bagay na nangyari sa aming buhay noong magkasama kami?

Sinundan ng lagabag ng pinto at umalis na si Yvonne sa kwartong iyon, mabilis nyang nilisan sa pagkakataong doo’y sinundan sya ni Alfred palabas…ngunit naunahan nya ito…

Tatawid na sya tuloy-tuloy syang naglalakad hindi alintana ang daan, hindi na nya napansin ang mga taong nakatingin sa kanila na nakikiusisa sa kanila, ang alam nya lamang ay patuloy siyang lumalakad palayo sa lugar na iyon, naririnig lamang ang tinig ng kanyang puso na mabilis ang mga pintig at malabong daanan sapagkat puno luha ang kanyang mga mata..hindi na nya maaninag ang daan…

“Yvonnnnnnnnnneee…sandali lang!!!” Sigaw ni Alfred. Hawak nya noon ang singsing na sana ibibigay nya kay Yvonne. Hindi na sya nilingon ni Yvonne at patuloy lamang ito sa pagtakbo.
Ngunit ang tinig na iyon, tinig na galit, alam nya kapag lumingon pa sya hindi nya kaya makita si Alfred na umiiyak. Alam nya kaya nya iyon huwag lamang sya lilingon sapagkat kapag nakita nya ang mata muli ni Alfred na umiiyak din, maaring manghina sya at baka bumalik sya…

Baka kung tignan pa nya ito maawa lamang sya muli, hindi nya kaya na awa na lang ang madama nya dito…

Kailangan nya mag-stand sa mga bagay na sinabi nya sa dating nobyo, kailangan nila ito, kailangan.

Isang malakas na kabog ang narinig ni Yvonne sa likuran nya, nagulat sya…nakatawid na sya noon at hindi nya napigilang lumingon sapagkat may malakas na ingay siyang narinig. Kinabahan sya. Sa maginaw na gabing iyon…sa oras ng alas-8 ng gabing iyon… Halos wala na siyang marinig kundi mga tinig ng mga taong sumisigaw, ngunit malabo ang paligid, gawa ng mga luhang kanina pa nag-agas sa kanyang mga pisngi. Hindi nya maintindihan ang nangyayari... Naaksidente ba... ngunit patuloy syang tumakbo….



***

TWO years din ang nakalipas napakabilis ng panahon, marami na ang nagbago, nag-asawa na rin si Yvonne. Pagbalik nya ng Pilipinas galing Amerika ang mga ala-ala noon ay waring kahapon lamang pero lipas na ang sakit. Nangitian na rin nya ito.

Wala na syang balita kay Alfred magmula noong gabing iyon. Hindi nya akalain na sa haba ng panahong nagkasama sila, pinangarap din naman nya maging asawa ito pero hindi na napayagan ng pagkakataon dahil desisyon na rin nya na maghiwalay sila.
Hindi na nya inalala iyon, siguro masaya na rin si Alfred, masaya na rin sya, may anak sila ng kanyang asawa si Peter Ceriales na isang engineer.

Isang taon pa lamang sila ng kanyang asawang ito ay nagpakasal na sila. Mahal na mahal ito ni Yvonne at biniyayaan sila ng isang anak na babae, si Ella.
Sabi nga nya wala sa tagal ng pagsasama iyon, kundi kahit na ilang taon pa lang magkakilala kung mahal na mahal naman nila ang isa’t-isa, walang problema. Kaya nagpakasal na sila.
Naging maayos ang pagsasamahan ng mag-asawa sa unang dalawang taon. Maayos ang lahat, siguro ito na ang buhay na inaantay nya, pakiramdam kasi nya noon kay Alfred hindi sya kayang pakasalan nito, parang walang plano magpamilya…
Lahat ng mga bagay ay nagbigyan na ng kasagutan, tanggap na rin nya ang pagkawala ng magulang hindi na nya sinisisi ang sarili doon.
Siguro nga kailangan tumigil muna ang maliit na mundo upang mahanap ang sarili, pakiramdam din nya noon na kahit na masaya sila ni Alfred, parang may kulang pa rin.
Nangingiti si Yvonne sa hapong iyon, inaalala ang mga lipas na bagay habang nagtitingin ng mga pictures nilang mag-asawa sa sofa.

