Ang
buhay ay parang isang thesis, may introduction, may experimentation at
conclusion.
***
Tara,
yosi muna tayo.
Labing-dalawang
taon ako ng mamatay si mommy at daddy na-aksidente sa eroplano. Iyon ang
banggit ng tita ko sa akin. Tulog ako noon tapos ay ginising ako. Iyak ng iyak
ang tita Elsa ko. Hindi na raw babalik pa sina mommy at daddy. Kaya naman, iyak
na rin ako ng iyak. Hindi ko alam gagawin ko. Ang huling padala nila sa bagahe
etong mga damit na pang-birthday ko pati si Gretchen yung barbie doll ko. Ang ganda-ganda ng mga regalo nila sa akin. Mayaman
kami. Nasa abroad kasi sila mommy at daddy. Ang ganda nga ng bahay namin sa may San Juan pero
lumipat ako sa Recto dito kay tita Elsa kasi nag-abroad sila mommy. Wala akong
kapatid. Wala ring anak si tita Elsa kaya ako na lang ang kanyang parang anak. Pero
meron syang kaibigang lalaki, tatawagin ko raw
“tito”. Kagabi, noong umiiyak si tita Elsa, may nagpunta sa bahay, si
tito Francis. Pinag-uusapan nila ang pagkamatay nila mommy. Hindi ko na rin
naiintindihan kasi halos humahagulgol si tita.
Ang
malas naman, kung kailan pa ako mag-bibirthday saka sila nawala. Sana may kapatid ako para naman may kasama ako, pero
hindi natupad. Dapat kasi, pagkauwi nila mommy, saka ako magkakaron ang
kapatid. Ngayon, si Gretchen na lang ang kasama ko.
Magmula ng mamatay sila mommy, hindi na ako nakabalik
sa malaking bahay namin sa may San Juan sabi ni tita Elsa, sinabi daw ni mommy
na ibenta iyon para makapag-aral ako sa high school. Sayang,
hindi ko nakausap sila mommy iyon pala ang huling bilin, pero bakit pa sila
nag-abroad? Hindi ba sila nakaipon doon sa Qatar? Pero tinaggap ko na lang iyon kasi ang sabi ng tita
Elsa.
Ilang
lingo ang lumipas, sabi ni tita siya na lang daw ang nag-asikaso sa bangkay ng
mommy at daddy kasi hindi na rin daw makilala, kaya inilibing na rin agad. Ang
daya naman, sa kahuli-hulihan, hindi ko na sila nakita pa. Si Gretchen na lang
naiwan, yung barbie doll ko.
Sumunod na linggo, may bagong pinakilala si Tita Elsa
sa akin, si tito Efren. Mukhang matanda na si tito Efren. Halos sampung taon
ang agwat kay tita Elsa na kwarenta anyos. Si tito Efren, natutulog sya sa
bahay. Kasama namin sa bahay. Matagal sya doon. Matagal. Yung bahay namin ni
tita Elsa, una, may magandang kusina parang reddish marmol pero ngayon lumipat
kami parang kusina na lang yung tirahan namin. Malamok. Akala ko nga
magkakasakit ako.
Nagising
ako isang gabi, may nagtatalo, doon sa kabilang kwarto, alam ko sila tita Elsa
iyon at Efren. Nakita ko,
sinampal ni Tito Efren ang tita ko. Yung makapal na lipistik ni tita at kulot
niyang buhok ay halos kumalat sa mukha niya. Natakot ako kay tito Efren kaya
bumalik ako sa higaan ko.
Naubos na yung pera ni tita. Yun ang pinag-aawayan
nila. Hindi ko rin maisip parehas naman sila nagsusugal, nag-eenjoy pero
pagkauwi ng bahay nagtatalo. Hindi ba nila naisip na gusto ko rin mag-aral?
May maliit na negosyo si tita may pwesto kami sa
Recto, nagbabantay ako doon nagtitinda kami ng libro at mga gamit ng
estudyante. Nakakainggit lang, magmula ng mamatay
sila mommy, yung magandang uniporme ng estudyante sa Centro Escolar hindi ko masuot.
Pero pangako iyon ni tita pag-aaralin nya ako kasi iyon ang bilin nila mommy,
kaya nga raw binenta yung bahay naming sa may San Juan.
Nag-aantay
lang ako sa go signal ni tita, tuwing June, tinatanong ko sya, sabi nya sa akin
mag-inquire daw ako, pero sa mura lang daw kung gusto ko mag-kolehiyo. Kasi Nagkaproblema daw sa lupa na binebenta nila pati
yung sa bahay naming sa may San Juan.