“Honey, gutom ka ba?” tanong ni Peter asawa ni Yvonne.
“Magluluto ka Hon?” Ngiti ni Yvonne.
“Oo ba, ano gusto mong pagkain? Mukhang masaya ka dyan ha, kakatingin ng pictures..” Sabi pa ni Peter.
Tinignan nya ang asawa, tama nga dapat kuntento ka lang kung ano ang meron.. masaya sya, si Yvonne.
“Pork steak?” Lambing nya dito.
“Ikaw pa! Lakas mo sa akin e. Oo sige coming na po...” sunod ni Peter. Nakangiti naman si Yvonne sa kanya. Nakakatuwa ang asawa nya sa ganoong istilo, masarap magluto si Peter.
“Hon marami ka bang pasyente kanina?” pagpapatuloy ni Peter habang hinahanda ang karne na kailangan niya sa pagluluto.
“Hmm.. hindi masyado hon, ikaw nagpunta ka sa site kanina diba?” sagot ni Yvonne sa kanya.
“Ay honey, may isa pala akong pasyente kanina, kilala ka raw niya? Nagpasched next week may check up, pero tingin ko doon hindi abot ng 1 week manganganak na sya..” paliwanag ni Yvonne habang nakatingin pa rin sa mga litrato nila.
“Oh? Ano pangalan hon? Kilala daw ako?” nakakunot ang noo ni Peter. Kinabahan sya.
“Oo, sabi ko asawa ko sya. Engineer Peter Ceriales.” Proud na sabi ni Yvonne.
“Ano pangalan ng buntis na yun?” ulit ni Peter, inumpisahan na ang pork steak na request ni Yvonne.
“Ahh... hindi ko matandaan hon e, hindi ko kabisado ang lahat ng pangalan ng mga pasyente ko.” Napatingin sya kay Peter. At tumungo na sa kusina, sabay yakap sa likod ng asawa.
Pagkatapos noon ay masaya silang kumain ng hapunan kasama ang maliit na batang si Ella na noon ay 2 years old na.


Sa office ni Peter.

“Please lang, wag ka na lang manggulo,” sabi ni Peter sa kausap sa telepono. Nasa office sya sa mga oras na iyon, umaga.

“Hindi ako nangugulo, Peter, napag-usapan na natin ito, gusto ko lang makita kung gaano ba kagaling si Yvonne...” sabi ng kausap, akmang naiinis kay Peter.

“Kung gaano kagaling? Ano ba gusto mong mangyari pa?” Hinihinaan lamang ni Peter ang boses baka may makarinig sa kanya.

“Magkita tayo ngayon…” sabi ng kausap.

“oh sige, Jannette, binabalaan kita ayaw ko ng gulo, akala ko nasa Amerika ka na, nakuha mo pa magpakita sa asawa ko.” Sabi pa ni Peter.

“Oo, nagpacheck-up lang ako kay Yvonne Lopez-Ceriales, may masama ba doon?” sagot ni Jannette.

Nagmamadali umuwi si Peter, hindi pa tapos ang mga paper works nya. Nagkita na sila sa isang hindi gaano kilalang restaurant.

Naalala nya ang mga nangyari bago sya ikasal kay Yvonne. Hindi sadya, aksidente ang nangyari, lasing lamang sya noon...

Hindi nya alam kung paano ipapaliwanag sa asawa nya, pero natuloy pa rin ang kasal nila, akala nya hindi nya nabuntis si Jannette. Nagpunta kasi ito ng Amerika at doon nanganak, may kinakasama na rin ito ngayon hindi pa sila kasal. Ang anak nilang si Rocky na kasing edad ni Ella ay nasa ibang bansa din, tinatago ng mga magulang ni Jannette, dahil isang kahihiyan ang nagawa nilang bagay.

Napahimas ng ulo si Peter. Naguguluhan sya, alam nya ang ukol sa bata...pinaalam lamang ni Jannette sa kanya pagkatapos nya ikasal kay Yvonne.

Hindi alam ni Peter ngayon kung ano ba ang plano nito, nagbibigay naman sya ng sustento sa bata.

“Namiss kita.” Sabay halik ni Jannette kay Peter sa pisngi. Hindi sya nakaiwas sa babaeng ito, ganoon talaga sya, nahiya si Peter hindi na lamang sya umimik.

Ganoon talaga ang istilo ni Jannette, masyadong palakaibigan doon sya hinangaan ni Peter dati.

“Akala ko nasa ibang bansa ka, bakit ba andito ka?” Bungad ni Peter.

“Bawal ba?” Tanong ni Jannette. Nakangiti.

“Sorry kung late ko na nasabi sayo, ayan ang picture ng anak mo.” Binigay ni Jannette ang picture ni Rocky.

“Kasing edad ni Ella, mabait yang bata na yan hindi mana sa mommy, pero mana sa daddy....” Pagpapatuloy na salita ni Jannette.

Hindi umiimik si Peter. Nagugulumihanan sya.

Napag-usapan na nila ang mga bagay na ito, pero ano pa ba ang gusto ni Jannette at nagpakita pa ito dito.