Pagkauwi ko galing sa tindahan namin, gutom na gutom
ako noon tanghali na nakalimutan ko dalahin yung tanghalian ko. Alam ko kasi
busy si tita sabi nya may bisita daw siya kaya ako muna ang naatasan. Umuwi
ako sa bahay namin. Nakasarado iyon. Buti may susi ako. Maingay sa loob. Nagulat
ako ng Makita ko sila na walang saplot kaya napaurong ako. Wrong timing.
Napalingon ang lalaking kasama niya pero sigurado ako hindi si tito Efren iyon.
Sabi
ni tita Elsa, wala na raw si tito Efren, kasi sinasaktan daw sya nito, kaya
ipinakilala nya sa akin si Ferdi noong magbalik ako sa bahay pagkatapos ng
pagbabantay sa tindahan. May
edad na rin halos si Ferdi kasing tanda ni Efren. Francis- Erfen-Ferdi. O-okey.
Astig. Pero kahit ganoon, alam ko mahal ako ni tita Elsa. Kasi pag-aaralin nya
ako.
Nakikita ko na masaya ang tita ko kasi masaya sila ni
Ferdi. Kaya naman ok na ako doon. May negosyo
si tito Ferdi. Malapit lang din sa bahay namin. Computer shop. Nagpunta ako
doon minsan, kasi sabi ni tita, alamin ko raw mag-computer dahil susunod, ako
na ang hahawak nito. Kaya tuwang-tuwa ako, ang dami nilang computer. Parang
nahumaling na ako doon. Ang dami ding DOTA player sa kanila sa umaga, mga
estudyante, mga ordinaryong tao at magagandang babae kung gabi. Nagiging
tipunan ng magagandang babae pala iyon kung gabi. Mas malaki ang kita namin sa
shop na ito kaya naman, sabi ng tita, kung gusto ko pa mag-aral, mag-ipon muna
kami. Umo-Oo lang ako sa kanya, may sarili kasi akong computer doon kay tito
Ferdi.
Sabi
nila, mas maganda kung pagkakitaan daw iyon kagaya ng mga magagandang babae sa
shop kung gabi. WALA naman daw masama. Dalaga pa rin ako. Ipapakita lang yung
konting parte ng katawan ko sa kausap sa may video tapos yung pera ibibigay na
lang sa ATM ni tita. Kahit ano raw ang ipagawa sa akin gawin ko raw tutal may
alam daw ako sa English. English daw kasi makikipagusap yung nasa video.
Ano
nga ba ang tawag sa ganoong hanap-buhay?
Ganoon ang istilo sa lugar na iyon kapag gabi. Totoo
nga mas maraming kita pero nakakapuyat. Nakikita ko rin na mas masaya na ang
tiyahin ko, kasi nakakatulong ako sa kanya?
Hindi pa doon nagtatapos ang mga pinapagawa niya sa
akin, nagpupunta kami sa isa pang sulok ng lugar na iyon na kung tawagin ay spa
o bar maraming nag-iinuman doon, madilim at halos makapal na make-up
lang daw ang pantapat doon para makita ka. May
spa may bar din. Iyon ang sabi ni tita. Doon daw sya nagtrabaho dati kaya naman
ngayon na kinse anyos na ako, bukas disi-sais na ako, tulungan ko muna raw sya
tutal, gusto ko raw mag-aral. Halos
wala na nga sa isip ko kung mag-aaral pa ako. Kumikita naman na raw ako? Ano pa
ang kukunin ko kung mag-aaral ako e ganoon din daw iyon, magtatrabaho din naman
ako pagkatapos mag-aral?
Marami na rin akong nakilala, Gil, Anthony, Harold,
Kevin, sino pa nga yung iba? Iyan nga pala mga customer ko sabi nila, mahal
daw nila ako. Buti pa sila mahal nila ako, ako nga hindi ko magawang mahalin
kahit sarili ko? Pero ang masarap lang doon, libre na ang drugs, libre pa inom
pati may pera ka pa, ‘san ka pa? Ewan ko kung totoo nilang pangalan iyon, pero nakilala
ko sila doon sa may kwarto na sinabi ni tita.
Umiinom muna kami ng beer, tapos yung parang tawas
pala itsura ng shabu ok, tapos may GVKm na iniinom na mukhang vitamins,
oo vitamins daw, halo-halong valium at iba pa tapos sunod noon, hindi ko na
alam ang nangyayari. Basta alam ko, naroon ako. Nagtatrabaho.