“Naaksidente si James, yung boyfriend ko kaya nauwi ako dito. Dadalawin ko sya, may baby na rin kami etong dala ko ngayon, hindi nya alam na nakipag-meet ako sayo. Sobrang bait ni James...pero...” Paliwanag ni Jannette.

Alam nya yung kay Rocky, alam nya yung tungkol sa atin dati, tanggap nya ako, Peter. Pero...” Patuloy niya sa pagsasalita.

“Pero.. Mahal pa rin kita..bakit ka ba nagpakasal agad?” Halos naiyak si Jannette.

Bumilis ng tuluyan ang pintig ng didbdib ni Peter. May communication pa rin sila ng babaeng ito magmula sya ay ikasal.

“Hindi ka man lang ba magsasalita, Peter?” ismid ng babae.

“Pero sabi mo ta-try mo mahalin din ako?” sabi pa ni Jannette na nagmamakaawa.

“Sorry, Jannette, hindi ko lang mapagtanto ang mga bagay,” Sabi na ni Peter.
Hinawakan sya ni Jannette sa kamay. Inilayo naman ni Peter ang kamay niya.

“May order ka ba?” tanong na lang ni Peter.

“Peter… ang sakit na ng tyan ko….” Sambit ni Jannette sa kausap, nawala ang dugo ni Peter sa mukha.

Napasigaw na ang babae at wala ng nagawa si Peter kundi dalahin sya sa ospital nila Yvonne kung saan sila malapit.

Kinakabahan noon si Peter. Ano ang sasabihin ni Yvonne? Ano ang pwede nyang isipin? Bakit sa dami ng araw ngayon pa mangangak si Jannette?

Sa ospital nila Yvonne...

Calling Dr. Yvonne Ceriales in OR please. Nakadalawang banggit na ng pangalan sa kanya.
Manganganak na si Jannette. Si Peter ang nagdala sa kanya.
Pinapanalangin lamang ni Peter na sana hindi sila magkita doon ni Yvonne sa ospital kundi malaking gulo ito.
Dinala na sa OR si Jannette dahil hindi maganda ang lagay ng bata sa loob nya.
“Sir Peter, kayo po pala yan, kamag-anak nyo po ang pasyente?” Sabi ng nurse.
“O-oo.” Sabi ni Peter na malamig na malamig ang kamay. Gusto na nya umalis.
“Nasa loob na po si doc, hindi po maganda lagay ng bata, 50-50 si Mrs. Jannette..” patuloy ng nurse.
Ano ba itong nangyayari.. sambit ni Peter sa sarili. Kinontak na noon ni Peter ang mga magulang ni Jannette.
Nagmamadali ang bawat isa sa ospital na iyon, magulo, maraming tao at hindi nya alam kung kailangan na ba nyang umalis at iwan na lang si Jannette doon? Ang sama naman nya kung ganoon.
May panahon pa sya upang hindi magtanong si Yvonne sa kanya, natatakot sya sa kung anong mangyari sagutin nya pa rin si Jannette kung tutuusin.

Maraming dugo ang nag-agas kay Jannette, sanay na ang doktora sa ganitong mga uri ng emergency, ito ang pasyente nya noong isang linggo na kilala raw si Peter. Naalala nya ito.
Kailangan nya mabuhay ang pasyente, hindi maaring magkaron ng mortality. Naalala nya muli ang Mommy nya sa ICU noon, ang Daddy nya rin. Marami silang doctor sa OR ngunit si Yvonne ang pinakasenior doon kaya sya ang nakahandle.

Nag-order na sila ng crossmatched blood para sa pasyente. Hindi madali ang pagrelease ng dugo kaya naka-open pa rin ang babae habang inaantay ang dugo.

Naawa sya sa pasyente, sa bata, nakamonitor silang lahat na doctor at interns sa pasyenteng iyon.
Sa mga sandaling na iyon, kailangan ng isang desisyon. Kung sino ang maliligtas, ang sanggol o ang ina? Ito ang pinakamabigat na desisyon sa pamilya at sa mga doctor ng pasyente.

Natapos din ang operasyon.

“Salamat doc, mabuti po nadala agad sa inyo ang asawa ko, kung hindi mas malaking problema.” Sabi ni James, kausap si Yvonne.
“Oo nga may nagdala dito, sorry hindi na naligtas ang bata,” sabi ni Yvonne.

Nabuhay si Jannette pero hindi naligtas ang bata.