Pagod na pagod ako tuwing umaga. Nangingitim na yung
mata ko sa inaabot daw kami sa kwarto ng hanggang alas-singko tapos, iuuwi na
lamang ako ng tiya ko. Tapos nale-late na ako sa pagbabantay ng tindahan ng
libro namin sa Recto.
Mag-iisang linggo na akong nagta-trabaho doon tapos ngayon,
pakiramdam ko, ang sakit-sakit ng pag-ihi ko, sabi ni tita, UTI daw iyon uminom
lang daw ako ng maraming tubig. Parang ayaw ko muna
ulit magtrabaho doon, lalagnatin ako.
Nag-absent
ako ng tatlong araw. Humina raw ang kita kasi wala ako. Nakita ko noon na nagbibilang ng pera si tita Elsa. Na-guilty
naman ako sa sinabi nila. Kaya nag-double work ako.
Nagpatuloy
ang ganoong sitwasyon sa buhay ko. Alam ko masaya naman ako kasi marami na ring
pera, natuto akong magbisyo, kasi hindi pwedeng wala kapag ganoon nagtrabaho
mo. Marami na rin akong nakilalang kaibigan.
Minsan
sa pag-uwi ko ng madaling araw, nakita ko si tito Ferdi nandoon naghihintay sa
akin sa bahay. Wala raw
ang tita Elsa ko, nag-away sila. Asan na kaya siya? Akala ko matino sya
nakikipag-usap sa akin, kasi iyon ang una niyang sabi, wala si tita Elsa,
nag-away sila. Tapos bigla na lang nya ako itinumba. Tapos pinaghahalikan.
Pagod na pagod na ako sa trabaho, halos wala na akong lakas. Halos hindi ko na
kaya maglakad. Ang sakit-sakit ng ginagawa nya. Hindi
ko mapayagan, naglaban ako sa kanya pero sadyang malakas sya, ganoon ba ang
ginagawa ng mga kasama ko sa kwarto doon sa shop? O talagang hindi ko lang alam
iyon ang nangyayari? Hindi ako makapalag, hindi ko na kaya. Bakit iniwan ako ng
tita ko dito? Asan na ba sya? Hindi
ko akalain na gagawain nya yun sa akin. Hayop sya hayop…Iyak
ako ng iyak.sabi ni tito normal daw iyon bakit mukhang nag-aasta akong malinis?
Normal? Bakit hindi nya iyon gawin kay tita Elsa? Bakit ang sama nya? Dumating
si tita nakita nya ako umiiyak. Nalaman nya ang ginawa ni Ferdi. Nagtalo sila. Nag-away. Ang gulo ng paligid. Parang
gusto ko lang sumigaw ng sumigaw at magalit sa mundo, bakit hinahayaan ng Diyos na
maging ganito ang sitwasyon ko?
Nagpatuloy
ang buhay ko sa shop nila, galit pa rin ako sa kay Ferdi. Hindi katagalan, nalaman ko ang ibang shop, mas malaki
ang kita.. kaya halos magsolo na ako. Ang baba na ng tingin ko sa sarili ko,
hindi ko na matignan sa salamin, nakikita ko naman na maganda sya pero kapag
inisip mo kung paano ito binaboy ng mga taong sabik sa pera at pangsariling
kasiyahan, nakakahiya. Ganito na ba talaga ang buhay ko?
Minsan naiiyak na lang ako sa isang tabi, lalo na
kapag gabi, kapag pagod na pagod na ako.. Bisyo, inom at droga. Saan na nga ba
ako? Alam ko ito na ang nakagisnan ko. Hindi na siguro mababago ang takbo ng
buhay ko, kumikita naman ako e? Natutulungan ko si Elsa. Ang tiya ko. Bakit ba
nya ako hinayaan sa ganitong trabaho? Akala ko makaka-aral pa ako.
Ngayon, 19
na ako. Birthday ko ulit. Naalala ko na naman sila mommy. Sana kung nandito
sila, makaka-migrate na ako sa ibang bansa. Nawala na yung pangarap ko maging
nurse. Mag-aral man ako sa katawan ng tao, hindi na maari, ako mismo hindi na
malinis. Wala na sigurong magmamahal sa akin? Kasi hindi ko na rin mabilang ang
nakasama ko sa kwartong iyon, mga hayop sila, shabu, marijuana, ketamine,
valium. Iilan na nga ba silang mga lalaki, wala na bang matinong
lalaki ngayon? Lahat sila gustong galawin ako. Hindi na ba nila iginagalang ang
mga menor de edad, lalo na yang hayop na si Ferdi. Akala ko tutulungan nila
ako, pero ngayon, wala, asan na nga ba
ako, parang halos araw-araw gusto ko masuka sa mga nangyayari. Bakit paulit-ulit nya iyon ginagawa sa akin? Okey lang ba kay tita Elsa iyon? Hindi nya ba ako mapagtatanggol? May galit at takot akong nararamdaman. Gusto ko ba
itong mga nangyayri sa akin? Siguro nga ito ang kapalaran ko, sabagay, hindi
naman na ako malinis. Kahit ang Diyos hindi na ako mapapatawad e sa dami ng
nagawa kong labag sa kanya? Lalo na nagyon nagbunga ang kagagawan ni Ferdi.
Isang buwan na akong hindi dinadatnan...
Isang gabi noon halos wala na ako sa sarili. Uminom
kami ng mga kaibigan ko, niyaya ko sila sa tambayan namin. Masaya kasi kasama
ko sila, humindi muna ako sa mga customer ko. Kung baga, free muna kasi
birthday ko naman.
Sabi ko sa sarili ko, ngayong birthday ko, dapat sana
nandito ang mga magulang ko pero, wala e, wala na sila. Si
Elsa at Ferdi, hindi ko alam, magmula ng humiwalay ako sa shop, nawala na rin
sila. Minsan nga
tinext ako ni Elsa. Elsa na lang tawag ko sa kanya, nanghihingi siya ng pera,
aba? Asa naman sya? Ganoon na lang ba ang lahat? Hindi ko lubos maisip kahit
ang kamag-anak mo ilalapit ka sa masasama, siya rin naman ang pumayag na maging
ganito ako e? Sana pinag-aral nya ako, may natapos pa sana ako, sana
nakapag-aral ako ng nursing. Hindi ko malubos maisip
na kahit pala kadugo mo kaya kang ipag-palit sa pera.
Hindi
naman ako masyadong bitter sa lahat. Siguro nga walang diyos. Dapat sana kung
may diyos, hindi nya ako hahayaan na mapariwara. Paano mo masasabing mabuti ang
diyos, kung ang buhay ko ay hindi mabuti, pinipili lang ba nya ang mga
minamahal nya? Ako
hindi ba nya mahal?
Hindi ko namalayan nagsuka na pala ako. Nahihilo na
ako. Pero sige tuloy. Gusto ko pa maging masaya. Yung saya na hindi ko pa
nararanasan kahit kailan, tutal birthday ko naman. Sabi ng mga kaibigan ko
himala raw at napasuka nila ako gayong dati kapag umiinom kami hindi ako
nagsususka. Naisip ko, buntis pala ako. Hindi ko naman ginusto ito? Okey
lang uminom mag-yosi at magdrugs, hindi ko gusto ang bata na ‘to sa tiyan ko...gusto ko syang patayin...
Nadatnan
ko nalang ang sarili ko, iyak ng iyak. Hindi ko matanggap na buntis na nga ako. Madilim sa
lugar na iyon. Sa may tulay, biglang bumilis ang takbo ng isip ko. Medyo
mataas ang tulay, sa ibaba ay ang ilog. Amoy na amoy ang basura na nakatambak sa
gawing kaliwa ng lugar na iyon ang iba naglisaw sa ilog. Itim ang paligid.
Tama, ito na ang paraan, sabi nila, kapag namatay ka raw, wala ng sakit, puro
masaya na. Gusto ko na malaman
kung totoo nga ba ang sinasabi nila. Iyak pa rin ako
ng iyak. Natatakot ako sa dami ng mga bagay na sumasagi sa isip ko, mga bagay
na malulungkot. Kahit masaya alam ko hindi ako tunay na masaya. Bakit ba ang
lupit ng mundo? Inihahakbang ko na ang paa ko, tama, tama lang na wakasan na
ang buhay, wala naman akong kwenta, sabagay doon sa kabilang buhay baka
makapag-umpisa ako muli.
Napakahangin
ng paligid. Nobyembre noon.
Naalala ko sila mommy, parang tinatawag nila ako, parang malungkot sila sa tinig na iyon...naririnig ko sila doon sa madilim na ilog...gusto ko na hayaan ang katawan ko ay sumunod sa hangin, susundan ang tinig na iyon... sila mommy, bakit sila malungkot? Ngunit
may isa pa ring tinig sa likuran ko. Natigilan ako. Tinig ng isang lalaki. Tinig na maamo ngunit may awtoridad, tinig na nagsusumamo. Pagkatapos naramdaman ko may humawak sa braso ko. Napasandal na
lamang ako sa dibdib nya, tapos noong lumingon ako halos mahalikan ko ang labi nya. Sabi
nya kanina pa raw nya ako
pinagmamasdan. Naguluhan ako, sino ba sya? Siguro, isa na naman ito sa lalaking gusto manamantala sa akin.