AFTER 3 years, hindi naging maganda ang takbo ng buhay nila Yvonne at Peter. Palagi na rin sila nag-aaway at naapektuhan ang kanilang anak na noon ay nag-aaral pa lamang.
Nais na nila maghiwalay, maraming issues na lagi nila pinagtatalunan. Akala ni Yvonne "perfect" na ang kanilang relationship, dahil sa naunang dalawang taon, okey naman sila ni Peter. Maraming sikreto si Peter at lagi naman naghihinala si Yvonne sa kanya.
Ang ospital na hinahawakan nya, si Dong muna ang humawak panandalian.

“Ate, baka naman pagsubok lang yan sa pamilya mo, hindi titibay ang relasyon kung walang mga pagsubok, isipin nyo muna kung makakabuti ba yan sa inyo kung maghiwalay kayo, at isa pa, sa huli, si Ella ang maapektuhan.” Payo ni Dong sa kanyang ate, sya na ang humahawak ng opisina ni Yvonne as medical director.
“Mapapatawad ko pa sana kung malakas lang sya uminom, mato-tolerate ko pa yun, Dong, pero kung may involve na babae hindi ko na matanggap ‘yon.” Paliwanag ni Yvonne sa kapatid. Nalaman na rin nya ang tungkol kay Jannette.
“Hindi kita masisi ate,” sabi ni Dong.
“Isipin mo nalulugi na ang ospital natin, maraming problema, ang malas ko talaga…” sabi ni Yvonne sa kapatid.
“’Wag mo isipin yan ‘te, walang malas, tayo gumagawa ng buhay natin. Isa pa, ‘wag ka makalilimot sa May Kapal.” Seryoso si Dong. Siya pa itong pinakabata, siya pa nagpapayo sa ate nya.
Hindi nagsasalita si Yvonne.

Tama nga si Dong, kelan pa ako huling nakipag-usap sa Diyos? Tanong ni Yvonne sa sarili. Nahiya sya sa sarili, naalala nya noon sa ICU na humiling sya sa Diyos na sana mabuhay pa ang Mommy nila. Iyon ang matinding panalangin nya.

Tandaan mo ‘te, hindi lang kapag may problema tayo saka lang lalapit sa Panginoon, kundi sa araw-araw, kahit pa naging maganda o pangit ang nagyari sa buhay, araw-araw din dapat tayo nagpapasalamat sa Kanya.” Dugtong  ni Dong. Noon ay labis na kalungkutan ang nadarama ni Yvonne.


****

“BROKEN relationships, spirit of diseases, at mga bagay na hindi mo kailangan dalhin..nabibigatan ka na at napapagod ka na sabi ng Panginoon sa Matthew 11:28
Come unto me, all you that labour and are heavy laden, and I will give you rest.”
Nakikinig na sya ng mga sermon ng pastor, minsang mag-attend sya ng service.
Parang laging sumasakto ang mga pag-aaral nila sa lugar na iyon sa kalagayan nya sa buhay.

Gusto ko magpahinga… oo gusto kong bitawan ang mga bagay na nakakapagpabigat sa akin… Gusto ko lumapit sa Diyos. Ngunit Mahal ko si Peter. Hindi ko kaya na mawala sya… si Ella na bata pa..kailangan nya ng ama. Mga tinig nya, mga boses at mga damdamin na nagpapalala ng kanyang mga luha. Sabi ni Yvonne sa sarili.

“Bitawan mo na ang mga bagay na hindi nakakatulong sa paglago mo sa Panginoon. Lumapit ka sa kanya, sabi ng Panginoon, kung sino mang kumatok ay syang pagbubuksan at hindi mapapahiya.”

“Sabi pa ng Panginoon, masusumpungan ninyo ako kung talagang hinahanap ninyo ako...”

Sa pagkakataong iyon, naligaw sa isip nya si Alfred. Naalala nya ang mga sinabi nya dito bago sila maghiwalay. Naalala nya ito, kamusta na kaya sya? sabi sa sarili.

Maraming bagay na napatunayan nya noong nagkahiwalay sila. Pero ngayon nadarama pa rin nya na hindi pa rin sya kumpleto, nagkaanak sya, nagkaron ng asawa at maganda ang buhay niya noong nagkahiwalay sila. Sabi pa nya noon sa nobyo dati na perfect masyado ang kanyang buhay, perfect na boyfriend, perfect sa lahat material na bagay pero parang may kulang pa rin sa buhay niya.

Nahihiya sya sa sarili. Hindi pa rin nya masumpungan ang mga bagay na makakapagpasaya sa kanya. Ano nga ba ang kulang gayong nasa akin na ang swerte ng mundo? Tanong nya ulit sa sarili habang nakikinig ng sermon.

“Sabi pa ng Panginoon,  What good is it for someone to gain the whole world, yet forfeit their soul?* At pagtitig sa kaniya ni Jesus, ay giniliw siya, at sinabi sa kaniya, Isang bagay ang kulang sa iyo: yumaon ka, ipagbili mo ang lahat mong tinatangkilik, at ibigay mo sa dukha, at magkakaroon ka ng kayamanan sa langit: at pumarito ka, sumunod ka sa akin.”**

Iniisip-isip nya kung ano nga ang mga talinhagang sinsabi sa sermon.

Sabi nya sa sarili siguro ngayon lamang ito, okey naman sana kung hindi naging ganoon si Peter. Kumpleto naman sana. Masaya naman sana….

What good is it for someone to gain the whole world, yet forfeit their soul? Paulit-ulit ang katagang iyon ng pastor sa kanyang isip…

What good is it for someone to gain the whole world, yet forfeit their soul?

Naalala na naman nya ang kanyang mga magulang.
Namatay sa sakit na kanser ang kanyang ina. She was aware sa mga ganoong sakit, naalala nya check-up pala nya sa may Veterans.
Umuwi muna si Yvonne pagkagaling sa service. Magaan ang pakiramdam nya noon. Uuwi muna upang tignan ang anak, tiyak na nandoon na rin si Peter sa bahay ngunit hindi nya nasumpungan.

Habang minamasdan nya ang loob ng kanilang bahay, naalala nya kung gaano sila kasayang pamilya noon, na ngayon ay nagbago na... Puro lungkot na lang ang nakikita nya sa bahay... naglaho na ang awra ng bahay nilang iyon na puno ng tawanan at pagmamahal, dati sa kitchen naalala nya masaya sila nagkukwentuhan ni Peter, nagluluto ito ng masarap na pagkaing gusto nya, ngunit wala na ngayon...Hindi na nagagawa ni Peter iyon, nagbago na si Peter.

Parang may mabigat sa dibdib nya maisip ang kalagayan nilang pamilya. Hindi nya malubos maisip na nagawa iyon ni Peter sa kanya. Kasal sila. Nakikipaghiwalay sa kanya si Peter. Naiisip nya muli ang bata pa si Ella na walang kinalaman sa gulo nilang mag-asawa.

Sa pagkakataong iyon nagtatanong sya sa Diyos, bakit ganito Lord? Wala naman akong ginawang labag sa loob mo... malabo ka naman Lord? Bakit ako pa, bakit nangyayari ito?

Nagpunta na sya sa doctor na kaibigan nya sa Veterans.

Isang balita ang hindi nya inaasahan na nagpabago tuluyan ng kanyang buhay.
Sa mga resultang nabasa nya, sa mga hindi inaasahang sintomas na ngayon lamang nagsilabas.. Ibang klase. Epic.

Nagdadasal naman ako, hindi ako gumagawa ng bagay na labag sa loob ng Diyos, hindi ako nagnakaw o nangalunya pero hindi pa rin sapat, ang hirap-hirap ng mga pagsubok na ito, bakit colon cancer pa? Bakit ako pa? Bakit sa lahat ng doktora sa mundo, ako na manggagamot, ako din ang gagamutin? Naiiyak sya. Naroon sya sa kwarto nila mag-asawa.

Ibang klase ka rin… Sana naaksidente na lang ako, nahulog sa bangin, o nasagasaan ng truck, papatagalin Mo pa, papahirapan mo pa ako, magpapa-chemo pa ako, BAKIT HINDI MO NA AKO KUNIN NGAYON NA? Halos inuuntog na nya ang kanyang ulo sa pader.

“Mommy bakit ka umiiyak?” Nagtataka si Ella, nagpunta sya sa kwarto ng mama nya.

Pinahid nya ang kanyang luha bago makipag-usap sa anak.

“May masakit lang kay mommy, anak.” Sabi nya sa anak.

Niyakap nya ito ng mahigpit. Hindi naiintindihan ng bata ang sitwasyon nya.

SABAY-SABAY ang mga pangyayaring nagpapadurog ng kanyang puso. Mabilis syang namayat, mabilis ang dalawang taon, mabilis din ang kanser sa colon hindi na mapigilan. Ang annulment nya kay Peter ay nagkakaroon na ng kaliwanagan. Hinayaan na lamang nya ang dating asawa.

“Pray continually,” Si Dong ang nagsasalita.

“Hindi ko alam kung saan mo nahuhugot ang mga sinasabi mo Dong, pero siguro nga tama ka, naisip ko lang na ang Diyos ang kulang sa aking buhay.”

“Hindi ako paladasal dati, ngayong nagkaroon ako ng sakit at naloko na ang relasyon ko sa asawa ko, pero may isang bagay lang akong patuloy na ginagawa, mag-dasal.” Sabi pa ni Yvonne.