Hindi pa ba kayo tapos? Gusto ko na mamatay please..... Sinampal ko sya, sabi nya “teka saglit lang miss?”
Pero mali pala ako ng akala.
Napaiyak na lamang ako at naawa sa sarili ko. Ang pangit-pangit ko na...
Maayos siya makipag-usap. Nawala yung lasing ko at
hinawi ko ang buhok kong nagulo na sa hangin ng
gabing iyon. Akala ko kung sino. Hindi
ko akalain na may tao pa pala sa mundo na kagaya nya. Akala ko pare-parehas sila...
Sa
mga panahon na iyon hindi ko malilimutan kung paano na lamang ako naawa ng
lubos sa sarili ko. Siya si
John. Sabi ni John, taliwas sa sinasabi kong walang diyos. Si John ay minsan ding nakaranas ng kagaya sa akin, mas higit pa nga sa dinanas ko noong kinuwento nya ang ukol sa kanya. Minsan sa buhay siguro nangyayari ang mawala tayo upang tayo ay matagpuan.
Natapos na ang gabing iyon... Hindi ko na
malilimutan...
Nagbago ang pananaw ko sa buhay. Hindi ko na ngayon
maipaliwanag pagkatapos ng isang taon maari pa pala mabago ang lahat. Mahal ko
si John. Hindi ko maaring maitago ang galak na nararanasan, lalo na ng ilapit
nya ako sa Panginoon higit sa kanyang sarili. Ngayon, nagsilang na ako ng
sanggol mula sa nakaraan. Mahirap pala maging batang ina, pero ngayon binigyan
ako ng Diyos ng katuwang. Yung katuwang na itinagpo ng Diyos sa akin na parehas kaming nawala ngunit ngayon ay natagpuan, parehas na nagkasala noon ngunit ngayon ay nagbabalik, parehas naging biktima ngunit nagpatawad, parehas makasalanan ngunit ngayon nakakilala sa Diyos na may kapal at handang maglingkod sa Kanya ng may galak.
Siguro nga kahit na anong itim ang kasalanan mo sa
Diyos, kung magbalik ka, mamuhay ng may kaayusan iwan ang mga bagay na
nagpapabigat sayo susunod ang mga magandang kapalaran. Siguro ginagamit lamang ng Diyos ang mga bagay na
nangyari sa aking buhay para makalapit tayo sa kanya. Nagdaan man ako sa
napakadilim na bahagi ng buhay ko magmula noong kabataan ngunit sa dulo pala ng
madilim na bahaging iyon ay may liwanag. Tama, hindi maaring matapos sa
kadiliman ang bahaging iyon, mali yung inisip ko noon na wala ng darating na
pag-asa sa akin, pero kahit ganoon, ginamit ng Diyos iyon para makapasok sya sa
buhay ko.
May mga pagkakataong nadarapa tayo sa ating buhay, na
halos akala natin pinabayaan na tayo ng Diyos, ngunit hindi pinapabayaan ng
Diyos ang kanyang nilikha. May mga kaparaanan ang Diyos para sa gayon maranasan
man natin ang masaklap na bahagi, sa
bandang huli Siya pa rin ang ating kakapitan at hahanapin.
Natuto na rin akong magpatawad sa mga taong
lumapastangan at gumamit sa aking kabataan para sa sarili nilang kasayahan.
Hindi mo nga makakamtan ang tunay na kapayapaan ng puso kung pilit mong
inaalala ang mga bagay na masasama na ginawa nila sa buhay mo. Napatawad na
kita Elsa at Ferdi. Kung hindi nga dahil sa inyo, hindi ko makikilala ang
Diyos.
Salamat din kay John, na ginamit ng Diyos para
makapunta ako sa kaliwanagan. Ngayon maligaya na kaming mag-asawa.
Hindi ko rin malilimutan ang pag-asa ng isang
nagtitiwala sa Panginoon, sabi ni John babalik ang Panginoong Hesus, malapit
na…
Salamat sa pakikinig sa akin, ako nga pala si Teodora Otelea Y. Orosa.
“Mapalad ang mga taong nagtitiwala sa Diyos, pagpapalain ang umaasa sa kanya. Katulad niya’y isang
punongkahoy na nakatanim sa tabi ng batisan; ang mga ugat ay patungo sa tubig;
hindi ito manganganib kahit dumating ang tag-init, sapagkat mananatiling
luntian ang mga dahon nito, kahit hindi umulan ay wala itong aalalahanin;
patuloy pa rin itong mamumunga.” Jeremias 17:7-8