“Hindi ko alam kung may nagyayari ba, siguro meron nga? Alam mo dito lang ako natuto umiyak kung manalangin, pagkatapos umiyak gumiginhawa ang pakiramdam ko, siguro nga may tinuturo ang Diyos sa aking leksyon.” Dugtong ni Yvonne. Nakikinig lamang si Dong.

“Kahit na minsan hindi Nya tayo sinasagot sa mga panalangin, hindi Sya bingi sa ating mga hinaing. May itunuturo lamang syang bagay sa atin kahit pa hindi maunawaan ng ating puso minsan, sa huli, malalaman din natin na sinusubok nya tayo kung hanggang saan ka tatawag sa kanya o bibitawan mo na. Tama nga iyong sinasabing ang pananalig sa Kanya ay ukol sa mga bagay na hindi nakikita.” Paliwanag ni Dong, nakikinig naman si Yvonne sa seryoso nilang usapan.

“Dong, mapapatawad pa ba Nya ako? Marami akong bagay na sinabi noon sa Kanya, nagalit ako sa Diyos… hindi na secret iyon, hindi ko kasi matanggap…” Ang sinasabi nya ay kung mapapatawad ba sya ng Diyos.

“Ikaw lang ang inaantay Nya lumapit.” Sagot ni Dong sa kapatid. Ngumiti na ito.

Simula noon, lagi na sya nag-aattend ng service malapit sa lugar nila.

Nakilala nya si Kristo ay isang malaking bahagi sa kanyang buhay.


NAG-PLANO silang mag-anak magpunta ng Roma, Italya.
Isa ito sa pinakamagandang lugar na gustong-gusto mapuntahan ni Yvonne noon pa, busy lamang sya sa pagiging doktor sa ospital nila. Kaya naman excited ang mag-anak.
Parang walang iniindang sakit si Yvonne, sabi nga nya, tuloy ang buhay, kapag hindi ka ngumiti ngayon, baka bukas kunin ka na, wala ka man lang nabaong ligaya.

Sabay-sabay man ang mga nangyari noong makaraang dalawang taon, alam nya, may purpose ang Panginoon, maligaya na rin sya dahil alam nya kahit na wala ang mga bagay na tinatangkilik nya, kahit nalugi ang business nila, nagkasakit sya, nawalan sya ng asawa... sabi nga, as much as you want to plan your life, it has a way of surprising you with unexpected things that will make you happier than you originally planned, ito na nga siguro ang God’s will.

Sa wakas din natapos na ang annulment nya kay Peter. Matagal din ito bago naayos. Siguro nga hindi talaga sila para sa isa’t-isa.

Napatawad na nya sila, sino man ang naipalit nito sa kanya. Masaya na sya ngayon kahit na anak lang nya ang kasama nya.

Tama nga, acceptance, forgiveness lang ang kailangan.

Si Lord nga nagpatawad, e ako pa kaya? sabi nya sa sarili.

“Ate? Ano pa inaantay mo dyan, malungkot ka na naman?” Putol ni Dong habang nakatulala si Yvonne.

“Tara na!” Excited silang lahat sa pagpunta ng Rome.

Masaya sya!

Si Lord lang pala ang magpupuno ng mga emptiness ko, hindi ko akalain na kapag nagbabad ka sa presensya ng Diyos, ganito kasaya? Mukhang natagpuan ko na ang hinahanap-hanap ko noon pa. Lahat ng bagay sa mundo panandalian...lahat ng nakikita panandalian, pero ang salita ng Panginoon hindi lumilipas...

Isang bagay na alam nya, totoo na, God often uses our deepest pain as the launching pad of our greatest calling. Maraming sakit syang naranasan, at halos gusto na nya magpakamatay noon ng maghiwalay sila ng asawa, pero, hindi, tinawag sya ng Panginoon. Hindi sya nito pinabayaan.

Nagpunta sila ng Rome, Italy. Ito ang pinakaabangan ng mag-anak, treat ni Yvonne. Sobrang saya nya, na sakabila ng mga sakit, dulot ng kanyang asawa, pati ang pisikal na sakit, hindi pa rin sya pinabayaan ng Diyos.

Nagpunta sila sa sikat na obra maestra ni Bernini sa Roma ang Fontana dei Quattro Fiumi. Hindi nila pinalagpas ang mag-picture sa fountain na ito, marami ang taong naglalakad, isang sikat na tourist destination ang lugar na iyon ng Roma sa Piazza Navona. Magtatagal sila doon ng isang lingo.
Sa gabing iyon, naglakad sila, naghahanap ng mga kainan sa paligid ng Piazza.
Malamig ang gabi sapagkat Disyembre noon.
Malamig ang simoy ng hangin, sumasabay sa kabuuan ng lugar ang saliw ng musika sa di kalayuan paskong-pasko na nga sa Italya.
Hindi mapaliwanag ang kagalakan ni Yvonne, pati na rin ang saya sa mga mukha nila habang naroon.

May edad na ako, fourty years old.. sabi ni Yvonne sa sarili, pero pakiramdam ko ang galak ng isang sixteen years old... Nangiti sya sa sarili ng mga oras na iyon. Sinulyapan nya ang kanyang anak.



KINABUKASAN alas 7 ng gabi, mag-isang nagtungo muli si Yvonne sa labas upang maghanap pa ng ibang attraction sa Roma, naglakad sya mula sa kanilang bahay hanggang marating muli ang fountain. Pagkatapos ay naisipan nya magkape, maraming kapihan sa paligid ng Piazza 15 minutes mula sa kabuuan ng lugar na iyon.

Nag-usisa sya sa mga taong nasa labas hindi nya masyadong makita dahil malabo na kanyang mga mata noo'y nakasalamin sya. Maraming mga artists, mga painter at mga ordinaryong tao ang nagkakape sa lugar na iyon na tinatawag na Via della Pace.

Sa lugar na iyon may kapihan o "bar" kung tawagin ay Caffee della Pace, nakita nya ang kapansin-pansin na old-fashioned lamp sa labas, pati ang mga taong nakakape, gayon din ang ivy-drapped sa pader nito. Sa di kalayuan ay may chapel, hindi gaanong lumang simbahan, disenyong italyano.

Pumasok sya sa loob ng "bar",  isang klase ng art deco-style interior sa Italya. Nagtitingin kung ano ang meron, nag-uusisa.. Sa loob nito ang marmol haligi pagsuporta sa isang beamed ceiling. Antigo ang looban, makikita mo rin doon ang mga dark wooden chairs na may ukit ng bulaklak, pati na ang tables na may design na marmol sa ibabaw, pati na ang nouveau lamps doon.

Isang ambient music ang nagpi-play sa lugar na iyon.

Very Italian ang mga style ng Christmas décor. Natutuwa sya dahil na-experience nya ang ganoong lugar.

Opisyal na pasko na nga sa Italya.

May lumapit sa kanya, staff ng della Pace.

Hindi sya marunong magsalita ng italyano mabuti may staff na nagtanong sa english at tinanong kung gusto nya magkape. Sinabi nito na sa labas mas maganda dahil puno na rin sa loob kung nais nya magkape.

Pinili nya sa labas kahit malamig. Isang winter night noon. Maganda nga naman. Sa labas makikita mo ang tumatangkilik ng kape nila pati ang ilan na kumakain.

Lumilingon lingon sya sa paligid, nagmamasid lamang. Naupo na sya sa labas. Marami na ring tao sa labas.

“Can I take your order, mam?” sabi ng staff. Pagkaupo nya ng komportable doon.

Nag-order sya ng espressino. Isang Italian coffee inumin na ginawa mula sa pantay na mga bahagi espresso at steamed na gatas, na may cocoa powder sa ilalim ng tasa pati sprinkle ng cocoa sa ibabaw. Iyon ang timplang gustong-gusto nya, mas lamang ang pait pero malalasahan pa rin ang linamnam ng gatas.

Habang ine-enjoy ang espressino, naglisaw pa rin ang kanyang mata sa ibang bahagi ng lugar, maraming tao doon ang iba ay nadadaan lamang.

Nakita nya sa isang bahagi ng caffee sa gawing unahan ng mga mesa at upuan ang isang tao, ang isang mukha na akala nya kilala nya.

Patuloy pa rin sya sa paghigop ng espressino upang mainitan ng bahagya.

Tinignan nya ulit ang bahaging iyon kung saan nakaupo ang taong akala nya ay kilala nya. Napaisip sya. Medyo madilim ang bahaging iyon sapagkat ang mga ilaw lamang ng old lamp ang nakatangan sa magkabilang bahagi ng gusali. Hindi nya mapagsino. Hindi sya mapakali sa mga sandaling iyon, gusto nyang mapatunayan na hindi ang taong inaakala nya ang nakaupo doon.

Naririnig pa rin nya ang saliw ng musikang italyano. Sa mga oras na iyon, malamig na gabi sa Roma, kasabay ng mga mahihinang usapan ng mga taong nagkakape din ang iba ay kumakain ng sweet stuffs.

Hindi sya nagkamali. Kilalang kilala nya ang mukhang iyon, kung paano umupo, kung paano uminom ng kape. May edad na rin ito pero kung paano sya gumawi noon, parehas pa rin.

Tumayo si Yvonne. Pakunwari’y dadaan sya malapit sa lugar kung saan nakaupo ang taong iyon.

 “Alfred?” Nagtataka si Yvonne, hindi nya maunawaan ang sarili kung bakit bigla na lamang may kung anong kaba sa kanayng dibdib. Nag-aalangan pa sya baka hindi sya pansinin nito. Hindi nya akalain na dito sila magkikita pagkatapos ng sampung taon.

Umiinom ng marocchino si Alfred ito ang paborito nyang inumin sa lugar na iyon. Kamukha ng espressino, ang marochinno mas marami lamang gatas at bula sa ibabaw na nagpadagdag ng sarap sa inuming ito. Napatingin sya kay Yvonne, hindi nya  akalain…sampung taon din bago nya nakita muli ang dating nobya.

“Kamusta ka na?” Dugtong ni Yvonne, hindi pa rin sumagot si Alfred. Nakangiti ang matanda ng doktora. Pero naroon pa rin ang kasigasigan.

Parehas na parehas pa rin ang reaksyon nya noong unang makita nya si Yvonne dati sa school nila. Unti-unting nagbalik ang lahat ng mga ala-ala. Hindi nya makakalimutan kung paano ang mga ganoong gawi ni Yvonne ay nakakapagpabilis pa rin ng tibok ng kanyang puso. Ngunit alam nya huli na ang lahat, siguro mamaya, makita silang nag-uusap doon, ipapakilala na ni Yvonne ang asawa nya sa kanya… Hindi maari dapat magpaalam na sya. Bago pa nya maramdaman ang sakit muli siguro dapat na syang umalis? Ayaw na nya makita ang taong mahal nya ay may kasama ng iba? Hindi pa rin alam ni Alfred na wala ng asawa si Yvonne.

Minsan hinahayaan ng Diyos na mawala ang taong importante sayo para lalo mo lamang sila mahalin ng lubusan sa kanilang paglisan... At para maisip mo kung ano ang kaibahan ng wala sila at nandyan sa buhay mo.. Napaisip si Alfred. Si Yvonne pa rin ang mahal nya, napatunayan nya ito sa sarili.

“Hindi kita nakilala, Yvonne. Ikaw pala yan.” Sabi ni Alfred. Ngumiti sya ng bahagya, pinipigilan ang emosyong nararamdaman. Binaba na nya ang tasa ng marochinno.

“You look familiar kaya lumapit ako, hindi ako nagkamali. Sabi na ikaw yan.” Ang laki ng ngiti ni Yvonne. Hindi nya maitago ang galak sa puso, it has been ten years. Right then the old feelings remain.
Nalala ni Yvonne ang mga salitang binitawan nya noon kay Alfred. ‘yung gabi na hindi na sya lumingon man lamang sa nobyo dahil natatakot sya.

Maybe this time, If this is the right time na binigay ng Diyos para sa kanila, kung time naman nila maging masaya, kung game over na ang past, then it should be…  ito na ‘yon, sa lugar na ito, sa oras na ito…

“Parehas pa rin ang reaksyon mo, yam,” mahina lamang nya binaggit ng “yam.” Sanay pa rin sya na “yam” tawag sa kanya. Hindi narinig ni Alfred ang word of endearment na yon ni Yvonne sa kanya.

They wear old faces. May uban na rin ang kanilang mga buhok. Malabo na kanilang mga mata... Same 40’s by age. After years na hindi sila nagkita, marami silang napag-usapan mga nangyari sa kanilang pagkakawalay. Nalaman na rin ni Alfred ang ukol sa paghihiwalay ng asawa ni Yvonne sa kanya.

May kung anong musika sa kanilang mga puso, maybe the old feelings will come true?

Marami na ring bagay ang nangyari, parehas silang nawala saglit sa mundong maliit nila noon, ngayon it was strange na kabila ng mga nagdaang mga panahon, the feeling is still there. Bumabalik ng kusa ang pagmamahal... kahit na ilang taon pa ang kayong maghiwalay, what is meant to be, it will be..

He never been married. May nakilala syang bago, si Dianne ngunit namatay ito sa aksidente sa sasakyan bago pa sana sila ikasal ni Alfred.

Nagbalik ang mga damdamin, hindi pa maaninag, pero nararamdaman na ng mga puso.

Sa paghihiwalay ng dalawang pusong nagmamahalan doon mo mapapatunayan sa pagdaan ng panahon, nawala man ang taling nakabigkis, ang pagmamahal ay lumalago lamang ng lumalago kung sa bawat isa may natitira pa ring pag-ibig.

Ngayon ang  kanilang puso na ang magpapasya.